v. evryone is shookt

17 1 0
                                    


Pasulyap sulyap sa orasan si Prima habang nakikinig sa prof niya. Hinihintay niya kasi ang uwian dahil atat na atat na siya makita ang bestfriend niya.

Friday ngayon at kinabukasan walang pasok. Meaning, pwede magpuyat...at alam niyo naman ang bisyo ng ating bida.

Pagka bell na pagkabell ay lumabas agad siya ng room at tinawagan ang boss niya na may ipinapalit siya na magbabantay sa walmart dahil hindi siya pwedeng mag duty ngayon dahil may emergency pero sa totoo lang niyan ay mag wawalwal lang si Prima.

"Oy may utang ka pa sakin ah!" may kumalabit sa kanya at nakita niya si Ares na pilyong nakangisi sa kanya.

Hindi naman kasi ibinigay ni Prima ang premyo ni Ares na Empi dahil una sa lahat nagjojoke lang talaga siya at gusto lang niya makatikim nung malbo--- ayy ayaw na pala niya maalala 'yung nangyare.

"Seryoso ka? Kasi ako hindi eh" sagot sa kanya ni Prima pero tinawanan lamang siya nito at hinawakan ulit ang pisngi nito na para bang mauulit ang ginawa sa kanya nung gabing iyon.

"Oh oh gago subukan mo!" pagbabanta sa kanya ni Prima pero tinawanan lamang siya nito at pinisil ang pisngi niya.

"Ang cute mo hehehe!" binitawan ni Ares ang pisngi nito at umalis na lang. Namumula naman si Prima dahil sa pagkurot niya. Nagtitimpi lang siya pero ang totoo gusto niya'ng habulin si Ares at batukan ito.

tangina ang sakit daw nung kurot ni Ares sa pisngi niya.

"Na-miss kita baby hihi!" sabi ni Prima sabay yakap sa hawak niya'ng emperador lights at hinalikan pa ito na akala mo'y sanggol ito.

"Para kang gago." sabi ni Gwen sa kanya at nilagay ang pitsel na may juice sa table. Inirapan lamang siya ni Prima at patuloy sa pagyakap sa bestfriend niya'ng empi.

"Iinom pa tayo gago!" sabi ni Mae sabay hablot sa bote ng alak at nilagay ito sa lamesa.

Kasalukuyan sila'ng nasa bar dahil may ipapakilala daw si Mae na mga kaybigan niya. Sasaglit lang naman ng inom si Prima dahil ayaw niya'ng mabuko siya ng nanay niya na magwawalwal nanaman siya  kaya isang bote lang ng empi ang iinumin nila ng kaybigan niya.

"Antagal naman ng mga ipapakilala mo!" reklamo ni Gwen kay Mae.

"Wag ka ngang excited gago! Isan- oh!ayan na pala sila eh" kumaway si Mae sa di kalayuan kaya napalingon si Prima at lubos naman ito'ng nashookt ng makita kung sino sila.

"shet..." bulong na lamang ni Prima ng makita sila Jello na kasama si Ares at may kasama ang isa pang kaybigan.

"tangina mo Mae bakit andyan si Jello?" tanong ni Gwen na kapwa na shookt din katulad ni Prima.

Nashookt din si Mae ng makita si Jello. "Lah pramis di ko alam na kasama si Jello!" nagpapanik na sabi ni Mae at sabay sila'g napatingin kay Prima na nakatulala na lamang.

Di siya nashookt kay Jello. Nashookt siya kay Ares.

"Oy Mae! Kamusta?" Tanong nung Kaybigan ni Mae na dumating at umupo sa harapan ng table. Ganun din sila Jello at Ares na parehas shookt at nakatingin kay Prima.

"Oh Prima, andito ka din pala?" tanong ni Jello kay Prima na hindi makasagot sa kanya.

siniko siya ni Gwen at umayos ng upo. "ahh oo, magkaybigan kami ni Gwen." sabi ni Prima kay Jello na agad na ikinatuwa ni Jello.

