Chapter 17 Name Your IMAGINATION

26 1 0
                                    

Copyright © UnderstanDhine, 2014

ILANG linggo na ang nakalipas mula nang bumalik ako mula sa Luciente. Hindi ako nanatili doon ng matagal. Ayaw ko. Wala namang dahilan para mag-stay ako doon ng mas matagal kaysa sa isang araw.

Pumapasok ako sa mga subjects pero napapansin ng ilang malalapit kong kaibigan lalo na sina Cody ang pag-iiba ng ugali ko. Naging moody daw ako. Laging mainit ang ulo at hindi makausap ng matino.

Hindi ko na lang pinapansin lahat ng sinasabi nila. I just feel like I don't wanna involve myself to anything that doesn't matter to me. I mean, ayoko munang mag-isip ng kung ano. I want a break. I want to free myself from all the craps I've been to these days.

Maging si Catherine Nicole ay napansin ang pag-iiba ng ugali ko. Nakalabas na siya sa ospital and she was back to her old self. Yung maingay at nakakairitang Catherine Nicole.

''Can you please shut up for a sec?'' Iritableng sabi ko sa kanya. Nasa kotse ko kami at sinundo ko siya sa school nila dahil nagpasundo siya. Tatanggi sana ako pero para hindi na humaba ang usapan ay umoo na lang ako.

Natigilan siya sa pagsasalita. ''What did you say?'' Nakaharap siya sa akin at hindi ko maipaliwanag ang reaksyon niya. Nakakainis na kasi ang kaingayan niya. She keeps on babbling about things I have no concern about.

Hindi ko siya pinansin. Ayoko ng pahabain pa 'to. Mahaba pa ang byahe papunta sa kanila. Nakatingin lang siya sa akin. ''What's wrong with you ba? Lagi kang ganyan as if you have no choice but to be with me. Masakit sa part ko.''

Nakatutok lang ako sa pagmamaneho. It's the first time na ganito siya kagalit sa akin. Napansin ko iyon sa tono ng pananalita niya, unlike before na nagpapalambing lang siya.

''Are we not going to talk about this? Last time sa hospital, umalis ka nang hindi nagsasabi kung saan ka pupunta. And you didn't explain why you letf that day! Hanggang sa makalabas ako, hindi mo na 'ko dinalaw. Tell me. Are you seeing someone? Who is that bitch?!'' Histerikal na sabi niya. Kulang na lang ay magwala-wala siya sa loob ng kotse.

Pinagpatuloy ko lang yung hindi pagpansin sa kanya pero naririndi na talaga ako sa boses niya. Sumisigaw na siya na parang baliw. I've tried my best to focus driving. Ayaw kong makipag-usap. I felt tired.

Name Your LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon