Chapter 25: Hambog

2.2K 80 0
                                    

Matapos ang pagkuha ni KD ng  namissed na quiz ay agad rin syang umalis. Sa ngayon ay kasalukuyan syang naglalakad papalabas ng classroom. Habang naglalakad sya pababa ng hagdanan ay sinusubukan nyang tawagan ang kanilang driver ngunit di nya ito macontact. Sa paglalakad nya ay hindi nya kaagad napansin na kaasunod pala niya ang kinasusurahang si Stephan.

"Hoy tuta! Wala ka man lang bang balak na magpasalamat sa akin? " nakakagulat na tanong ni Stephan habang nakapamulsa ang dalawang kamay at talaga nang nakasmirked pa

" Pasalamat???....

"Wala ka talagang utang na loob ano? " patuloy ni Stephan

"Bakit? Hiningi ko ba ang walang kwenta mong tulong? " mataray nyang sagot habang pabilis at palaki ng palaki ang mga hakbang

"Psss. Ganon ba ang walang kwenta? So far, naging highest ka nga eh, dahil na rin sa mga nakuha kong sagot. Sus! Ibang klase ka rin eh. " naiiling na sabi ni Stephan

"Hindi ako natutuwa sa pagiging highest ko sa quiz. Naging highest lang naman ako ng dahil sa kadayaan at kapakialaman mong taglay. PAKIALAMERO....... " mariin nyang sabi

"Psss. At ko pa talaga ang pakialamero? Oo nandaya ako but yung sasabihin mong pakialamero ako eh dun ka nagkakamali dahil mas pakialam ka. Kaya nga nasira mo yung......

"Oo na! Tama na! Salamat na sayo! " pagpuputol ni KD sa mga bagay na sasabihin sa kanya ni Stephan habang taglay ang malalakas at talagang may riin na tono ng boses

" May ganyan bang uri ng pasasalamat? Sa pagkakaalam ko kasi eh walang taong nagpapasalamat ng galit. " pang iinsulto ni Stephan habang may nagaganap pang pataas taas ng kilay na dahilan naman ng biglaang paghinto ni KD

"Salamat sayo mokong. Thank you, thank you very much talaga. " paslow na sabi ni KD habang slow motion rin syang tumutungo at tila bumabati sa isang guro.

Nang natapos na ang naganap na pasalamatan ay muli na ulit si KD' ng nagpatuloy sa paglalakad but Stephan was still there walking after her. Nasa gate na sya sa ngayon at wala na si Stephan sa kanyang likuran. Sa pagkakataong iyon ay nag aabang na sya ng sasakyan, ng sa ganon ay maaga syang makarating at makauwi ng bahay.

"Taxi po! Taxi! " sigaw ni KD sa dumaraang sasakyan

"Taxi! " pangatlo nyang ulit ngunit di parin sya magawang pasakayin ng mga taxi driver

"Taxi! Taxi po! Taxi! " paulit ulit nyang sigaw ngunit bigo paring makasakay

"Tang ina! Ano bang meroon ngayon? Napaka malas ko naman yatang masyado? Nakakainis. Wala paring magpasakay sakin. Ano kayang dahilan at ayaw nila akong pasakayin? Mukha ba akong walang pambayad? Sus! Hindi naman siguro.

"Kuya Taxi. Shit. Bwiset.

"Yes makakasakay narin. Sir para po.

"Sorry Iha. Puno na eh. " sagot ng driver na kaagad naring umalis

"Nakakainis.... Nakakabadtrip na talaga.

Sinubukan  parin ni KD ang mag abang but almost 5 minutes na pero di parin sya nakakaalis. Nagpagdesisyunan nyang maglakad lakad muna habang wala pang dumaraan na Taxi. Maya-maya lang ay napansin nya ang isang color black na kotse na tumigil sa tabihan nya. Nakita nya ang kinaiinisan nyang si Stephan na nakasakay sa kotse at nagdadrive.

"Hoy tuta. Sumakay kana dito. " utos ni Stephan

"Nako wag na! Baka isumbat mo pa sakin yang gagawin mong pagtulong ngayon! " masungit nyang sabi habang nagpapatuloy sa paglalakad at patuloy rin naman ang mabagal na pag andar ng kotse na sinasakyan ni Stephan

I Fell Inlove With a Bad BoyWhere stories live. Discover now