Copyright © UnderstanDhine, 2014
Seven days until the championship games. And crap really happens! Hindi ako makapag-focus sa practice games. Lagi akong napapagalitan ni Coach Ventre. Ako pa naman ang nagugustuhan niyang maging next captain.
''What's with you, Darrell?''
Nilingon ko si Curriel at uminom sa Gatorade ko. Katatapos lang ng practice pero andito pa kami sa gym.
Mangilan-ngilan na lang ang nandito sa loob. Maybe my teammates left earlier. Hindi ko na napansin. Tanging si Manong Olide, ang janitor dito, ang naiwang naglilinis. Maaga kaming natapos dahil sa nainis si Coach sa akin.
''You looked bothered. Napag-iinitan ka pa ni Coach. You will be our next captain, dude. Remember that.''
''Why so serious, pare?'' Tanong ko na nagtataka. Napakaseryoso niya yata ngayon. Is he pressured for the upcoming game?
He just laughed at naiiling na tumingin sa akin, ''Hindi na ba ako pwedeng magseryoso? You know, baka ako ang ipalit na captain. Imbes na ikaw. I'm just reminding you.'' Muli siyang napahalakhak.
Wala naman talaga sakin kung ako ang magiging captain o hindi. Pumasok lang naman ako sa varsity para sa scholarship na gusto ni Dad. Alma mater ni Dad ang Martino University.
''Whatever you say.'' Tumayo na ako para lumabas ng gym. Maaga pa para umuwi. Siguro ay magpapalipas muna ako ng oras sa kung saan.
Nag-drive lang ako ng nag-drive. Wherever my wheels take me, I don't care. Ayaw ko pa muna umuwi.
I parked my car in one of the spaces dito sa parking lot sa airport. Wala naman akong ibang mapuntahan, edi sunduin ko na lang si Catherine Nicole.
''Hi. Is Catherine Nicole here?'' Tanong ko sa isang flight attendant na nakasalubong ko.
Tinitigan niya muna ako bago nagsalita,''I-ikaw ba y-yung... boyfriend niya?''
''Uh yeah?'' Sagot ko na nawiweirduhan sa expression ng mukha niya.
Nagliwanag naman ang mukha niya at ngumiti nang napakalapad. ''Nakaduty pa siya. If... if you want, y-you can wait here. Break k-ko naman. Baka g-gusto mong s-samahan muna kita.''
Is she flirting with me? ''No, thanks. Pakisabi na lang na dumaan ako and I can't fetch her later. I have to go.'' Agad na akong lumakad palayo dahil mukhang may sasabihin pa ang attendant na iyon.
I wonder kung bakit nag-eemploy sila ng mga weird na tao sa paliparang ito. Catherine Nicole is one weird. And they have a bunch of weird people here, I guess.
Palabas na ako nang makita ko si Cody. ''Hey, what are you doing here?''
Halatang nagulat siya sa pag lapit ko sa kanya. Nakipaghandshake naman siya at sinagot ang tanong ko. ''Hinatid ko si Mama. Flight niya ngayon.''
I saw a sad smile on his lips. Mama's boy. ''To where?''
''Canada.'' Sagot naman niya at nagpatuloy na kami sa paglakad palabas.
''I thought hindi na siya nagttrabaho?''
''Yeah. Matagal na. Si lola kasi. Tumatanda na. Walang mag-aalaga.'' OFW dati ang mama ni Cody. Since naka-ipon na sila at nakapundar, tumigil na ito at mina-manage na lang ang ilang businesses nila. Nag-iisang anak si Cody at matagal nang iniwan ng papa niya.
I've known Cody since highschool at nakwento niya sa akin na mayroon nang ibang pamilya ang papa niya sa Cebu.
Tanging ang mama niya lang ang bumuhay sa kanya and I adore her mom so much. Napaka-sweet at maalaga lalo na pag nagpupunta ako sa bahay nila noon.
''Saan pa ba ang punta mo, Cody?'' Tanong ko nang nasa parking lot na kami. Hindi niya dala ang kotse niya dahil mas gusto daw ng mama niya ang mag-taxi.
Sandali pa siyang nag-isip. ''Wala na, pare. Pahatid na lang ako sa condo. Namimiss na 'ko ni Curly.'' He laughed. Napatawa na lang din ako sa sinabi niya.
He's too much obsessed kay Curly. Obsession. I've been to that.
Tahimik lang kami habang nagddrive ako. Hindi naman talaga masalita si Cody noon pa man. Silent type, sabi nga nila. Pero pagdating sa kalokohan, alam niyang sumabay.
''Kumusta naman ang practice? Lapit na ng championship game.'' Basag niya sa katahimikan.
Napahinga ako ng malalim habang nakatingin lang sa kalsada. ''Is there something wrong, pare?''
Tiningnan ko lang siya. He smirked like he figured something just by looking at me. He was always like that. Mas matanda sakin si Cody ng one year at para ko siyang kuya na parang alam lahat ng nararamdaman ko.
''You look... worried.''
''I'm okay, honey big bro. Malapit na kasi ang game kaya ganito.'' I said with sarcasm sa 'endermeant' ko sa kanya.
He laughed at loud. ''I love you, Pare.'' I told you. Malakas din ang trip ng taong 'to.
Noong highschool ay napagkakamalan kaming magkapatid dahil lagi kaming magkasama. Itinatanggi naman namin kaya mas napagkakamalan kaming magkarelasyon.
Tawang-tawa lamang siya noon samantalang ako ay laging naiinis kaya ako ang sinasabi nilang 'baluktot'.
Well, highschool was just a memory now. Hindi ko na masyadong inaalala ang nangyari na.
Again, Cody broke our silence. ''Are you... still waiting?''
Napalingon ako sa tanong niya. Why all of a sudden?
''I-I don't k-know..''
He looked away. ''Five years, pare. Those years didn't change a thing about you..''
''You still hope.''
''It's the least I can do.'' Buong tapang na sagot ko sa kanya. He looked at me unbelievably. He started this stupid conversation and I hate it.
I stopped my car when we reached his condo. Before he got out, tiningnan niya muna ako sabay pakawala ng isang malalim na hininga na parang tanda ng pagsuko niya.
When he closed the door, pinaandar ko kaagad ang kotse ko palayo. Sa emosyong pinipigilan ko na rin siguro kaya napabilis ang pagpapatakbo.
Memory lane isn't exactly a road i like to go down. I don't want to stuck myself there anymore.
And that girl in the coffeebar brought me to that lane of five years ago.
