Chapter 47: Unknown Number

2K 55 4
                                    

Nang dahil nga sa papalapit na ang pinaka hihintay ng lahat na event, naging busy ang lahat ng mga estudyante. Isa na sa mga ito ang grupo nina Stephan. Paspasan na ang ginagawa nilang pagpapractice. Nagpractice sila sa buong weekend at ganon rin naman ang ginagawa nila sa tuwing awasan na. Habang papalapit na ang araw ng event na yun ay sya namang pagmalma ng pagtrato ni Stephan kay Khit. Gaya nga ng napag usapan nilang dalawa. Yung deal. Lahat ng gusto ni Stephan, utos ni Stephan at trip ni Stephan ay sinusunod lahat ni Khit. Inuutusan nyang maghimpil si Khit sa BG House, pinabibili nya ng food nya kada lunchbreak and recess but sariling pera nya naman, inuutusan nyang magdala ng sandamakmak na libro na hiniram nya sa library kahit wala naman talaga syang balak na basahin ang mga ito at minsan kapag nakasumpong eh inuutusan nya rin ito na ipagpalantsa sya ng sarili nyang uniform. Marunong lang ba talagang sumunod sa usapan si Khit? O takot lang talagang mahalikan sya ni Stephan?. Tss.

Katulad nga din ng pagbabawal ni Stephan kay Khit about dun sa chocolates at ice creams, sinunod naman yun ni Khit kahit na labag yun sa kalooban nya. Kahit masakit para sa kanya na hindi sya makakain ng chocolate at ice cream sa loob ng isang araw. Takot nga talagang mahalikan.

Today was thursday. Last day ng pagpeprepare about dun sa magaganap na event.

"Class was dismiss. " pagtatapos ng guro

Agad na nagsilabasan ang ibang estudyante.

"Pandak mauna na kayo sa BG House. " utos ni Stephan habang inaayos ang necktie nya

"Damn it! Gago ka Eethan. Kung makapandak ka dyan ha! Atleast kahit ganito ang height ko eh maganda naman ang katawan ko, bukod pa don eh wala kang ganito at ganito. " segunda ni Vhinz matapos proud na ituro ang parte ng tiyan nya at ang mukha nya

"Tang ina ang hangin naman dito. " mura ni Khael habang nananalamin at tinitignan ang galos nya sa gilid ng labi nya

Napaaway kasi si Khael kahapon. Nakursunadahan sya, ang sama daw kasi nitong makatingin kaya yun. Rambulan ang ending. Silang dalawa lang ni Agatha nun ang magkasama, nauna na kasi ang ibang kagrupo sa BG House at sila naman eh sumunod na lang dahil sumaglit pa sila sa mall. Limang barumbado ang kumursunada kay Khael pero lahat yun eh taob sa kanya. Galing no? Napaghahalata tuloy na active sa rambulan. Nagtamo lang sya ng galos sa gilid ng labi nya.

"Tanga ka talagang gago ka! Malamang mahangin nga dito kasi may aircon. " sabi ni Vhinz kay Khael

"Tss. Kelan pa ba nagbigay ng hangin ang aircon? Sa pagkakaalam ko eh lamig lang ang binibigay non? " sabat naman ni Damon

"Lamig? Aircon? Tss. Yelo kaya ang nagbibigay ng lamig? " aya pa ni Vhinz

"Napaka nonsense naman ng topic nyo? " napatigil sila sa pagtatalo at agad na napatingin sa nagsasalita

"Charffae bakit di ka pa umuuwi? Wala ba kayong practice? " tanong ni Damon

"I just want to see him. " itinuro nya si Stephan at agad na humakbang papalapit rito

Nang tuluyan na syang makalapit kay Eethan ay agad nyang hinila ang necktie nito, dahilan naman upang mapahakbang si Stephan papalapit pa lalo sa kanya. Taglay ni Stephan ang blangkong ekspresyon.

Natulala ang lahat ng dahil sa ginawa ni Charffae maliban na nga lang kay Khit na padabog na tumayo sa upuan at dali daling inayos ang gamit nya.

"Wait. Ano ba tong ginagawa ko? Bakit ako umaasta ng ganito? At sa harap pa talaga nila? Damn it. I hate myself.

Hindi man lang gumagalaw si Stephan, stay normal lang sya with his blank expression. Nagulat na lang sya ng bigla na lang syang halikan ni Charffae.

I Fell Inlove With a Bad BoyWhere stories live. Discover now