Chapter 24: Share

2.3K 75 0
                                    

Nang dahil nga sa dalawa na lang sila sa classroom ay marami ng bakanteng mga upuan. Minabuti na lang ni KD na lumipat sa ibang upuan upang mapalayo lang sa ka sit mate nyang si Stephan.

"Hoy tuta! Bakit ka ba lumalayo sakin? " kaagad na tanong ni Stephan habang nakaupo ng nakahalumbaba at may ngatngat na ballpen

"Tuta!? Sus. Sa ganda kong ito eh tatawagin mo lang akong tuta. Hindi naman yata tama yun. May pangalan ako at malayo sa tuta yun. " masungit na sabi ni KD

"Ang cute mo kasi, para kang tuta. " pang iilsulto ni Stephan habang unti unti ng napapatawa

"Hah! Galing mo rin no!? Mas mukha ka ngang tuta kaysa sakin. " banat ni KD habang nakanguso ito at halos kulang na lang ay duruin si Stephan

Tuta pala ha? Nakalimutan mo na ba yung malaking atraso mo sakin? Hanggang ngayon ay pinoproblema ko parin yun. Nang dahil sa kapakialaman mo eh nasira mo yung munting ala-ala sa akin ng yumaon kong ina. " panakot ni Stephan habang taglay ang matataas na boses

Natahimik na lang bigla si KD at muli nyang inalala ang mga nangyari. Naalala rin nya yung sinabi nya kay Stephan "Stephan, gagawin ko lahat basta mapatawad mo lang ako."  Bigla na lang syang napasubsob dahil narin sa pagkainis sa sarili. Hindi nya kasi inaakalang masasabi nya yun kay Stephan basta mapatawad lang sya nito. Hindi nya rin inaasahan na papayag sya sa kasunduan na ginusto ni Stephan. Ang pagsunod sa lahat ng sasabihin ni Stephan sa kanya.
Maya maya lang ay dumating na ang kanilang guro.

"Oh. Bakit ganyan ang mga itsura nyo? Bakit sobrang layo nyo sa isa't isa? Para kayong magkagalit eh. " puna ng guro sa dalawa
"Okay. Heto na ang copy ng quizzes nyo. " sabi ng guro habang iniaabot ang copy kay Stephan

"Sir bakit iisa lang? " tanong ni Stephan habang itinataas ang copy

"Isa? Ay sorry. Akala ko kasi eh dalawa na yan. Akala ko may kadupil pa yang isa eh. So ganito na lang, sa papel na lang kayo magsagot then share na lang kayo ni Ms. Petrova sa copy ng quiz. Nahihirapan kasi akong umakyat baba papunta dito sa classroom nyo.

Nagsimula ng magsagot si Stephan but si KD ay nanatiling tahimik parin at wala man lang paggalaw sa kinauupuan nito. Dahil nga dun ay agad syang pinuna ng guro.

"Hey Ms. Petrova! What are you waiting for? I said that both of you will share together in a one copy. Stand up and sit beside Stephan.

"Okay Sir. " walang gana nyang  tugon habang tamad na tamad sa pagtayo upang pumunta sa tabi ni Stephan

"Okay. Start answering right now and after that both of you will may go. " their adviser said while he was starting to wear his pink headset and now on, his face looks very tired and he feel sleepy

"Patingin nga ako ng copy. " sabi ni KD kay Stephan but hindi sya pinansin nito. Nagbibingi bingihan kung baga.
"Napaka selfish mo naman yata Stephan. " again, di sya ulit pinansin nito
"BAKA NAMAN GUATO MO AKONG PATINGININ SA COPY m mariing sabi ni KD na tila nagpaparinig dito

Bigla na lang pumaling ng tingin sa kanya si Stephan at bigla- bigla na lang hinigit ang kinauupuan ni KD papalapit sa kanya at halos kadikit na ng kanyang upuan.

"Paano mo makikita kung napakalayo naman ng upuan mo sakin? " masungit na tanong ni Stephan habang nakatitig sa copy

"Kahit na nasa malayo ako peri pinapakita mo eh di sana walang problema. " sagot ni KD na naging dahilan naman ng masamang pagtitig ni Stephan sa kanya
"Oh anong problema mo!? Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? " seryosong tanong ni KD habang nakikipagtitigan kay Stephan

I Fell Inlove With a Bad BoyWhere stories live. Discover now