Sa Gate ng Bangtan University
Nasa labas ng gate si KD at hinihintay nya ang driver na susundo sa kanya. Sa mga oras na yon ay hindi nya maiwasan na isipin ang mga nangyari sa buong maghapon. Sa di sinasadyang pagkakataon eh nakita nya ang isang lalaki na papalabas palang ng gate, at pamilyar ang mukha nito sa kanya kaya agad nya itong hinarangan.
''Wait!! Ikaw yung lalaki na nakabangga sakin kanina dun sa pila diba? Namumukaan kasi kita eh... " sabi ni KD while she was touching her chin
''Oo tama ka, ako nga yon. " tipid nyang sagot while he was staring at KD
''So ibig sabihin ikaw yung lalaki na nasa likuran ko at siguro ikaw rin yung nagsabit nung fuck*n paper na yun sa bag ko? " taas kilay nyang sabi
''Yes your 'e right, ako nga yung lalaki na nasa likuran mo but Im, not the person who put that paper at your back pack. Tssk. Tssk.
''Eh kung hindi ikaw!? Sino? " curious nyang tanong habang naka cross arm
''Si Eethan yun. " marahan nyang sagot
''Sinong Eethan?
May dalawang lalaki na lumapit at pumunta sa kinaroroonan nilang dalawa. Ito ay si Vhinz at si Eethan na kabarkada naman ni Damon. Actually, another member of BG Group.
''Ako! ako si Eethan! Bakit Damon? Ano bang problema nito? " nakakabigla nyang sabi habang nakapamulsa ang dalawang kamay
''Ah, ikaw pala si Eethan.....
''So magkakakilala pala kayong tatlo? Ano?... " slow nyang sabi habang papalapit papunta kay Eethan''Oo, tama ka. Eh ano naman kung ganon? Ano bang problema mo? " seryoso nyang tanong sa babae
''Wait! parang ikaw din yung lalaking bastos na nagtulak sakin kanina dun sa pintuan ah! Ikaw nga yun! Damn!
''Oo, ako nga, at ako din yung lalaking nagsabit nung papel sa bag mo kanina nung nasa pila tayo. " proud nyang sabi habang nakaangat ang isa nitong kilay
''What the f*ck!!! Tang ina!
''Ano bang problema mo sakin hah?''Wow nagmumura.. Wala naman akong problema. " napapailing nyang sabi
''Eh bakit mo ba ito ginagawa sakin? Nakakainis kana! Kayo!
''Miss, gusto ka lang nyang pagtripan at paglaruan. " sabat ng lalaking nakangisi na nagngangalang Vhinz
''Anong paglaruan!? Pagtripan!? Damn. Ang kapal naman ng pagmumukha nyo para sabihin at gawin sakin yan sakin!
Huwag nyo nga akong idadamay sa mga pinaggagagawa nyong kalokohan. " malakas nyang sabi habang nanlilisik ang mga mata nito na agad naring tumalikod.Tumalikod si KD at nagtangkang maglakad papalayo pero hinigit ni Vhinz ang bag nya na dahilan naman ng pagtigil nya sa paghakbang. Kaagad na humarap si KD upang suntukin ang taong nasa likuran nya. Nagkataon namang pumwesto nalang bigla si Eethan sa likod nya at sa di inaasahan ay nasuntok nya ito kahit na hindi naman talaga sya yung lalaking higit sa bag nya.
''Bakit mo sya sinuntok!? " pasigaw na tanong ni Vhinz habang nakatitig sa nakatungong si Eethan
''Ikaw kaya ang maglakad tapos bigla kong higitin yung bag mo?ano kayang gagawin mo?
''Eh di syempre! gagawin mo rin yung ginawa ko tulad nalang dyan sa Eethan na yan. Gago. " taas kilay nyang sagot''Pero hindi naman sya ang humigit ng bag mo eh! ako! " sigaw ni Vhinz habang itinuturo ang sarili nya
''Oh. Eh ano naman ngayon? Mas mabuti na nga lang at sa kanya tumama yung suntok ko eh. Ganti ko na yun sa kanya. Kung tutuusin nga eh kulang pa yun eh. Dapat nga meron ka rin!.. Kayo! " sabi ni KD habang taglay ang galit na boses at talagang nakakagat na nya ang baba ng labi nya dahil na nga sa sobrang pagkainsulto
''Alam mo bang wala pang sumusuntok sakin ng ganito?
