Namumula at Lugmok na ang mata. Ganyan kung i-describe si Prima ng mga kaybigan niya. Mag isa siya'ng nakaupo sa sofa at hawak ang isang bote ng Emperador bunso habang pinagmamasdan naman siya ng mga kaybigan niya na kanina pa siya pinagtatawanan."Ayoko na." mahinang sabi ni Prima at lumagok agad sa hawak niya'ng bote ng Emperador Bunso.
agad naman natawa ang kaybigan nito na si Gwen at binatukan siya. "Gaga ilang beses mo na ba'ng sinabi na ayaw mo na?!" sabi nito kasabay ang pagtawa nito ng malakas.
Muli, ay nakita nanaman nila si Prima na lumulukot ang mukha kasabay ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mata. Hindi nila alam kung matatawa sila o maiinis dahil kanina pa nauulit ang senaryo na ito. Mula ng pag aya sa kanila ni Prima ng inom at hanggang ngayon na pangatlong bote na niya ng alak ay paulit ulit na lang ang nangyayare.
kundi iiyak si Prima ay tatahimik ito at ikwekwento ang storya nila ng ex niya na si Jello.
ayy, di nga pala naging sila.
"Gago tanggapin mo na kasi'ng di ka gusto ni Jello!!" sabi naman ni Mae na kaybigan niya rin.
Di na lang sumagot si Prima at patuloy na lang siya humagulgol at nangisay sa kinauupuan niya'ng sofa.
"Ginawa ko na ang lahat!! Hindi pa ba sapat?!" kasunod ng pagsabi ni Prima ng mga katagang na iyon ay mapang asar naman na pinatugtog ni Gwen ang One last Cry at dahil doon ay mas lalo'ng lumakas ang hagulgol ni Prima.
"Ano pa ba'ng kulang? bakit di niya ko gusto?"
napakamot na lamang ang mga kaybigan niya sa sinabi ni Prima. Sa totoo lang ay gulong gulo na ang mga kaybigan niya sa kanya.
"Eh sana kung umamin ka agad, 'di siya lalandi ng iba!" sabi ni gwen at nag abot ng chaser kay Prima.
Natahimik si Prima at napa-isip. Kung umamin lang siya sana kay Jello ay dapat magkakaroon siya ng chansa kay Jello kaso hindi. Masyado niya'ng iniisip na babae siya at dapat lalaki ang unang magtatapat sa kanya.
"Uy Prima, kung tawagan mo kaya si Jello tapos umamin ka na." Natatawang sabi ni Mae pero sa totoo lang ay seryoso siya sa suhestyon niya. Lasing naman si Prima at siguradong 'di alam ni Prima kung ano ang gagawin niya kaya mas mabuti kung aamin na siya ngayon din.
Nilapag ni Prima ang bote ng alak sa lamesa at agad na kinuha ang phone niya para tawagan si Jello.
para nama'ng nanood ng pilikula ang dalawa habang pinapanood ang mala-suspense na pilikula ang nagaganap sa harapan nila.
"Hello Jello..." wala sa sariling bati ni Prima kay Jello pagkasagot nito ng tawag.
kinilig naman si Prima ng sumagot din si Jello ng 'hello' at pina loud speaker pa ito kay Gwen.
"oh, Prima! napatawag ka haha! Bakit para'ng iba boses mo." tanong ni Jello.
"lasing kasi ako..." napahagikgik naman si Prima ng sabihin ito kay Jello.
"Bakit naman naglasing ka ngayon? Umiinom ka pala? hahaha!" para nama'ng nasaktan si Prima ng itanong iyon ni Jello sa kanya.
"Gago ka, di mo ba natandaan nung inaya din kita ng inuman noon?" mangiyak ngiyak na sabi Prima kay Jello. Naisip kasi ni Prima na hindi pala mahalaga ang bawat detalye ng pag uusap nila ni Jello kaya nasaktan siya.
"a-ahh.. oo nga pala hehe... may sasabihin ka ba?" tanong ni Jello kay Prima.
Umehem ehem muna si Prima at sinabi ang matagal na niya'g dapat na sinabi kay Jello, "Gusto kita...hehe..." at agad na napapikit si Prima.
"patay kang Prima ka."
BINABASA MO ANG
Empilights
Teen FictionAng istorya ni Prima at ng bestfriend niya'ng si Emperador Lights.