"Tama na please tama na po." Pag aawat ng tatlo sa matandang lalaki na bumubugbog sa nakabulgta na'ng si Ares na may mga pasa na sa mukha.Pilit na ginigitna ni Prima ang sarili niya para lang maprotektahan si Ares mula sa mga naka ambang suntok sa kanya at ilang segundo lang ay natigil na ang pambubugbog kay Ares.
"Tandaan mo, tinuin mo muna sarili mo bago ka umuwi." sabi ng may kaedarang lalaki at umalis na sa kinaroroonan nila.
"S-shiit... a-ang..sak-kit..." pamimilipit ni Ares at pinipilit na tumayo. Tinulungan agad siya ng tatlo para makatayo ngunit napapabagsak ang katawan nito kaya sinandal na lamang ni Prima ang katawan ni Ares sa kanya.
"Prima..." nag aalangang sabi ni Mae kay Prima na kapwa hindi din alam ang gagawin.
"Sugod ka namin sa ospital ayos lang ba?" tanong nito kay Ares pero umiling lamang si Ares. "A-ayaw..." sabi niya kay Prima.
"Eh saan kita dadalhin?" Sabi ni Prima na tila ba hindi na mapakali dahil bukod sa mukha ng mamamatay si Ares ay bigat na bigat na ito.
"iuwi mo muna sa inyo Prima!" suhestyon ni Gwen. Naisip naman ni Prima na okay lang naman na iuwi si Ares sa kanila kaso baka mabuko ng nanay niya.
eh ano naman 'kung andoon mama mo? Tutulungan mo lang naman si Ares eh tapos pauwiin mo na.
Tumawag agad ng grab si Prima at biti na lang ay mabilis na nakarating ito at nakauwi sila agad sa bahay nila Prima. Buti na lang at tulog na ang mama nito at pumunta silang apat sa kwarto ni Prima.
"Tangina ka ambigat mo!" pagrereklamo ni Prima ng ipahiga nila ang walang malay na si Ares sa kama niya.
Tadtad ito ng pasa sa braso niya pati na din sa mukha. Sa isip isip ni Prima ay sayang naman ang mala adonis na mukha ni Ares at nagalusan na.
gaga ka gamutin mo na yan!
Umuwi na ang dalawa sapagkat hinahanap na daw sila ng mga mama nila kaya hinayaan na lang ni Prima maka alis ang dalawa at ginamot na ang sugat ni Ares.
"A-aray... dahan dahan lang..." pamimilipit ni Ares sa sakkt sa bawat dampi ni Prima ng bulak na may alchohol sa sugat niya sa labi.
dinahan dahan na lamang ni Prima ang pagdampi ng bulak sa balat niya at napabuntong hininga. Ngayon lamang siya ulit nakapag gamot ng tao'ng nabugbog simula ng mawala ang kuya niya.
Nang malinisan na ni Prima ang mga sugat at pasa ni Ares ay pinalitan agad niya ito ng damit. Hindi na lang niya pinansin ang magandang katawan ni Ares kahit sa totoo niyan ay halos mapatili na siya habang hinuhubaran ng shirt si Ares.
Sinuotan agad niya ito ng shirt ng kuya niya at pinahiga na ito sa kama niya. Wala pa din malay si Ares at bigat na bigat na si Prima sa pag aasikaso kay Ares.
Nalagdesisyunan na lamang ni Prima na matulog sa sahig. Okay na daw na matulog sa sahig kesa pa balikan niya ang kama ng kuya niya. Mamimiss lang daw niya kasi ang kuya niya kaya wag na lang.
Nilatag na niya ang comforter sa sahig at nilagay ang unan para makahiga na siya. Ipinikit na niya ang mata niya kahit na hindi siya kumportable sa pusisyon niya.
"Prima." kinagulat naman ni Prima ng marinig niya ang boses ni Ares.
"oh?"
"Thank you." sabi ni Ares sa kanya. Palihim na napangiti si Prima pero binura agad niya ito dahil baka kung ano pa maisip ni Ares sa reaksyon niya.
"Sino ba nambugbog sayo? leader ba 'yun ng frat niyo?" tanong ni Prima na ikinatawa naman ni Ares.
"Frat amputa. Patawa ka? Hahaha!"
"ano nga?"
"tatay ko 'yun."
na-shookt nanaman ang ating bida sa nalaman niya. Halos araw araw kasi nakikilala na niya 'yung mga relatives ni Ares kulang na lang buong pamikya makilala niya.
Itatanong niya sana kung bakit binugbog si Ares ng tatay niya pero hinayaan na lamang niya dahil baka personal na priblema na 'yun kaya muli na lang niya ipinikit ang kanya'ng mata.
"Nakita kasi niya ko'ng naninigarilyo eh." biglang sambit ni Ares. Napangiwi na lang si Prima sapagkat hindi naman niya itinanong pero baka naman nababasa ni Ares kung ano iniisip niya.
"Edi wag ka na manigarilyo. Sino ba kasi'ng nagsabing manigarilyo ka?" tanong ni Prima sa kanya.
"Anxiety."
napabuntong hininga na lamang si Prima. Wala siya'ng masabi dahil parehas lang pala sila ni Ares ng rason kung bakit sila napunta sa mga bisyo nila at iyon ay ang Anxiety.
"Umuwi ka bukas. Normal lang naman na mapagalitan tayo ng magulang natin. Nabigla lang yang erpat mo sa paninigarilyo mo." payo ni Prima sa kanya.
Napahanga si Ares sa mga iniwang salita ni Prima. Naisip niya na mukha'ng bata'ng sanggano si Prima pero kung makapagsalita ito ay mukhang mas matured pa sa kanya. Napangiti na lamang siya.
"Sige po inay." pangangasar ni Ares. Hindi na nakatanggap pa ng reply ito galing kay Prima dahil nakatulog na pala ito.
Hay nako Jello, antanga mo.
BINABASA MO ANG
Empilights
Roman pour AdolescentsAng istorya ni Prima at ng bestfriend niya'ng si Emperador Lights.