"Small world." sabi ni Jello.

"Nga pala Mae, si Jello at si Ares mga pinsan ko." pagpapakilala nung isang lalaki at mas lalo nashookt ng bonggang bongga si Prima.

Si Denise lang naman kasi ang alam niya'ng pinsan ni Jello dahil panay dikit si Denise kay Jello pero nashookt talaga siya na magpinsan si Ares at Jello.

"magpinsan kayo?" shookt na tanong ni Prima kay Ares at Jello. Napatango na lamang ang dalawa kasabay nun ang pag inom ni Prima ng alak na nasa shot glass.

Naisip ni Prima na kung bakit... bakit sa tagal ng panahon ay ngayon lamang niya nalaman na magpinsan pala si Ares at si Jello.

Hindi nagtagal ay nagsimula na din ang pag inom nila at ang maingay na si Prima ay natahimik sa unang pagkakataon ng dahil sa kanyang nalaman. Taka'ng taka naman ang dalawa niya'ng kaybigan sa ikinilos ni Prima.

"okay lang ba 'yung kaybigan niyo?" tanong nung Eric na pinsan ni Jello at Ares.

"oo naman ganyan talaga yan mahinhin pag may tama na!" sagot ni Gwen kay Eric.

Patuloy naman sa pakikipagplastikan si Gwen at Mae kay Jello na aliw na aliw sa dalawa na para ba'ng walang kagaguhang ginawa si Jello sa kaybigan nila.

Samantalang si Ares naman ay nakatingin lamang kay Prima. Silang dalawa lang ang tahimik sa grupo.

Sa kalagitnaan ng inuman ay bigla na lamang dumating si Lyn na siya'g ikina-shookt ng lahat kasi tangina sa lahat ba naman ng oras bakit dinala mo sa mundo nila si Lyn ha otor?!?!

"Hi babe!" maarte nitong bati at pumalagitna kay Ares at Jello para magkatabi sila ni Jello at labis na ikinainis ng tatlo ng tumapat pa ito kay Prima at may titig pa na kakaiba.

"Kasama mo pala 'yang desperadang 'yan?" pangangasar ni Lyn kay Prima na siya'ng ikinagulat ng samabyanang manginginom.

"Lyn, stop it." pananaway ni Jello kay Lyn pero pinagpatuloy pa rin ni Lyn ang pananaray sa nananahimik na Prima.

"Akala mo ba hindi ko alam kung ano sinabi mo kay Jello?" pangangasar ni Lyn kay Prima.

"Ano ba Lyn? wag ka mag eskandalo dito." suway ulit ni Jello kay Lyn.

"Oo talagang manahimik 'yang syota mo kasi pag di ko mapigilan mananapak ako ng butiki!" Bulway ni Gwen na agad namang inawat ni Mae.

Nanatiling tahimik si Prima ng bigla na lamang magsalita ang bruhang si Lyn na siya'ng ikinapintig ng tenga ni Prima.

"Eh sabihin niyo 'din dyan sa kaybigan niyo na wag ng mag inaso!" Sabi ni Lyn at tumama sa kanya ang shotglass na ibinato ni Gwen.

"Gago ka'ng lantod ka ah! Halika dito ng makatikim ka ng hinahanap mo!"

Ang tangi na lamang natandaan ni Prima ay ang paghila ni Gwen sa buhok ni Lyn para sabunutan ito at tanging silang dalawa na lamang ni Ares ang hindi gumagalaw sa mga pwesto nila.

Nakatingin lamang si Ares kay Prima at inaantay na gumalaw pero hindi.

Ang pagluha lamang ni Prima ang nakita niya na ikinabilis ng kilos niya para hilain ito at dalhin sa labas ng bar para lumipat ng kabilang bar at doon sila magwalwal ng dalawa.

EmpilightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon