Chapter 27: Promise

2.2K 81 4
                                    

Maagang gumising si KD para maagang makarating sa school. Pagbaba nya ng kotse ay kaagad nyang nakita si Vhinz na tila titig na titig sa kanya at para bang hinihintay sya nito.

"Anong problema nitong isa pang mokong na to'? Parang nakakita ng anghel eh. Himala maaga. Tss.

"Hoy Khit! Pinapasabi nga pala ni Eethan na hintayin mo daw sya rito. Hindi lang pala ikaw kundi pareho tayo. Parehas tayong maghihintay sa pagdating nya. " salubong ni Vhinz habang naglalakad papalapit kay KD

"Tss. Bakit pati ako? " taas kilay nyang tanong

"Aba malay ko. Diba may kasunduan kayo? " paalala ni Vhinz na dahilan namab ng pagkakamot ni KD ng ulo.

Wala ng nagawa si KD kundi ang tumango nalang ng sapilitan at manahimik. Maya-maya lang ay dumating na si Tyler. Lumapit sya sa kinaroroonan ng dalawa.

"Khit tara na! " yakag ni Tyler na nakangisi kay KD habang may suot na earphones sa magkabilang tenga

"Sige na Tyler. Mauna kana. May hinihintay pa kasi ako. " sabi ni KD

"Sino? Sina Agatha ba at Bhonz?

"Si Ste- - - 

"Si Eethan. " pagpuputol ni Vhinz sa sasabihin ni KD habang nakapamulsa at nakatingin kay Tyler

"Sige. Uuna na ako sa taas. " matamblay nyang sabi

"Bakit naman nya hinihintay si Eethan? Hindi naman kaya?... No. No. Hindi sila ni Khit. Hindi sila magkarelasyon. Mali ang iniisip mo Tyler. Tss. Siguro may kailangan lang sya dun kaya nya hinihintay. Tss. Bahala na nga.

Maya-maya lang ay dumating narin si Damon.

"Uy Khit. Sinong hinihintay mo? " usiserong tanong ni Damon

"Pare. Hinihintay namin si Eethan. " sabat na naman ni Vhinz

"Bakit kasama pa si Khit? Pwede namang ikaw lang ah! Tsaka ako! Tss. " naiiling na sabi ni Damon

Huminto ang isang itim na kotse na sumisigaw ng milyong halaga. Lumabas mula rito si Eethan na may hawak-hawak na cellphone.

"Hoy Damon! Akala ko ba ay magkikita kita tayo sa BG House kahapon? Bakit wala ka? San ka ba nagpunta? " seryosong tanong ni Eethan

"Anla may pinuntahan kasi ako.

"Napaka gago mo talaga. Nag inom kami kahapon nina Khael at Vhinz eh. Ikaw lang ang wala. Tss.

"Oo nga. San ka ba nagpunta kahapon Pare at hindi ka nakarating sa BG House? " dagdag pa ni Vhinz

"Nagpunta ako kina Khit. Niyaya ko syang lumabas. " sagot ni Damon

"Totoo nga ba Khit? " tanong ni Vhinz

"Oo Vhinz. Nagpunta kami sa Coffee Shop tapos naglakad lakad lang sa park.

"Pwede namang kami nina Khael at Vhinz ang yayain eh. Bakit yan pang babaeng yan. Mahusay talaga ang gago. Tss.

"Pare. Bakit mo nga pala pinaghihintay dito si Khit? " tanong ni Damon

"May deal kami. " tipid nyang sagot habang tumitingin sa wristwatch nya

I Fell Inlove With a Bad BoyWhere stories live. Discover now