xviii. pls be happy

11 0 0
                                    


Ares: Uy

          Gising naaaaa

          ikikiss pa kita

          ayy

          Gising na hehe

          tanghali na po gising na

          Goodmorning babe

           alabyuuu

"Oy Primatine, para ka'ng timang!" Pasaring ni Gwen habang tinitignan ng masama ang kanya'ng kaybigan  na ilang minuto ng pangiti-ngiti at oagbungisngis habang hawak ang kanya'ng phone.

Prima: Goodmorning kyah

Ares: ayy :-----(

Prima: b8?

Ares: wala na ngang "babe" wala.     pa'ng "i love you too? :---(

Prima: hihi

              I love you baby koooo

sakto naman na may tumamang unan sa ulo ni Prima, "Oy gago kanina ka pa namin kinakausap!"

"Ano ba kasi 'yun?" inis na tanong na Prima sa dalawa niya'ng kaybigan.

"Tinatanong namin kung ano kayo niyan ni fafa Ares." pag ulit ni Mae sa kanya'ng tanong.

Napangiti naman si Prima, "Ihhh secret na muna!"

"So lihiman na pala tayo'ng magbebespren ganern?" tanong ni Gwen pero tinawanan lamang siya ni Prima.

"Di naman sa ganon mamshie haha!"

"eh anerr?"

"Mutual?"

Napabuntong hininga na lamang ang tatlo habang nakatingin sa kaybigan nila na nakangiti sa kawalan. Iba na nga ang tama ng kaybigan nila kahit hindi lasing.

"Sige na nga, hahayaan ka na namin mag jowa basta-- Ayy pano nga pala si Jello?" aligagang tanong ni Gwen na siya namang kinatahimik ni Prima at niyuko ang ulo nito.

"hay, 'di ko din alam e." sabi ni Prima.

Napatingin si Prima sa phone niya ng makita niya'ng nagriring ang phone niya. Bigla siya'ng kinutuban ng makita kung sino ang caller nito.

"Shit Prima! answer the phone!" mahinang bulong ni Jello at mistulang nawawalan na ng pasensya sa paulit ulit na kakatawag kay Prima.

"Bakit ayaw sagutin?" naiinis na bulong ni Jello sa sarili niya.

Simula kagabi ay tawag na ito ng tawag kay Prima. Maski ang mga text nito at chats ay hindi siya nirereplayan. Feeling niya ay iniiwasan siya nito.

Hindi naman maiwasan ni Jello na mag alala dahil baka naman may nangyare ng masama kay Prima pero imposible dahil tatawagan siya agad ng mga kaybigan nito kung nagkataon.

napaupo na lamang siya sa sofa at tinitigan ang cellphone niya... Sumuko na ba siya? Ayaw na niya kaya?, ito ang bumabagabag sa isip niya.

Prima calling...

agad naman nagliwanag ang mukha ni Jello ng makita kung sino ang caller. Agad niya'ng sinagot ang tawag  at nag alala'ng bumati rito.

"Prima, Ano nangyare? Bakit hindi ka nagrereply or sumasagot sa tawag ko? okay ka lang ba?" sunod sunod na tanong nito at halata sa boses niya ang pag aalala.

EmpilightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon