xv. musmos, tanga at sawi (part 1)

10 0 0
                                    


"Nagbreakfast ka ba?" tanong ni Jello habang nakahawak ito sa kamay ni Prima na may tipid na ngiti.

tumango naman si Prima at tinanong din si Jello kung naka-kain na ito. Hawak hawak nila ang kamay ng isa't isa habang naglalakad papunta sa kanilang eskwelahan. Ngiting ngiti si Jello samantalang tipid na tipid naman ang ngiti ni Prima.

Isang linggo ng ganito ang lagay niya at iisa lamang ang masasabi ni Prima. Kulang pa at magiging kulang pa din ang nararamdaman niya kay Jello.

Ilang linggo ba din na hindi sila nagpapansinan ni Ares. Ni kahit man lang bati ay hindi nila ito magawa. Hanggang tinginan na lamang ang nagagawa ng dalawa ngunit hindi makapag usap.

Namimiss na din ni Prima ang gabi gabi'ng pagbisita ni Ares sa kanya sa walmart lara mangulit.

Pagdating nila sa eskwelahan ay binigyan ng halik ni Jello si Prima sa noo. "Kita tayo mamaya ah!" sabi nito kay Prima.

"Sige!" nakangiting saad ni Prima at tinalikuran ito agad.

Napansin niya agad si Ares na natutulog sa kabilang dulo ng classroom. Halatang iniiwasan na mapunta kung saan lagi sila'ng nakapwesto.

Ano ba talaga Ares

Tumabi na lamang si Prima sa isa niya pa'ng kaklase at nakipagdadalan dito. Hindi nagtagal ay dumating na ang kanilang prof hudyat na magsisimula na ang klase nila.

Buong pagdidiscuss ni sir ay nakatingin lamang siya kay Ares na natutulog pa din. Simula nung umamin sa kanya si Jello ay naging ganyan na ang ugali ni Ares. Kung hindi ito matutulog ay hindi ito papasok sa klase nila.

"Miss Rivera are you listening?" nabalik sa reyalidad si Prima at napatingin sa professor nila.

"You are to be paired with Mister Salazar." sabi ng kanilang prof na siya'g kinakaba nito.

Partner? si Ares? Saan?

nang makaalis na ang prof nila ay nagtanong tanong si Prima sa kanyang kaklase tungkol sa pairings. Nalaman niya na may mimi thesis pala at iyon nga, kapartner niya si Ares.

So ayun, hindi niya alam kung paano niya i-aapproach si Ares para sa mini thesis nila.

Tinignan na lamang niya si Ares sa malayo at nag iisip ng kung ano ang maganda'ng paraan para ma-aapproach niya ito.

"Tulala ka nanaman!" Sabi ni Jello kay Prima habang nakaupo sa quad at kumakain ng fries.

"ah, wala 'to." sabi ni Prima kay Jello at sumubo ng fries.

hindi masabi sabi ni Prima kay Jello ang problema nito sapagkat ayaw na niya ito maabala at gusto niya ay siya mismo ang kumausap kay Ares na hindi humihingi ng tulong kay Jello.

"Nuod tayo mamaya ng IT gusto mo? pleeeease sige na!" pangungumbinsi ni Jello. "Dali na libre ko ticket."

Oaoayag na sana si Prima kaso may bumabagabag sa kanya at iyon ay ang mini thesis nila. Hindi niya na nga alam kung paano pa sisimulan, namomroblema pa siya kung paano niya kakausapin partner niya.

"Busy ako Jello, next time promise." sabi ni Prima na may nanglalambing na ngiti.

"psh, lagi ka'ng busy. Akin na nga 'tong fries KO. Ako bumili neto eh." pang aasar ni Jello at nilayo ang hawak nito'ng fries na siya'ng kinayamot ni Prima.

"Uy! Halaaaaa! pengeeee!" sabi ni Prima at pilit na inaabot ang fries na siya'g inilalayo naman ni Jello sa kanya.

napatitig naman si Jello kay Prima at kinuha ang chance na iyon para halikan ng pasaglit si Prima sa kanyang labi na siya'ng kinagulat ni Prima.

at lahat iyon ay nasaksihan ni Ares na matagal na ng nakaupo sa malayo at hindi sinasadyang masaksihan ang pangyayare.

EmpilightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon