ii. kagagahan iz real

31 2 0
                                    


"Putanginaaaaaa" sigaw ni Prima habang sinasabunutan ang sarili. Hindi alintana na may nakakakita sa kanya at tila ba pinag uusapan na siya at patuloy pa 'rin siya sa pananamunot sa kanyang sarili.

"Bakit ko ginawa 'yun?" tanong niya sa sarili niya.

Joke lang na babagsak siya sa exam. Muntikan lang naman siya bumagsak pero baka bumagsak na din siya dahil pagkatapos ng mga sinabi sa kanya ni Denise ay para siya'ng tanga na natulala na lang bigla at hinulaan na lang ang mga sagot niya sa exam.

eh kung hindi ka ba naman gaga.

'Yun pala yung sinasabi ni Gwen kanina gagu... Huhuhuhu! Ano nang gagawin ko? huhu kasi naman eh! Ano nanaman kasi'ng pinag uutos nila sakin kagabi at uto uto naman ako na sinunod yun... di na nga ko iinom ulit... isip isip ni Prima pero joke lamg daw 'yung hindi na siya iinom dahil nasa sistema na niya ang pag wawalwal at di na 'yun mawawala sa kanya.

"uy!" narinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Syempre, sa araw araw ba naman na kinasasabikan na marinig niya ang boses na iyon ay imposibleng malimutan pa niya kahit ang boses na iyon.

saglit niya'g inayos ang bangs niya at humarap dito ng nakangiti kahit nag aalangan pa. "oh Jello, why?" talagang inartehan niya yung 'why' kasi duh, si Jello na kaharap niya eh.

"imbitahan sana kita para sa Battle of Bands bukas ng gabi. Libre ko na ticket mo! magsama ka na 'din ng kaybigan mo." pag aaya niya kay Prima pero nakatitig lamang ito sa mukha ni Jello.

"uy, haha! nakikinig ka ba?" tanong sa kanya ni Jello. Natauhan naman agad si Prima at pabebeng tumawa.

"syempre naman hehe..." kilig na kilig na sabi ni Prima pero syempre hindi niya iyon pinapahalata dahil kahit papano may kaunting hiya naman siya sa katawan niya.

aalis na sana si Jello pero nag alangan siya at animo'y gulong gulo at di mapakali kung kakausapin niya ba si Prima tungkol sa nangyare kagabi o hindi.

"a-ahm, Prima ano..." tanong ni Jello sa kanya at bigla namang nanlaki ang mata ni Prima.

Mukhang ito na iyon... isip isip ni Prima at h nanaman.

"ano kase... y-yung kagabi... totoo ba 'yung sinabi mo sakin?" tanong ni Jello sa kanya. Napahinga ng malalim si Prima at tumango.

"Jello naman.. haha! lasing kasi ako kagabi kaya pasensya na talaga kung biglaan 'yung pag amin." saad ni Prima at manginig nginig pa. Sa buong tana ng buhay niya ay ngayon lamang niya ito naranasan na nagtatapat siya sa crush niya.

para siya'ng grade 6 na nagbibigay ng letter sa crush niya.

"Sa totoo lang Prima, ang saya ko nga 'nung umamin ka eh kaso,"

"kaso ano... kaybigan lang ang turing ko sa'yo."

ouch </3

para siya'ng sinaksak ng paulit ulit at para naman siya'ng pinatay ni Jello sa mga sinabi sa kanya. O'diba, rejected si gaga. Ayan! walwal pa.

"ayy haha! oo naman syempre! Crush lang naman eh!" Nakangiti si Prima ng sabihin niya iyon pero malapit ng tumulo ang luha niya. Pinipigilan niya lang kasi nakakahiya sa harapan ni Jello kung iiyakan niya ito.

sus! crush daw pero kung iyakan niya...

"a-ano Jello, una na ko hehe... may klase pa ko eh! bye!" mabilis na kinuha ni Prima ang bag niya at nagmadaling umalis sa harapan ni Jello.

tanga mo tanga mo tanga mo Prima!!!

Mukhang tanga si Prima habang naglalakad pauwi sa bahay nila. Pagewang gewang ito na ani mo'y naglalakad na zombie sa bagal ng lakad niya. May tumutulo pa'ng uhog sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sa sakit ng narraamdaman niya.

Haha! rejected si Tanga!

Hindi na siya pumasok sa second class niya at umuwi na lang. Iniisip niya na baka pag pumasok pa siya sa class niya ay mapapagalitan lang siya dahil sa kilos niya at hindi pakikinig sa prof kaya umuwi na lamang siya.

mag aaya sana siya ng inom kaso wala siya'ng pera. May pera siya pang alak para sa sarili niya pero wala siya'ng pera para ilibre ng alak ang mga tropa niyang walwalera din.

Pagkahiga na pagkahiga niya sa kama niya ay nilunod nito ang sarili sa paghahagulgol. Gusto na niya'g manapak ng paulit ulit sa kadahilanang rejected siya kay Jello.

Sa totoo niyan ay umasa talaga siya kay Jello noon pa man ng magkakilala sila sa practice room ng banda nila Jello. Lagi kasi siya'ng nakangiti kay Prima at ine-entertain ang pagalalandi sa kanya ni Prima pero hindi pala. Iba pala ang gusto ni Prima.

Naalala nanaman niya si Lyn. Yung ka-m.u ni Jello. Naisip niya na mas maganda naman siya dun. Mas sexy at mas matalino. duh? tamad lang si Prima pero matalino 'yan mukha lang talagang hindi.

Bet na bet pa naman kita kahit sobrang mahiyain mo sakin. tangina mo akala ko talaga may gusto ka sakin pinapaasa mo lang pal ako'ng gago ka! may pa 'uwi ka na beybe di na ko galit' na kalandian mga sinasabi mo'ng hayup ka tapos sa huli papaasahin mo lang pala ako! Huhuhuhuhuhu! Penge Empi!!! isip isip ni Prima.

Sa kakaiyak ni Prima ay hindi niya alam na naririnig na pala siya ng nanay niya.

at binilan siya ng empi ng nanay niya.

EmpilightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon