Giyang na giyang na si Prima na maka inom ulit pero mas minabuti na lamang niya na ihinto ng pansamantala ang pag iinom niya. Feeling niya nababaliw na siya dahil wala na siya'ng ibang maisip kundi ang Emperador lights."Sa emperador light~ gawin mo'ng light~" pagkanta niya habang gumagawa ng critique paper niya sa pisonet. Sira kasi laptop nila kaya nagtyatyaga siya sa pisonet.
Ilang oras na siya'ng nasa pisonet dahil nadidistract siya ng mga bata'ng puro 'kyah pembarya' ang sinasabi at syempre hindi mawawala ang mga jejelords na nagpapatugtog ng mga tugtugin ni 'its yoh boy eksbiii!~"
napakamot na lamang siya ng dahil sa mga distractions sa paligid niya. Minabuti na lamang niya ang magpasensya at pilitin na tapusin ang critique paper niya ng sa ganun ay makauwi na siya.
ng matapos niya ang critique paper niya ay mabilisan na siya'ng lumabas ng pisonet at nakahinga ng maluwag. ginhawa here I come...
Nakakarinig naman siya ng mga kaluskos mula sa likuran niya at nakakarinig din siya ng mahinang boses at parang kumakanta pa ito.
"baby shark doo doo doo doo doo~" narinig niya at boses pa lang ay alam niya na kung sino ito. Napairap na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
lumakas ng lumakas ang pagkanta nito hanggang sa may umakbay sa kanya at kumanta ng Baby shark ng pagkalakas lakas kaya nasampal siya ni Prima.
"Lumayo ka nga sakin abnoy ka!" sabi ni Prima kay Ares na tumawa na lang.
"Badtrip ka nanaman!"
"nadagdagan ng makita kita!" sabi ni Prima at padabog na naglakad pero honabol siya ni Ares at inakbayan ulit ito. "Okay na pala kami ni Papa!" sabi ni Ares na mukhang tuwang tuwa pa.
Sa loob ni Prima ay natutuwa siya. Pagkauwi daw kasi ni Ares sa kanila ay hindi daw siya pinapansin ng papa niya at puro yung mama lang niya ang kumakausap sa kanya. Nagtampo daw kasi yung papa niya sa kanya kasi hindi sila sanay na may bisyo na ang anak nila.
"Edi mabuti." simpleng pagkakasabi ni Prima sa kanya. Napangiwe naman si Ares sa mga reaksyon niya. Never pa kasi niya nakita si Prima na nakangiti as in 'yunh meaningful na ngiti.
"Nuod tayo sine libre ko!" pag aaya ni Ares. Wala pa din reaksyon si Prima at nagpatuloy sa paglalakad. "Ano papanoorin naten? horror? wag na uy!" sabi ni Prima. Wala kasi siya'ng hilig sa horror dahil ang mga hilig niya 'yung mga comedy kahit di siya natatawa.
"edi ikaw mamili ng papanoorin naten!" suhestyon ni Ares sa kanya pero umiling lang si Prima. "Hindi na. Wala din kasi ako sa mood." sabi ni Prima na siya'ng ikina dissapoint ni Ares.
Ano ba naman to'ng babae'ng to. isip isip ni Ares at muling hinabol si Ares.
"Inom tayo libre ko."
napatigil sa paglakad si Prima at unti unting napangiti na tila ba nabanggit ni Ares ang magic word pero napa dalawang isip siya dahil iniiwasan na muna niya ang pagwawalwal sapagkat ilang weeks na siya'ng magwawalwal at baka mamatay na siya kaka alak niya.
"Ayaw mo ba? sayang to." pangangasar ni Ares sa kanya.
bumuntong hininga pa muna si Prima at nag isip isip muna. Ayaw ko baka mamaya kung ano pa balak nito...eh basta ayaw ko baka masunog na baga ko kakainom...
tangina.
"sige na nga! isang bote lang ah!" napangiti si Ares sa sagot ni Prima sa kanya dahil finally eh makakabawi na siya kay Prima.
Nagulat si Prima ng dalhin siya sa magarbong bar. 'Yung bar na tahimik lang at wala masyadong tao at ang menu, jusq po pero okay na din siya dahil iisang bote lang naman siya at light pa iinumin niya.
Dumating na 'yung mule nila. Light lang daw iinumin nila'ng dalawa kasi baka mamaya bangenge silang parehas paano pa sila makakauwi.
"Alam mo kung andito sila Gwen at Mae baka mapagastos ka talaga." out of the blue na sabi ni Prima at lumagok sa hawak niya'ng bote.