" seryosong sabi ni Eethan habang nakatungo at hawak ang kaliwang pisngi nya''Oh! Eh di mas mabuti kasi ngayon alam mong meron na at ako yun. " mabilis nyang sagot habang nakaarko ang kaliwang kilay nito at tila nang iinis ang mga tono ng boses nya
''Hoy babae! Magsorry ka sa kanya! " pasigaw na utos ni Vhinz habang unti-unti na syang lumalapit rito
''Huh?.. Bakit ako magsosorry?Desserved nya naman yun di ba?Dapat nga eh pati ikaw rin ay sinuntok ko eh.
''Damn. Sabi nang magsorry kana sa kanya eh! " ulit muli ni Vhinz
''Pre! Tama na yan. Babae yan eh. " awat ni Damon habang unti unting hinahatak ang balikat ni Vhinz papalayo mula sa babae
''Sorry pero hindi pa ako luka luka at tanga para gawin yang inuutos mo sakin. Para kang sinuswerte... ako uutusan? Damn. Who you?
''Oh, Heto na ang sundo ko. Dyan na kayo... Hoy ikaw Eethan! damdamin mo yang suntok ko sayo! " pang iinis ni KD habang sumasakay sa kotse na kaagad naring umalis''Shit! Eethan, bakit mo hinayaang makaalis yung babaeng yun!? " tanong ni Vhinz habang inuuga nya si Eethan
''Pare, classmate naman natin sya at kayang kaya ko syang gantihan ano mang oras ko yun gustuhin. " naka ngising sabi ni Eethan habang nananatiling hawak parin ang pisngi nya na dinapuan naman ng kamao ng babae
''Vhinz! Kasalanan mo rin naman kung bakit nasuntok nung babaeng yun si Eethan diba? " paninisi ni Damon na nagawa pa itong itulak ng bahagya
''Oo alam ko! Eh eto kasing si Eethan eh! May pa harang-harang pang nalalaman, nasuntok ka tuloy. " napasabunot na lang si Vhinz habang sinasabi ito
''Tumahimik na nga kayong dalawa! " pasigaw na saway ni Eethan habang nakapamulsa na muli ang isa nitong kamay at nakahawak parin naman ang isa sa pisngi
''Pare aminin mo nga samin. Malakas ang suntok no? Siguro masakit yan? hanggang ngayon kasi ay hawak-hawak mo parin yang kaliwang pisngi mo eh.
" agad na tanong ni Vhinz habang naka cross arm pa at tila nagsisimula ng mapatawa sa kinatatayuan''Sus! Yung totoo, malakas nga syang sumuntok at oo masakit nga. " nakasmirk na sagot ni Eethan
''Anlakas din nang loob nung babaeng yun ah. " agad na sabi ni vhinz
''Tama ka Vhinz, at dahil sa pinakita nyang asal sa atin eh agad kong nalaman na palaban syang babae at sya yung tipon ng babaeng gusto-gusto kong asarin at pagtripan.
" naka ngising sabi ni Eethan habang pinipilit na tingnan ang reflection ng sarili nyang mukha sa screen ng celphone nya na tila sinusuri kung may pasa ba sya sa pisngi o ano?"Tama ka Pre! " ngiting asong sagot ni Vhinz
"Naku! Ayan na naman kayo! Puro sakit talaga ng ulo ang hanap nyo. Sa dinami dami ng pwedeng pagtripan eh babae pa talaga? " kontra na naman ni Damon at tila napapailing nalang ito
"Wow naman!.. Nagsalita na naman ang pinakamabait. Ang alagad ng diyos na si Damon. Tssk. Tssk. Lagi nalang si kontra.. " pabirong sabi ni Vhinz
"Alagad ba talaga? " pabulong nalang ni Eethan
"Anla bahala kayo! Gawin nyo kung ano ang gusto nyo! Basta ako! Gwapo at pinaka matino sa ating tatlo. " confident na sabi ni Damon
"Tang ina! Gago ang hayop! " sabi nalang ni Eethan
"Shit! Anlakas ng hangin. Hawakan nyoko, baka madala nalang ako. " pabirong sabi ni Vhinz habang pilit na ikinakawit ang kamay sa braso ng dalawang kaibigan.
"Tanga ka! Umayos ka nga! " saway nalang ni Eethan. Agad namang nagtawanan ang tatlo.
#IFellInloveWithaBadboy
#CarmhillaJaneSuarez07
YOU ARE READING
I Fell Inlove With a Bad Boy
Genç KurguWhat if you fell inlove with a man??? A man who makes you insaned everyday. A man who is the leader of the BADBOY GROUP!!!! A man who is the leader of the FAMOUS and TALENTED GROUP in your school but behind that man, you discover that he is good an...