i. aftermath

33 3 1
                                    


Nagising na lang si Prima ng dahil sa talak ng nanay niya. Sumabay sa sakit ng kanyang ulo ang bawat talak ng nanay niya sa kanya kaya para sa kanya ay nasa impyerno na talaga siya.

"ikaw Prima, kababae mo'ng tao lasenggera ka! Nakakahiya ka'ng bata ka! Nung mga edaran pa kita, di ako nakakatikim ng alak tapos ikaw uuwi ka dito ng walang malay ha?! Gumising ka at may pasok ka pang babae ka!" sunod sunod na sabi ng nanay niya sa kanya at sa haba ng sinabi ng nanay niya ay ang pangalan niya lang ang naintindihan niya.

"Ma, masakit ulo ko, wag ka na sumigaw!" sabi ni Prima at nagtakip ng unan sa mukha niya

"Eh pano naglasing kang bilat ka asgshdbxbhdjdndjjdnbska" at kahit na ano'ng takip ni Prima sa tenga niya ay naririnig pa rin niya ang mala-armalite na bibig ng nanay niya kaya hanggang sa cr ay nadala na niya ang unan.

agad siya'ng naligo at nag ayos. Binalewala niya ang sakit ng ulo niya at sinubukang umayos ang lagay niya dahil kelangan niya ngayong pumasok dahil may exam sila ngayon at syempre wala nanaman siya'ng review dahil mas inuna niya ang pag iinom kesa sa pag rereview.

ano Prima? may naalala ka ba sa nangyare kagabi?

pagkahingi ni Prima ng baon niya ay nalakad na siya paountabsa estasyon ng jeep ng bigla na lamang siya makaramdam ng masakit sa likuran ng ulo niya. Binatukan lang naman siya ni Gwen na papasok na din sa school kagaya niya.

"Gaga ka dapat di ka pumasok ngayon eh! tignan mo itsura mo!" pang aasar sa kanya ni Gwen pero tinignan lang siya ni Prima at napakamot sa ulo niya.

"Ang sakit nga ng ulo ko eh, pero may exam ako ngayon..." sabi naman ni Prima at napabuntong hininga.

Palihim na natawa si Gwen ng maalala niya kung ano'ng klaseng kagagahan ang ginawa ng kaybigan niya kagabi. Labis niya'ng pinipigilan ang matawa ng malakas kubmng hindi ay magtataka nanaman ang tanga niya'ng kaybigan na si Prima.

"wala ka bang natatandaan kagabi?" tanong ni Gwen at umiling lamang si Prima.

"Wala eh. Wala din ako'ng pake." saad ni Prima.

Pag umiinom kasi si Prima lagi lang siya'ng problemado at hindi na niya aalalahanin ang mga nangyare nung lasing siya dahil ala ala lang 'yun ng pogiging problemado niya.

"tignan ko lang kung mawalan ka pa ng pake pag nalaman mo- ayy! andyan na yung bus byee!!" pagmamadaling sabi ni Gwen at sumampa agad sa bus.

Nagtaka naman si Prima. Bakit naman siya magkakaroon ng pake sa pinag gagawa niya kagabi? naisip ni Prima ay baka niloloko lang siya ni Gwen kaya isinantabi niya muna iyon sa isip niya at inalala ang exam niya mamaya.

pagkadating na pagkadating niya sa school ay nakita niya agad si Lyn na may inaantay sa entrance ng gate. Tinignan naman niya ito mula ulo hanggang paa at napangiwi.

Jusko, pagkapayat payat naman nitong bilat nito parang walang kinakain. Ano kaya'ng nagustuhan ni Jello sa Lyn na yan? ahh baka may pa charity sila Jello para may supply ng kakainin si bilat... sabi niya sa isip niya sabay flip ng hair

Mataray at pak na pak ang pagpasok ni Prima sa school nila. Sinaktohan niya pa nga ng pagflip ng hair niya ng madaanan niya si Lyn.

Napatigil naman siya ng maaninang niya si Jello na papalapit sa gawi niya na may ngiti sa mukha. Napangiti naman si Prima pero agad na nabura ang ngiting iyon ng banggitin ni Jello ang pangalan ni Lynn.

napairap na lamang si Prima at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa likuran nga lang pala ni Prima si Lynn at nag assume nanaman siya na baka siya nanaman ang nginingitian ni Jello.

hay, ang tanga talaga ni Prima.

pagkapsok na pagkasok ni Prima sa room ay saktong nandoon na ang Prof nila at nagpapa attendance na. Umupo naman agad siya sa tabi ni Ares dahil wala naman siya'ng choice.

iniiwasan niya kasi si Ares dahil lagi na lang siya nito ginugulo. Nang aasar sa kanya kahit di naman siya pinapansin ni Prima.

"Hi Optimous Prima!!!! Hihi!!" pang aasar nito kay Prima at agad naman siya nitong inirapan at nakinig sa sinasabi ng Prof nila.

"Oh, bakit ganyan itsura mo? Mukha kang kulang sa tulog..." tanong sa kanya nito pero hindi pa rin siya pinansin ni Prima.

napangiwi naman si Ares sabay buntong hininga. Ilang segundo bago ulit ito magsalita.

"Si Jello oh!" sabay turo nito sa may pintuan at agad napalingon si Prima doon para makita ang kaklase nila na nerd na si Angelo

napabuntong hininga na lamang si Prima habang pinipigilan sumigaw sa inis. "Ano ba'ng problema mo'ng abno ka ha?" tanong ni Prima sa kanya pero nginitian lamang siya ni Ares.

"Start your exams now!" sabi ng kanilang prof at nag exam na lamang siya kesa ng mainit ang ulo.

"psst..." sitsit sa kanya ni Denise. Ang kaklase niya na pinsan ni Jello.

"pssst... Prima may sasabihin ako." bulong ni Denise sa kanya.

"Si Jello kase kasama ko kagabi..." nag aalinlangan na sabi ni Denise.

"tapos ano... narinig ko kase... tumawag ka sa kanya tapos... umamin ka daw kagabi kay Jello." sabi ni Denise at bigla nama'ng nanlaki ang mata ni Prima at kasabay 'nun ang malakas na mura niya na siya'ng ikababagsak niya sa exam nila ngayon.

"FUCK!"

EmpilightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon