Chapter 2: First Day Of School

5.1K 101 2
                                    

               Sa Gate ng school
        (BANGTAN UNIVERSITY)

Bumaba na si KD ng kotse at agad syang napabuntong hininga ng makita nya ang ibat ibang mukha ng mga estudyante na naglalakad mula sa iba't ibang parte ng school.

KD's Phone is ringing
Incoming call from Agatha..

''Hello best? Nasaan kana? " tanong ni Agatha habang taglay ang malakas nyang boses at talagang rinig na rinig ito ni KD  kahit na hindi nakaloudspeaker ang cp nya

''Narito palang ako sa labas ng gate eh. Kakababa ko palang ng kotse at sobrang dami ng estudyante dito. " sagot ni KD habang nananatiling nakatingin sa paligid nya

''Hay naku best. Huwag mo silang pansinin. Basta kapag nakapasok kana eh dumiretso kalang dito sa gym hah! Kasama ko si Bhonz at may ichichika kame sayo. " madaldal nyang sabi na parang may pagtalon pa yatang nagaganap sa kinapwuwestuhan

''Oo na. Sige! sige! Kita nalang tayo mamaya kapag nakapasok na ako. Bye." pagmamadali nyang sagot at kaagad nyang tinapos ang pag uusap

''Shit! Pati ba naman sa pagpasok dito sa gate eh may pila pa? Ang sikip-sikip at ang banas- banas. Ang iingay naman nila. Nakakainis. Agang aga at first day na first day eh daldalan na kaagad silang lahat. Mapababae man o mapalalaki eh masasabi kong madadaldal.

Maya maya lang eh may mga lalaking pumila sa likuran ni KD. Tatlo lang sila but dinaig pa nila ang first five ng Basketball kung makapag daldalan. Maiingay sila at maya't maya nalang ay nagsisipag tawanan.

''Sobrang ingay naman ng mga 'to! Dinaig pa nila ang mga babaeng katulad ko eh! Sobrang dadaldal! Kanina pa sila! Nakakainis na. Sino bang pinagtatawanan ng mga 'to?
''Baka naman ako na ang pinagtatawanan at pinag uusapan nila?

Dahil sa matinding ingay na naririnig ni KD ay minabuti na lang nya na magpasak ng earphone sa mga tenga nya, ng sa ganon ay hindi na nya marinig ang mga ingay ng mga eatudyante. Kasalukuyan nyang pinakikinggan ang mga kanta ng BTS.

''Hmmm.Vhinz may papel kaba at pentle pen? " tanong ng isang lalaki na nakapuwesto sa likuran ni KD

''Oo pare. Heto o. " mabilis namang sagot ng isa na tila may iniaabot rito

''Ano bang gagawin mo dyan Pare?

''Basta Pre! Manahimik kana lang. Just watch and learn. " nakangising sabi ng lalaki na kanina ay nanghingi ng papel at pentlepen sa kaibigan

Agad nyang sinulatan ang papel ng "BOY FRIEND KO SI STEPHAN SALVATORE".
Matapos yon ay agad nya itong isinabit sa bag ng babaeng nasa unahan nya na si KD pala. Ni hindi man lang nya naramdaman at namalayan na may nakasabit ng kung ano sa likod ng bagpack nya.

Lalo ng lumakas ang tawanan ng magkakaibigan, lalong lalo na ang pinaka maliit rito na si Vhinz ang pangalan.

''Pare ang sama talaga ng ugali mo! " sabi ng isang lalaki na nagngangalang Vhinz

''Hoy Vhinz! Anong masama ka dyan? Ang sabihin mo eh sobrang sama talaga ng ugali nyan, it means walang kasing sama. " dugtong naman ng isa pang lalaki na nagngangalang Damon at tila itinatama pa ang pagkakamali ng kaibigang si Vhinz tungkol sa mga sinabi nito patungkol kay Eethan

''Hoy Damon at Vhinz! Tumigil na nga kayong dalawa sa kakapuna nyo sakin. Tigilan nyo na ang kakasabi nyo sakin na masama ako, dahil dyan kayo nagkakamali. Sobrang ganda ko kayang lalaki it means "GWAPO or HANDSOME". Ako ang kahulugan ng salitang gwapo/handsome. " confident na sabi ni Eethan habang ibinabato ang pentlepen sa isang tabi

I Fell Inlove With a Bad BoyWhere stories live. Discover now