Maagang umalis si Khit para pumasok. Masaya at maganda ang gising nya sa hindi nya maipaliwanag na dahilan.
"Bye kuya Menard, ingat po kayo sa pag uwi.
"Sige hija, text kana lang sakin mamaya kapag awas kana.
"Sige po. Bye. " nagsalute pa si Khit sa kanyang driver bago tuluyang umalis
Pagkapasok na pagkapasok palang ni Khit sa gate ay agad na nyang nahalata na pinagtitinginan sya ng mga estudyante.
"Shete! Ano na naman bang meron? Baka naman may nakasabit na naman sa bag ko? Tss. Wala naman eh. Hmm. Ano bang problema? May dumi ba ako sa mukha? May dumi ba ang uniform ko? Tss. Anla bahala na nga! Dedmahin ko na lang silang lahat.
Papasok na sana si Khit sa pintuan ng classroom pero agad syang napahinto ng makatanggap sya ng isang malakas na sampal mula kay Charffae.
Nasapo nya bigla ang kanang pisngi nya.
"Ang kapal rin ng mukha mong babae ka no!? " galit na galit na sabi ni Charffae.
Sa ngayon ay nakuha na nila ang lahat ng atensyon ng mga kaklase nila maging ang atensyon na rin ng ibang estudyante mula sa ibang sections na nakatambay sa kanilang corridor.
"B-bakit? M-ay naga~ " hindi na sya pinatapos pa ni Charffae. Sinampal nya muli ito sa kanan nitong pisngi.
"Arayy. Ansakit na ng pisngi ko. Ang hapdi na ng pisngi ko. Ano bang problema nya? May nagawa ba ako? Wala naman di ba? Tss. Di ko tuloy mapigilang umiyak. Ansakit na talaga ng pisngi ko. Siguro eh sobrang pula na nito.
"Tss. " isinaboy nya kay Khit ang mga hawak hawak nyang pictures.
Nagkalat sa sahig ang mga letrato. Nagbend si Khit para pulutin ang mga ito habang umiiyak. Nakita nya ang mga pictures nya na kasama ang mga kaibigan at kagrupo nya. Yung pictures nila ni Tyler nung hinalikan sya nito sa pisngi, yung picture nila ni Damon na magka hawak kamay, yung picture nila ni Vhinz habang magkatabi, yung picture nila ni Khael habang nag uusap, yung picture nila ni Francis nung magkayakap, yung picture nila ni Lhanz habang sabay na kumakain, yung picture nila ni Stephan habang magkapatong at magkatitigan nung pinaiwan sila ng adviser at marami pang iba. Nagulat rin si Khit ng makita nya ang picture nya na kayakap si Stephan sa locker room.
"Kahapon lang to. Itong picture nato na magkayakap kami ni Stephan. Kaya pala may narinig kaming ingay sa labas ng pintuan habang magkayakap. Tss. Sino bang kumuha ng mga letratong ito samin? Bakit ba nila binibigyan ng masamang kahulugan ang mga yan. Huhuhu.
Mas lalong dumami ang daloy ng mga luha mula sa mata ni Khit habang pinagmamasdan ang mga nagkalat na pictures sa sahig.
"Ang landi mo rin no!? Sino ba talaga ang gusto mo sa mga BG members ha!? Nung una si Tyler ang nilandi mo, sunod ang mga BG members, at ngayon pati narin ang magkapatid na Siason eh nagagawa mong landiin! Hanep ka rin no!? Ibang klase ka! Isa kang higad! MALANDI!
YOU ARE READING
I Fell Inlove With a Bad Boy
Teen FictionWhat if you fell inlove with a man??? A man who makes you insaned everyday. A man who is the leader of the BADBOY GROUP!!!! A man who is the leader of the FAMOUS and TALENTED GROUP in your school but behind that man, you discover that he is good an...