Chapter 07:Seating Arrangement

2.6K 88 0
                                    

"Ok class, good morning? Now we will have a new seating arrangement. Please all stand and get your bag.  '' they're teacher said

"Eh Sir, huwag nyo na po kaming paghiwa hiwalayin nina Damon at Eethan, kasi kapag pinalipat nyo po kami eh babalik at babalik parin po kami dito sa likuran. " lakas loob na sabi ni Vhinz habang kumakain ng Lollipop

"Eh Mr. Martinez, ikaw na kaya ang pumalit sakin dito sa unahan. Ikaw na ang magturo dito at ako naman ang uupo dyan sa upuan mo. Halika, palitan mo na ako dito sa unahan. " hamon ng guro

"Seryoso po ba kayo Sir? Sige po. Sir gusto ko yan. " agad na tugon ni Vhinz habang unti unting inihahakbang ang mga paa patungo sa unahan

"Tss. Para kang tanga Pare. " pabulong na sabi ni Eethan mula sa isang tabi na hindi narin maiwasang matawa sa nakikita nya

"Sir pasensya na po, nagbibiro lang naman po itong si Vhinz eh. " paliwanag ni Damon habang hawak-hawak at higit-higit ang vest ng uniform ni Vhinz upang mapigilan nya ito na makapunta sa unahan

"Tang ina ka Damon. Bakit mo ako pinipigilan? Ayaw mo bang maging teacher ako? Kapag ako na ang pumalit dyan sa bakulaw na yan eh jackpot kayo sa matatanggap nyong grades. Lahat ng matalino ibabagsak ko at lahat ng may astang tarando aakyat sa taas ng entablado. Medal syempre. " pabulong na paliwanag ni Vhinz na tila seryosong seryoso sa mga pinagsasasabi nya

"Tang ina ka. Gago mo Pare. " sabi na lang ni Eethan.

"Ok class, alternate ang magiging seating arrangement nyo, it means boy girl, boy girl at sisimulan na natin yan.

Nagsimula na ang teacher na ayusin ang seating arrangement nilang lahat. Mayroon nang upuan ang lahat maliban nalang kay KD, Damon at Eethan. Mayroon nalang na natitirang four vaccant seat.

''Please Lord, sana naman po eh hindi ko makatabi yung mokong na yun. Please. " panalangin ni KD mula sa isang sulok at para bang kulang na lang eh lumuhod sya basta matupad lang yung hinihiling nya

"Ok, sit here Damon, followed by the new student.

''Yes! Sa wakas! Thank You Lord. Thanks kasi hindi ko po nakatabi yang lintik na Eethan na yan. " bulong ni KD sa sarili habang palihim na naipapalakpak ang kanyang mga kamay

"And last Eethan, please sit here sa tabi ni Ms. Transferee.

Nabigla si KD ng marinig nya ang sinabi ng kanyang adviser at hindi nya napigilan ang sarili na tumayo ng biglaan upang magreklamo sa guro.

''Sir bakit po dito!? May vaccant seat pa naman po dun ah. Pwede naman po dun sa tabi ni Agatha diba!? Sir dun nyo na lang po sya paupuin." Pamimilit ni KD na kulang nalang ay batukan ang guro dahil sa naisagawa nitong desisyon

"Sorry Ms. Transferree pero naka reserved na yung upuan na yun para sa darating nyong new classmate " sabi ng guro habang nag aayos ng fake nyang buhok

Wala nang nagawa si KD kundi ang umupo ng padabog at manahimik. Umupo narin si Eethan sa upuan nya at napag gigitnaan nila ni Damon ang babaeng si KD.

"Tang ina. Nakakainis. Bakit dito pa? Bakit sya pa? Damn. Ang malas ko naman. Bakit sya pang kinakainisan ko? At yang guro na yan. Hindi ba sya marunong mag ayos ng seating arrangements ng mga estudyante? Alam naman nya na magkabarkada itong si Damon at ang gagong ito, pero bakit nya pinaglapit? Ako lang ang pagitan. Tssk. Tssk. Ang gulo.

"Hoy babae! napaka arte mo rin naman no!? Choosy ka pa! Pasalamat ka nga dapat kase may katabi kang dalawang gwapo eh, lalo na ako. " pang iinis na sabi ni Eethan habang nakangisi at nakatingin sa barinong mukha ni KD

"Gwapo! Sus! Napaka hambog mo rin no!? Pero sa bagay, gwapo nga ang katabi ko at tama ka don, pero hindi ikaw yon kase sya yun."sabi ni KD habang nakaturo ang isang daliri kay Damon

"Gwapo na ba yan sayo!? Eh mas gwapo ako dyan eh! " sabi ni Eethan habang hinahawi ang buhok nya pataas

"Anla ewan ko sayo! Ang kapal mo. Hambog! " masungit na sabi ni KD at napairap nalang ito

Nang mag ring na ang bell ay agad na tumayo si KD at dali daling naglakad patungo sa mga kaibigan nya. Inis na inis syang lumapit sa mga ito at tila hindi na maipinta ang pagmumukha. Dahil narin siguro sa desisyon ng guro na itabi sa kanya si Eethan at talagang ayun ang hindi nya lubusang matanggap.




#IFellInlovewithaBadboy

#CarmhillaJaneSuarez07

I Fell Inlove With a Bad BoyWhere stories live. Discover now