Kasalukuyang nakaupo ang dalawa sa bench habang hinihintay ni Ares ang pagtigil sa pag iyak ni Prima. Joke lang talaga na lumipat sila sa kabilang bar para magwalwal.Dinala agad ni Ares si Prima sa tahimik na lugar para makapag isip isip dahil sobra na ang gulo sa loob ng bar na iyon lalo na't patungkol sa kanya kung bakit nagkakagulo sa bar.
Hindi naman siya bitter kasi broken siya kay Jello. Naiinis siya.
Naiinis siya kung bakit sa laki ng mundo ay bakit nakita niya pa ulit doon si Jello at hindi lang iyon, nagpakita pa ang bruhang si Lyn para mag eskandalo at hindi alintana ang kahihiyan sa ibang tao na nasa loob ng bar.
Nagmukha nga siya talagang desperada sa lakas ba naman ng boses ni Lyn eh imposibleng hindi iyon marinig ng iba'ng mga tao sa loob.
"Jello pala ah..." pangangasar ni Ares kay Prima na ikinainis ni Prima.
"Gago ka ba ha? Dadagdag ka pa sa inis ko'ng hayup ka eh!" sabi ni Prima sa kanya at tumawa na lamang si Ares. Ang harsh daw pala magsalita ni Prima.
"Chill." iyon na lamang ang nasabi ni Ares at sumandal sa bench. Naglabas ito ulit ng sigarilyo sa bulsa ng coat niya.
Hindi maiwasan ni Prima ang tumingin kay Ares ng sindihan nito ang lighter ang stick ng sigarilyo na nasa gitna ng labi ni Ares at hanggang sa ibuga ni Ares ang usok ay amaze na amaze si Prima.
"Ano tikim ka ulit?" pilyong tanong no Ares na ikinainis ni Prima.
"Tigilan mo nga ako!" inis na sabi ni Prima.
"Joke lang eh." sabi ni Ares at nilagay ang stick ng sigarilyo sa labi niya.
"Sabi ni Jello sakin, nakakamatay daw 'yung sigarilyo. Suicidal ka ba?" deretsahang tanong ni Prima at natawa naman si Ares sa kanya.
"Nagpapaniwala ka talaga sa mga sinasabi ni Jello sayo?" double meaning na tanong ni Ares kay Prima. Natahimik na lamang si Prima saglit at nagsalita ulit.
"Kaya nga ko nasaktan eh." bulong nito sa kanya'ng sarili.
Bumuntong hingi na lamang si Prima. Kelangan talaga niya ng magpapa chill sa kanya kaso wala na ang empi sa harapan niya. Ayaw naman nya i-try ang sigarilyo dahil hindi naman niya trip.
"Si Jello ba, talagang pinsan mo siya?" tanong ni Prima ulit sa kanya at tumango naman si Ares na kakabuga lang ng usok mula sa paglakahits niya.
"Ahh... bakit matino siya tapos ikaw abno?"
"eh kung matino siya bakit ka niya sinaktan?"
napamura na lamang si Prima sa isip niya at sumandal sa bench. Napapagod na siya kausapin si Ares dahil halos lahat ng sasabihin niya may rebat siya.
"May sense ka bang kausap?" inis na tanong ni Prima sa kanya.
"Oo naman. Wag kang pikunin tignan mo magkakasundo tayo haha!" sabi sa kanya ni Ares. Umirap na lamang si Prima sa kanya at napakamot sa ulo niya.
"Uwi na lang ako." Sabi ni Prima at kinuha ang Phone niya sa bulsa niya at badnews pa dahil walang signal sa lugar na iyon.
"Tangina walang signal!" inis na sambit ni Prima.
"May kotse ako." out of the blue na sabi ni Ares na agad ikinunot ng noo ni Prima. "Pake ko?" pagtataray ni Prima.
"Ang slow jusko." pagkamot ni Ares at tumayo mula sa pagkakaupo sa bench. "Hahatid na kita. Delikado kung paoasundo ka pa sa grab tsaka walang nadaan na grab dito." sabi ni Ares at hinubad ang coat na suot niya para iabot ito kay Prima.
"Wag na hindi ako nilalamig!" sabi ni Prima at tinanggihan ang alok na coat.
"Anong hindi? nangangatog ka na oh!" hinagis ni Ares ang coat kay Prima na agad namang inablt ni Prima at sinuot ito sa sarili niya.
Pagkapasok nila sa loob ng kotse ni Ares ay napasandal na lamang si Prima sa sandalan ng sasakyan. Nagyon lamang niya naramdaman ang tama ng alak sa kanya. Napadami din pla siya ng inom.
"Ayan walwal pa!" Asar sa kanya ni Ares at pinaandar na ang kotse nito.
Nakaramdam ng gingawa si Prima sa loob ng kotse ni Ares. Basta alam niya'ng makakatulog na siya at wala na siya'ng pake sa safety basta makakapagpahinga na siya.
Napaisip isip si Prima sa mga nangyare kanina sa bar. Andami na niya'ng pinoproblema nakisabay pa si Lyn. Bukod kasi sa alak wala na siya'ng ibang libangan kundi ang alak. Paano kaya kung iba'ng libangan naman.
"Ares,"
"oh?"
"halikan mo ulit ako." sabi ni Prima. Hindi din alam ni Prima kung saang kagagahan nanaman niya napulot ang sentence na iyan at sinabi niya iyon kay Ares. Gagang gagang gaga ka talaga Prima.
Pilyong napangiti si Ares habang nagmamaneho, "Hindi nga halik 'yu---" napa break siya ng wala sa oras ng makaramdam siya ng halik sa labi.
Excuse me, buti wala kayo sa highway at nasa eskinita kayo.
Napahawak na lamang si Ares sa magkabilang pisngi ni Prima at sinagot ang maiinit na halik sa kanya ni Prima pero sa loob loob niya ay hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya dahil una sa lahat ay wala naman silang lebel ni Prima para maghalikan at pangalawa, first kiss niya kasi.
Patuloy lamang si Prima sa paghalik sa kanya ng hawakan ni Prima ang butones ng polo ni Ares at doon ay nasampal siya ng reyalidad.
tangina bakit ko hinahalikan si Ares?
Napalayo si Prima kay Ares at sumandal sa seat niya. "Shit." sambit nito habang humihingal.
"Sorry. shit." pag aalinglangan ni Ares. Hindi na lamang sumagot si Prima at patuloy na humihingal. Nahihiya siya sa kagagahan na ginawa niya.
Nagmaneho na ulit si Ares at hindi mawala sa isip niya ang ginawa nila ni Prima kani-kanina lang kasi ano nanamang naisip ni Prima at ginawa nila iyon? jusko po.
Nanatiling nakatingin sa dinadaanan na si Prima at pinipilit na wag isipin yung nanagyare kahit na patuloy itong nagfaflashback sa isip niya hanggang sa makatulog na lamang ito.
BINABASA MO ANG
Empilights
Teen FictionAng istorya ni Prima at ng bestfriend niya'ng si Emperador Lights.