Epilogue

15 0 0
                                    


1 month

one month lang ay sinuko na agad ni Prima ang Empilights dahil magkakasyota na siya. Isipin niyo 'yun? si Prima isusuko ang Empilights? nakakapanglumo.

Dahil nga atat na si Ares na maging makarelasyon na sila ni Prima ay gumawa ito ng paraan para sagutin na siya ni Prima at iyon ay ang ibigay ang lahat ng klase ng emperador kay Prima para masagot na siya sa kalasingan nito.

"Babe, sasagutin na kita." nakapikit na sabi ni Prima na ikinatuwa ni Ares para ito ay mapa-"yes" sa sobrang saya niya.

After one month of pangungumbinsi, emperador lang pala ang katapat.

"Pero sa isa'ng kundisyon.."

"Ano 'yun babe?"

"Bilan mo pa ko isa'ng empilights dun. Daliii!"

Pero hindi alam ni Prima na ito na ang kahuli hulihan niya na magwawalwal

Natawa na lamang si Ares kapag naaalala niya ang mga panahon na iyon pero ang hindi niya ikinatutuwa ay ang nangyayare ngayon.

1 year and 3 months na sila ni Prima at ngayon na College na sila at hindi na masyado'ng nagkakasama. Magkakasama lang sila dahil medyo magkalapit ang village nila at araw araw sila nito'ng nagkikita ngunit ngayon iba.

wala ito sa bahay nila. Nag-off sa walmart. Hindi niya macontact ang mga kaybigan nito.

Napabuntong hininga na lamang siya at nagfocus sa kalsada habang nagmamaneho ito.

"Oooooooy! Si Papa! Matapang! May laban! dundududundun! Awww!" malakas na kanta ni Prima na pasayaw sayaw pa habang si Mae at Gewen naman ang nagmimistulang backup dancers niya.

"Laban laban! Oh Bawi bawi!" Sabay sa indayog ng musika ay ang pag lagok niya ulit sa alak na nasa shotglass.

Napa iling na lamang si Ares habang nakasilip ito sa may pintuan. Sa sobrang ingay at lakas ng tama ng mga babae'ng iyon ay hindi man lang napansin na may siwang na ng liwanag mula sa pinto at may nakasilip na sa kanila.

Alam ni Ares na andito ang tatlo dahil dito niya una'ng dinala ang tatlo sa ktv bar noong chapter 7.

"Bakit hanggang ngayo'y ikaw pa rin!Aww! Bakit Papa~ binawi mo pa, ang pag ibig mo sa akin~ Ayaw na ba~ sa aki'ng beauty~ kaya ngayon ako'y sawi---Aray koooo!" Huli na ng kanta niya ang katagang 'aww' pero literal na nasaktan si Prima sa pagkakabato ni Ares sa kanya ng malambot na unan.

Tatarayan na sana niya ang kung sino man ang bumato sa kanya ng mapagtanto'ng si Ares ito na nakatayo sa tabi ng sofa at nakatingin sa kanga ng masama.

Maging si Mae at Gwen naman ay napalunok sa kaba ng makita kung ano ang itsura ni Ares ngayon.

"Besh, sabi sayo eh nakahalata na 'yun eh..." bulong nj Gwen kay Mae.

"Bakit ka andito?" kabado'ng tanong ni Prima kay Ares.

"Ikaw ang dapat tanungin ko niyan. Bakit andito ka?" deretsong sagit ni Ares na walang halong emosyon sa mukha.

"Eh kase--"

"Uwi na." Kinuha ni Ares ang bag ni Prima na nasa sofa at sinakbut ito sa balikat niya. Deretso ito'ng naglakad palabas ng room.

"Ayan kabado bente siya!" pananakot ni Mae kay Prima pero natahimik ito ng tinaasan ito ni Prima ng middle finger niya.

"Baaaaabe~" habol ni Prima sa nauunang maglakad na si Ares. Hindi ito linapansin ni Ares basta't makarating lamang sila sa pinagparkingan ng kotse niya.

"Areees~ sorry na kase!!" paiyak na sabi ni Prima pero hindi pa rin niya ito mahabol kaya't sinubukan niya'ng tumakbo pero sa lakas ng tama niya ay nadausdus siya sa humps kaya nadapa siya.

"Araaaaay huhu!" Pagdaing ni Prima na nakahawak sa ankle niya. Agad naman siya pinuntahan ni Ares at nag alala ng makita kung ano'ng lagay ng nobya niya.

"Psh, Prima naman eh. Pag ganyang iinom ka at alam mo'ng may tama ka, mag ingat ka naman!" Pagleleksyon nito kay Prima na dumadaing pa din, "Saan masakit?" nag aalalang tanong nito kahitay halong pagsususngit sa pananalita niya.

"Dito." hinawakan ni Prima ang ankle niya at agad naman nitong minasahe ni Ares. "Tapos dito din." Biro ni Prima at ngumuso ito.

"Ano? imamasahe ko din?" inis na tanong ni Ares kaya bumusangot na lamang si Prima.

"Sungit mo naman!" nagtatampo'ng sabi nito at pinilit na tumayo. Hindi na masyado'ng masakit 'yung paa pero may kirot pa din para matumba siya buti na lang nasalo ni Boyfriend.

"Tsk tsk tsk. Prima ang kulit nito--"

"Galit ako sayo. Ang sungit sungit mo sakin!" naiiyak na sabi ni Prima at para'ng paiyak na ito kaya napahinga ng malalim si Ares at inalala na malakas na ang tama ni Prima kaya niyakap niya na lamang ito.

"Oh sorry na. Sabi ko naman kasi sa'yo 'wag ka iinom na eh--"

"Ngayon lang naman ako uminom ah! Tsaka bakit ba ayaw mo? minsan minsan lang naman ako iinom." sabi ni Prima habang nasinghot pa sa sipon niya kakaiyak.

"I quit smoking kaya sana naman pati bisyo mo na yan ihinto mo na." Sabi ni Ares. Muli, napahagulgol na lamang si Prima at buong kalsada na ang iniingayan niya.

Jusq. Ang taas na ng tama nito'ng babae'ng 'to. Kung hindi ko lang 'to mahal e...

"Sshhhh..." niyakap ulit ni Ares si Prima at hinimans ang buhok nito, "Babe naman eh. Osige basta minsan lang. Every 5 months ganun pag may na aya iinom ka tapos isasama mo ko para bantayan kita." sabi ni Ares sa kanya.

"Grabe naman 'yung five months. Magigiyang naman ako 'nun." sabi ni Prima habang pinupunasan niya ang luha niya.

"Basta magpapaalam ka. Katulad ngayon, 'di ka nagpaalam."

"Eh kasi magagalit ka eh." tumawa na lamang si Ares at hinalikan si Prima sa labi. "Tama na haha. Basta magpapaalam ka ha?" hinawakan ni Ares ang malalaking pisngi nito.

Tumango naman si Prima kaya napangiti si Ares at agad na hinalikan si Prima ng ilang beses ang mga labi nito at wala siya'ng pakeelam kung madami man ang makakita sa kanila.

"I love you."

"I love you too....

...pero mas love ko empi."

end.

EmpilightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon