Chapter 1 Name Your TARGET

65 2 0
  • Dedicated kay Karen Tabuli
                                        

Copyright © UnderstanDhine, 2014

BOTHERED na ko sa walang tigil na pagring ng phone ko.

10 Missed Calls.

All from the same number. Nagring ulit ang phone ko. Hindi ko na tiningnan ang caller at tamad kong sinagot,''What do you want?''

The other line chuckles,''Why so sungit ba? It's me, baby.''

''Uh Catherine, right? Catherine... Mae?''

''Oh c'mon. It's Catherine Nicole! We've been couples since... Ummm last night!'' I know she's pissed.

Last night ay birthday party ng isa sa mga team mates ko sa varsity. Basketball to be exact. Maybe I met her sa after party. At hindi ko siya maalala.

''Are you still there, Darrell?''

''Oh hey. Actually, I'm quite busy. Can you call some other time? Okay bye.'' Agad kong pinindot ang end call.

Rude, I know. Ayoko lang talagang naiistorbo ang pagjojogging ko. Not that, nagpapaganda ako ng katawan. Sabi kasi sa internet, maraming magandang benefits ang pagjojogging. Kaya sinubukan ko.

Feel na feel ko na ang pagtakbo kasabay ng Just A Little Girl ni Stephen Speaks nang nagring ulit ang phone ko.

The stubborn Catherine Nicole. ''I told you. Busy ako!''

''Hey, relax, dude. Had a fight with a cat?'' Sabay tawa ng nasa kabilang linya.

''Tss. Anong kailangan mo, Curriel?''

Bakas pa rin sa boses ko ang inis. Curriel Damaggio. Baliw kong kaibigan.

''Whoa chill! Para kang babaeng may dalaw sa kasungitan mo, pare,'' sabay tawa niya sa kabilang linya. Isa pa tong sakit sa ulo.

''Seriously, dude. Ano ba talagang kailangan mo?'' This time, seryoso na ang boses ko.

Lalo lang niyang nilakasan ang tawa niya. ''Hangover lang yan, pare. Well, andito kasi ako sa bahay mo and... You know. There's a little problem. May pusa kasi dito. Matapang, maingay at nakakairitang pusa.''

Napahinto ako sa pagtakbo at kumunot ang noo,''Pusa?'' Bago ko pa dugtungan ang sasabihin ko ay naramdaman ko ang pag-agaw sa phone ni Curriel.

''HOY DARRELL ROMANO! PINAGTATAGUAN MO BA AKO? ILANG LINGGO NA KITANG TINATAWAGAN AT HINAHANAP! YUNG TOTOO, NASAAN KA?!''

Nailayo ko na lang ang phone ko sa tenga ko sa sobrang lakas ng boses niya. God! Para siyang nakalunok ng isang dosenang megaphone.

''H-Hello t-there, Catherine. K-Kumusta ka---?''

''For your added information, Mister! Katherine Joy angpangalan ko! With a capital K! Dapat ipronounce mo yung K with feelings!!'' sigaw niya ulit na nabawasan ng 2% ang volume.

''O-Okay, K-K-Katherine Joy with a capital K. Busy ako sa school, sa---'' sabi ko na idiniin ang letter K sa pangalan niya.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago magsalita,''Ang akin lang naman kasi, sana naman sinasabe mo kung anong nangyayari sa'yo. Hindi yung para akong tanga. Nakakabobo na kasi. Ano pang silbi na girlfriend mo ko at---''

I cut her there,''Hindi na kita girlfriend. You know that.'' At pinutol ko ulit ang tawag.

Classmates kami sa philosophy. I thought mahinhin lang siya but she became worst. Sinasaktan niya ko physically at binabasag niya ang eardrums ko. Nakakalalaki na siya no.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Kakasimula pa lang ng araw ko, sira na agad. Maaga pa naman kaya hindi muna ako uuwi para pumasok sa school. Baka nagwawala pa don ang isang yon.

Huminto lang ako when I reached my favorite coffeeshop. Maybe, Espresso could brighten up my day.

''One Cold Espresso for Sir Darrell,'' tawag ng crew. Agad na tumayo ako at lumapit sa counter. Uhaw na sumipsip ako sa inumin ko.

Akmang tatalikod na ako nang mahagip ng mata ko ang pangalan sa isang drink na nasa counter.

I froze.

''One Frappuccino for Miss Katherine!''

Name Your LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon