Chapter 5 Name Your PLAN

43 3 0
                                    

Copyright © UnderstanDhine, 2014

''WE'RE almost there, pare. Wala eh. Purnada ang plano.'' Sabi ni Curriel na tuwang-tuwa sa pagkkwento. Hindi ko na nga maintindihan dahil puro siya tawa.

Binisita namin yung sinasabing bagong coffeeshop ng mommy ni Curriel. Katatapos lang ng exams kaya nagrerelax kami.

''Kailan ka pa ba nagkaroon ng plano, Curriel? Sunggab ka lang naman ng sunggab.'' Sagot naman ni Ley. Tawa na lang kami ng tawa dito na parang kami lang yung tao.

Well, the place is very warm. Marami ring mga ibang customers. Most of them are students dahil malapit lang ito sa dalawang universities. The interior designs are just simple yet elegant-looking. Halatang pinag-isipan.

 Enough lang yung space para ma-accommodate ang 50 people. Napaka-relaxing ng ambience dito at siguradong babalikan ko 'to.

''Darrell, wala ka bang balak sagutin?'' Tanong ni Ley na diretsong nakatingin sa akin.

''What?''

''Pare, kanina pa ring ng ring yang phone mo!'' Sagot sakin ni Curriel. Napatingin naman ako sa phone ko katabi ng coffee ko.

Wala sa loob na sinagot ko ito. Pero bago pa ako makapagsalita,''Bakit ang tagal mong sagutin? It took 6 rings before you answer!''

Napapikit na lang ako sa sinabi niya. Seriously?

''Who's with you, Darrell? Tell me!!'' Catherine Nicole is being her again. Napa-irap na lang ako habang tawa ng tawa itong dalawang kasama ko. Naririnig nila ang pagsigaw niya sa akin.

''Baby Darrell, baby Darrell. Subuan mo ako!'' Boses babaeng sabi ni Curriel malapit sa tenga ko.

''Shut up!'' Tinutulak ko siya na parang baliw na kumakapit pa sa braso ko.

''What?? Who's that? I swear I'm gonna kill the both of you. Where are you?!'' High pitched na sabi ni Catherine Nicole.

''I'm with friends, baby. Stop it, can you? Tss.'' Sabay pindot ko ng end call. Nakakairita na. Walang tigil naman na tumatawa ang dalawang kasama ko.

Buti na lamang at nandito na si Cody na kanina pa namin hinihintay. ''What happened to your shirt?'' Bungad na tanong ko.

''Natapunan lang ng crew dito. I'll get change later.''

Tinuloy naman ng dalawa ang pagtawa at kinwento pa kay Cody ang tawag ni Catherine Nicole kanina.

''She's insane, bro.''

''Just break up with her. Baka mahawa ka sa kanya. We're just concern citizens.'' Walang tigil na pang-aasar ng dalawa.

''Whatever.'' Tanging sagot ko na lang.

''Wala pa kasing bago. So, have you checked what I told you?'' Tanong ni Cody na hinihintay ang magiging reaksyon ko.

''Y-yes.'' Of all times na pipiyok ako, bakit ngayon pa?

Sandali niya akong tiningnan at nginitian ang crew na naglapag ng order niya. He took a sip of his coffee. Pinagmasdan lang namin siyang tatlo.

''What's the plan, Darrell?''

Name Your LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon