Hindi mapakali si Prima. Hindi niya alam kung tama ba ito'ng ginagawa niya basta ang alam niya ay mangyayare na kung ano man ang mangyayare.Hindi niya alam pero sa tuwing naiisip niya si Jello ay parang mali ang ginagawa niya. Hindi niya din alam. Oo, kinikilig siya minsan pag naalala niya si Jello pero mas lamang sa isip niya na parang may mali talaga.
Sa loob ng vacant room, hinihintay niya na dumating si Jello. Iniisip niya na kung siya pa din yung dating patay na patay kay Jello ay baka ipa-tatoo niya pa ang date ngayon pero iba na ngayon, para'ng wala lang ito sa kanya pero kinakabahan pa siya.
ang gulo ni Prima pero mas naguguluhan siya sa sariki niya.
bumukas ang pinto at nasilayan niya si Jello. "Prima." bati nito sa kanya at ngumiti naman si Prima.
'Yang ngiti na yan... mukha'ng hindi espesyal para sakin kagaya noon. Isip isip ni Jello at tumabi na lamang sa katabing upuan ni Prima.
"Jello...ano.."
"Prima tatapatin na kita."
biglang lumabas ang kabog ng puso ni Prima. Hindi niya alam kung titingin ba siya kay Jello o hindi na lang basta para sa kanya ay magsalita lang ng magsalita si Jello para matapos na at makaalis na siya sa pwesto niya.
"Hindi ka mawala sa isip ko. Pag kasama ko si Lyn, nag aalangan ako...parang may mali... parang nagkakamali ako sa ginagawa ko." pag eexplain ni Jello at nanatiling tahimik si Prima.
Napabuntong hininga si Jello at nagsalita ulit, "Prima... nung hinalikan ka ba ni Ares sa bar... totoo ba 'yung halik na 'yun? ginusto mo ba?"
tangina.
"Alam kong hindi. Kita ko sa mata mo, hindi.... Prima, hindi mo ba alam na pag nagtatama mga mata natin mas lalo ako'ng napapaisip sa mga kamalian ko..."
please Jello tama na
"Nagkamali ako... dapat noon pa lang... noon pa lang dapat... ikaw na lang."
"Jello ano ba pinaparating mo?" inis na sabi ni Prima na hindi pa 'din tumitingin kay Jello dahil oras na tignan niya ulit ito,
babalik siya sa katangahan niya.
"Pagkakataon lang Prima. Gusto ko iprove sa-"
"Jello wag na nga tayo'ng maglokohan." napabunting hininga na lamang si Prima at kinuha na ang bag niya para makaalis na.
hindi na niya kaya. Ayaw na niya.
pero hinawakan ni Jello ang mga kamay nito para pigilan siya'ng umalis.
"Prima...please, wag... wag ka'ng aalis." sabi ni Jello na may halong lungkot ang boses nito. Nang marinig ito ni Prima ay para siya'ng nabingi sa mga pag aalala niya at hindi napansin na may luha na sa kanyang mga mata.
"Jello, please."
"Si Ares, wala ka namang nararamdaman sa kanya diba?"
"Jello, ano ba?!"
"Prima, tumingin ka sa mga mata ko." Natahimik na lamang bigla si Prima at nagounas ng kanya'ng luha.
hindi ko kaya
Tumayo si Jello sa kinauupuan niya at hinawakan ang mukha ni Prima, "Prima, just look at me please..." mahinang sabi nito.
Nanlambot si Prima at inangat ang ulo niya para tignan si Jello.
Sincerity. Iyon agad ang nakita ni Prima sa mga mata ni Jello. Sinseridad na nagpapa alala sa kanya kung ano si Jello sa kanya.
"Just give me this chance please..." pinunasan ni Jello ang mga luha sa mata ni Prima.
Jello, bakit ngayon lang?
"Prima?"
ilang segundo naestatwa si Prima para makapag isip isip hanggang sa kusa siya'ng tumango at sa pagkakataon au naramdaman niya ang bisig ni Jello. Niyakap siya nito.
"Salamat..." huling sinabi ni Jello at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Prima.
Maling mali.
BINABASA MO ANG
Empilights
Teen FictionAng istorya ni Prima at ng bestfriend niya'ng si Emperador Lights.