Copyright © UnderstanDhine, 2014
THURSDAY. I have only one class for today. Kanina pang 1pm 'yon and it's 3pm. Mamayang 5pm pa ang practice. Nakatambay lang ako dito sa cafeteria sa loob ng campus. I'm waiting for Curriel. Vacant time niya din daw.
While waiting, inaliw ko muna ang sarili ko sa pagsusulat sa blue notebook ko. It looks like a diary of my thoughts out of boredom. Puro drawings and sketches lang din naman ang laman nito.
''What's that?'' Gulat na naisara ko ang notebook ko.
Tumawa lang siya at umupo sa katapat na upuan ko. ''So gay, Pare.'' Sabay inom ni Curriel sa iced tea ko na kanina ko pa inorder.
''So kadiri, Pare!'' Ganting sagot ko naman na pinilit magboses babae. Nagtawanan na lang kami.
Napagkwentuhan lang namin yung nalalapit na game. Busy kasi si Coach Ventre kaya hindi whole day ang practice sana namin. Graduating din ang captain namin kaya sa gabi kami nagppractice 'til before midnight.