xvii. Mamshie's night out

9 0 0
                                    


"pwede ba ko kumupit ng ayskrim?" tanong ni Ares na kasalukuyang tinatalian ang buhok ni Prima.

"Bawal. Ang yaman yaman mo bakit di ka bumili?" tanong ni Prima na nakasandal sa tuhod ni Ares habang ginagawa ang braid nito.

Matapos ang nangyare kanina ay nagpasya ang dalawa na i-off ang phone nila'ng dalawa dahil mas guato nila maging malaya kahit ngayon man lang at iwasan ang mga bagay na nagpapa-stress sa kanila.

wala pa man sila'g lebel

pero alam nila kung ano'ng meron sila.

"Tapos na!" masaya'ng sabi ni Ares at tinignan ang kabuuan ang work of art kuno niya.

Hinayaan lamang ni Prima na naka-braid ang buhok nkya at nag aaikaso na muli sa loob ng walmart habang si Ares naman ay nagtitibmngin tingin sa loob ng walmart.

"Prima,"

"ano?"

"Ilang beses kayo nag-kiss ni Jello?" pilyo'ng tanong ni na siya namang ikinakunot ng noo ni Prima.

"Isa lang. 'Yung nakita mo." malumanay na sabi ni Prima at tumabi kay Ares matapos niya'ng maayos 'yung mga dapat ayusin sa walmart.

Napangiti naman si Ares. Sus isa'ng beses lang pala... Kawawa ka naman Jello.

"Ako lang iki-kiss mo ah..." sambit ni Ares at tinignan si Prima sa nakatungong si Prima.

"Para ka namang bata haha!" sabi ni Prima at hinampas ang chest ni Ares at sinalo naman agad ni Ares 'yung kamay niya at hinalikan 'yun.

"Basta ako lang ha? Ako lang iki-kiss mo!! Pag may iba'ng nagkiss sayo ipapahuli ko kay Duterte!" Para'ng bata na sabi ni Ares at nginitian si Prima.

Natawa na lang si Prima at tumango sabay yakap kay Ares. Sa una kasi'ng pagkakataon ay nakaramdam siya ng ginhawa. Nakaramdam siya ng luwag.  Na ngayon ay nakakagawa na siya ng tama.

napahiwalay naman ang dalawa ng may naramdam sila na may pumasok sa loob ng walmart at iyon ay sila Gwen at Mae na may dala dala nanama'ng empilights.

"Oh? anyare sa inyo?" Tanong ni Prima na may gulat pa din sa kanya'ng mga mata.

"Eh kayo? Anyare sa inyo dyan? Bakit magkayakap kayo?" Tanong ni Mae pabalik kay Prima. Hindi na lang nakasagot si Prima at napangiti na lamang pero nawala ang ngiti niya ng bigla'ng humagulgol si Gwen.

"Anyare dyan?"

"Broken. Iniwan siya nung lalaki sa tinder." Paliwanag ni Mae. "Mag iinom sana tayo kaso mukhang busy ka eh." sabi ni Mae at napatingin din sa gawi ni Ares.

"A-ano... hindi naman!" Sabi ni Prima. "Tara inuman tayo!" Nag aalangan si Prima na ngumiti at pati na din si Ares.

"Sige libre ko na pulutan niyo! Hihi!" Sabi naman ni Ares na siya namang ikibagulat ni Prima. Napa-iling na lamang ito dahil hindi naman niya gusto na makisama pa si Ares sa walwal nila.

Napangiti naman si Mae, "Sige san ba?"

"Hindi ko na kaylangaaaan~ Umalis ka na sa'king harapaaaan~ Damdamin ko sayo'y ngayon ay naglaho na~" Pagkanta ni Mae at Prima habang dinadamayan ang kaybigan nila'ng si Gwen na hawak hawak ang mikropono at nakanta ng malakas kahit wala na siya sa tono.

Samantala, tahimik naman na nakaupo sa gilid si Ares at napapalunok na lamang dahil hindi siya makapaniwala kung gaank ka-wild ang tatlo gayo'y nakainom sila.

Wala ka pa sa climax Ares. May mas wild pa dyan.

Napasubok si Ares na ilibre ang tatlo para damayan si Gwen pero mas pinili na lamang nila na magvideoke sa ktv bar. Isa'ng private karaoke room ang ni-rent niya para sa kanila. Naks, yaman talaga.

"Buksan mo papasukin akoooo~" nagyon naman ay hawak ni Prima ang mikropono at nakanta din ng malakas kahit wala na din siya sa tono. Tanging 'Bukdan mo papasukin ako' ang alam niya sa lyrics pero tuwang tuwa pa din siya sa pagkanta niya.

Bakit hinayaan ko na makainom 'tong mga 'to? sabi ni Ares sa kanya'ng sarili at sa tuwing tinatawag siya ng tatlo ay ngumingiti na lamang ito hudyat na hindi siya iinom.

para naman naging responsibilidad biya ang tatlo. Naisip niya na kung magpapakalasing din siya ay bangenge na din siya at hindi na kaya pa'ng ihatid ang tatlo.

Makalipas ng dalawang oras ay nagpasya na ang tatlo na umuwi ngunit magkakapatong na ang tatlo sa sofa na tila ba'y nagdadalawang isip kung uuwi pa sila o hindi na.

"Prima, bangon na kayo dyan iuuwi ko na kayo." sabi ni Ares at pinipilit na i-angat ang katawan nito para alalayan siya.

"De, dito lang ako. Dito lang tayo. Walang uuwi." Sambit ni Prima na nakapikit na ang kanya'ng mga mata. Napakamot na lamang si Ares at narealize ang pagsisisi na daoat talaga hindi na niya hinayaan na malasing ang tatlo.

"Mamsh, uwi tayo. Si tita magagalit." Pasaring ni Mae. Napadilat naman ai Prima ng maalala ang kanya'ng ina.

Pucha. Baka nag aalala na si mama! Isip isip ni Prima at pinilit ang kanya'ng sarili na tumayo ngunit natumba pa ito pero nasalo naman siya ni Ares.

Napabuntong hininga na lamang si Ares at nag iisip ng paraan kung paano ba niya madadala ang tatlo'ng iyon para makalabas na sila ng bar.

Napasapo na lamang siya sa kanya'ng ulo at nagstretch ng malupit.

EmpilightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon