Chapter 40.2: Thank You!!!

2.2K 71 1
                                    

Habang ikinukwento yun ni Stephan ay may tumatakas na mga luha mula sa kanyang mga mata. Minamabuti na lang nya ang tumungo upang hindi ipakita kay Khit ang kanyang luhaang mukha.

Ganon rin naman si Khit na hindi na rin mapigilang mahabag ng marinig ang buong pangyayari. Nag uunahang tumulo ang mga taksil nyang luha sa pisngi.

"Damn. That thing was very important on him. That thing was came from his mother. Shit. Bakit ba kasi napaka pakialamera ko? Nasira ko ang pinakamahalagang bagay ng lalaking ito. Ang matagal na nyang pinaka iingat ingatan ay naglaho na lang bigla ng masira ko. Shit. Kung natitira lang sana yung bagay na yun eh di sana kahit papaano ay nababawasan ang bigat nyang dinadala sa loob nya. Damn Khit. Napaka sama mo. Napaka sama mo talaga.

"Ste..phan.. Im so sorry if I'll broke that important thing that you'll had. Im sorry. Sorry kung nasira ko yung bagay na pinaka iingat ingatan mo. Yung pinaka mahalagang bagay sayo na bigay pa ng Mom mo. Im so sorry. Sorry kung naging pakialamera ako. Oo tinanggap mo na yung sorry ko at kapalit non yung deal natin. Yung deal na wala namang kahirap hirap na sundin. Yung deal na sa halip na mahirap pero pinapadali mo lang. Sa halip na pahirapan mo ako sa deal na yun ay mas napapabuti pa ako. Your too kind Stephan. You need to punish me kasi nagkasala ako ng malaki sayo. Sorry. Sorry. Im so sorry Stephan.... " pahagulhol na sabi ni Khit kay Stephan habang naka subsob ang kanyang mukha sa dalawang tuhod

"Tss. Tumahan kana nga dyan Tuta. Napaka iyakin mo pala. " natatawang sabi ni Stephan habang patagong pinupunasan ang mga luha nya sa kanyang mata.

Sandaling tumunghay si Khit at agad na pinunasan ang kanyang luhaang mukha. Matapos yun ay agad syang bumalik sa pagkakasubsob sa kanyang magkabilang tuhod.

"So...rry for that question Stephan. Kung alam ko lang na ganon pala ang nakaraan mo eh di sana hin~ " hindi na sya pinatapos pa ni Stephan sa pagsasalita at sumabat na itong bigla.

"Its okay.

"Nasan naman ang Dad mo? " pag aalangang tanong ni Khit habang nananatili parin sa pagkakasubsob

"He's too busy on his work. Nakalimutan na nga yata nya ako ng dahil sa pagiging busy nya ng sobra sa trabaho. " tamad na sagot ni Stephan habang nakatungo at binubunot bunot ang damo

"Naaawa ako sa kanya. Hindi ko inaakalang may ganito pala syang pinagdadaanan. Hindi ko inaakalang meron rin pala syang masalimuot na nakaraan. Oo meron rin ako non pero mukhang mas mabigat yung nakaraan nya. Sobrang bigat talaga nung sa kanya. Hindi ko maimagine ang sarili ko sa ganoong sitwasyon. Im too weak too face that situation. Naiisip ko pa nga lang pero hindi ko na kaagad makaya. Maswerte pa ako dahil may mga magulang ako. May mga magulang pa ako pero hindi ko naman alam kung nasaang lupalop na ng mundo. I miss them so much. Sana makita ko pa sila. They are my parents no matter what. Kahit na nakaranas ako ng masalimuot na nakaraan eh gusto ko parin silang makita. Gusto ko parin silang makasama. Gusto ko paring makaramdam ng kalinga at pagmamahal mula sa kanilang dalawa. Nasan na kaya sila Mom and Dad?...

I Fell Inlove With a Bad BoyWhere stories live. Discover now