"Kelan ka nagsimulang uminom?" tanong ni Ares sa kanya. Nagtataka kasi siya dahil para'ng napakatagal ng walwalera ni Prima at talagang wala talaga sa itsura ni Prima na mahilig siya magwalwal.
"ahmmm, 16 ata." sagot ni Prima. Napatango na lamang si Ares at kumuha ng isang stick ng sigarilyo mula sa kaha ng malboro.
"Nagtataka lang ako, bakit nagustuhan mo si Jello?" out of the blue na tanong ni Ares at napataas ng kikay si Prima.
"Ewan ko din eh." walang emosyon na sabi ni Prima. "Eh ikaw? wala ka bang lovelife?" tanong ni Prima sa kanya.
"I had a girlfriend before."
"oh tapos anyare?"
"She told me that Im too innocent for her. She was 10 years younger than me tho."
napa upo naman si Prima sa nalaman niya. Hindi siya makapaniwala na oldies pala ang tipo ni Ares. Jusko po.
"Eh ilan taon ka nun?"
"12. hehe."
napasapo na lamang si Prima sa utak niya. Hindi naman pala oldies, masyado lang palang bata si Ares para sa mga tipo niya. Napalagok ulit si Prima sa smule niya at napasandal sa couch.
"Tingin mo kung umamin lang ba ako kay Jello magugustuhan niya talaga ako?" tanong ni Prima kay Ares.
Sa totoo talaga niyan. Hindi pa siya talaga totally naka move on kay Jello. siguro nabawasan feelings niya pero andoon pa din yung sakit ng rejection. Matagal din kasi siya nabaliw kay Jello turns out na hindi pala mababalik yung pagkabaliw niya sa kanya.
"Aba malay ko." naghits ulit si Ares sa sigarilyo niya at tinignan si Prima na amaze na amaze kung pano ibuga ni Ares ang usok mula sa hinits niya.
Hindi ko alam kung na-aakit ba ako o na-aamaze eh... isip isip ni Prima at nakatitig pa rin sa lips- este sa sigarilyo ni Ares.
"Wirdo ka din eh no." nattawang sambit ni Ares at ginulo ang bangs ni Prima. Nabuhay naman sa Reyalidad si Prima at umupo ng maayos.
Saktong lalagok na si Prima sa alak niya ng makita kung sino ang pumasok sa loob ng bar. Tila ba parang naging slowmo ang lahat ng makita niya ang tao'ng iyon.
Bakit ba pag naaalala kita ay nagpapakita ka?
At syempre kasama nanaman ni Jello ang girlfriend niya na todong todo kung kumapit sa kanya. Nagbugso nanaman ang inis ni Prima at napatungo na lang. Ayan nanaman 'yung feeling niya loser siya.
Sa kabilang banda ay nahalata ni Ares ang pagiging uncomfortable nito. Nakatingin lamang siya sa kawalan at napabuntong hininga ng makitang nakatungo na si Prima. Hindi niya alam pero natatangahan siya kay Prima dahil affected pa din siya kay Jello.
"Umalis na nga tayo!" sabi ni Ares at kinuha ang bag niya at ang bag ni Prima pero nanatili si Prima sa pusisyon niya.
"Ayaw." sabi ni Prima at lumagok ulit sa bote ng alak. Pinunasan niya ang bibig gamit ang braso niya at ngumiti na lamang. "Di pa nga tayo tapos eh! Dito muna tayo!" pabirong sabi ni Prima.
Wag mo kasing ipilit Prima
Napasulyap si Ares sa gawi nila Jello at Lyn at napansin niya na tumingin siya sa gawi nila ni Prima. Hindi niya alam kung ano gagawin niya at parang tatawagin pa ni Jello sila Ares at Prima at baka magkaroon nanaman ng eskandalo dahil nanadyan si Lyn.
kelangan niya umaksyon kundi magkakagulo nanaman.
Tangina naman eh bakit kasi dito pa sila nagpunta?... isip isip ni Ares at wala sa kamalayan na humarap kay Prima na nakatungo.
"Prima..."
"oh?" tanong nito at lumingon kay Ares. Di alintana kung ano ang susunod na aksyon ni Ares ng bigla na lamang hawakan ni Ares ang magkabilang pisngi nito at nilapit ang mukha niya rito.
Naamoy ni Prima ang mala-mentol na amoy ng usok mula sa bibig ni Ares dahil sa lapit ng mukha nilang dalawa. Sa pusisyon nila ay naestatwa si Prima at hindi alam ang gagawin.
Magsasalita na sana si Prima ng maramdaman na lamang niya ang labi ni Ares sa kanyang labi.
At nasaksihan lahat iyon ni Jello.
BINABASA MO ANG
Empilights
Teen FictionAng istorya ni Prima at ng bestfriend niya'ng si Emperador Lights.