iii. katangahan at its finest

26 2 0
                                    


Joke lang na binilhan siya ng nanay niya ng empi para lang may maganda ako'ng ending sa nakaraan na chapter at ito talaga ang nangyare.

Pinadalhan na lamang si Prima ng bible text si Prima para mapagaan ang loob nito at hindi na pinansin ang paghihinagpis ng kanyang anak.

sa kabilang banda, walang tigil si Prima sa pagbirit ng Come on in out of the Rain at di alintana ang ingay na dala nito sa mga kapitbahay dahil para sa kanya ay wala na siya'ng pake dahil ito ang nadudulot ng pinaasa.

"You told mehh!! that you'll love me if i'd ever chaaaange~" pagkanta niya habang hawak hawak ang suklay nito at nakatayo pa siya sa higaan para kunware ay nasa concert talaga siya.

"Araneta stand up!" pagsabi niya pa at nagpunas ng luha niya. Naisip niya na kung sana ay minahal na lamang siya pabalik ni Jello oppa niya ay hindi siya magkakaganito.

kating kati ba talaga siya mag gabi dahil desidido na siya magwalwal ulit pero joke lang 'yun dahil papasok pa siya sa part time niya mamaya'ng gabi. Walwal is lyf but part time job is lyfer!!

pagsapit ng alasais ay nag ayos na siya para sa pagpasok niya sa part time job niya. Isa lang naman siya'ng all-arounder sa walmart. Iyon ang napili niya dahil wala masyadong tao at hindi siya masyadong maguguluhan sa mga mamimili.

"Welcome to Walmart sir!" bati niya sa costumer at binantayan ng tingin ang pamimili ng costumer habang ninanamnam ang lollipop sa bibig niya.

mag isa lamang siya at walang gwardya sa walmart. all arounder nga eh, naging proud na siya sa trabaho niya dahil wala na nga masyadong ginagawa, sumesweldo pa siya.

maya maya pa ay may dumating ulit na costumer at napa mura na lamang siya ng makita kung sino iyon... at hindi si Jello 'yun.

"Di mo ba ako iwe-welcome?" tanong sa kanya ni Ares na may nakakalokong ngiti. Umirap na lamang si Prima at hindi pinansin ang sinabi nito.

kumuha si Ares ng lollipop sa counter at nilagay ito sa harapan ni Prima. Nagtaka naman si Prima at napairap muli.

"Iyan lang ba bibilhin mo? sana bumili ka na lang sa tindhan sa tabi gago!" mataray na sabi ni Prima at natawa si Ares sa inasal ni Prima.

"Sinong nagsabing iyan lang bibilhin ko? Malboro Blue nga isang kaha!" sabi ni Ares sa kanya at na-shookt si Prima sa sinabi ni Ares.

"Naninigarilyo ka?" tanong ni Prima at napasampal naman si Prima sa sarili niya. Naisip niya na bakit pa niya tatanungin iyon, pake niya ba.

"Ibigay mo na lang dahil naiinip na ko." sabi ni Ares sa kanya kaya sinunod na lamang ni Prima ang sinabi ni Ares at binigay ang kaha ng sigarilyo dito.

pagtapos magbayad ni Ares ay agad itong lumabas at umupo sa may shed sa labas ng walmart. Tinitigan ni Prima ang bawat detalye ng galaw ni Ares mula sa pagkuha ng lighter sa coat nito hanggang sa pagsindi nito sa piraso ng sigarilyo na nakaipit sa labi nito.

lah, mukha siya'ng inosente para sa taong naninigarilyo ah..eh teka nga ano ba'ng pake ko sa abno na 'yan. sabi ni Prima sa isip niya at binaling na lang sa iba ang atensyon niya.

ilang oras lang ay nawala na si Ares sa labas ng walmart niya at nakita niya'ng may nagchat sa kanya.

Ares: joke lang, sa tatay ko talaga 'yung sigarilyo. nag-try lang ako kase na curious ako hehehe

napakamot na lamang si Prima sa kanyang ulo dahil nawirdohan nanaman siya kay Ares. Sa totoo lang ay nagulat siya ng makitang nagsigarilyo si Ares pero ano nga ba'ng bago eh abnormal naman si Ares.

Prima: Pake ko.

Tinago na lang ni Prima ang phone niya sa bulsa niya at nag keme keme sa computer. Bungad agad ang picture ni Lyn na agad nagpa badtrip sa kanya.

"lah gago, muntanga nanaman 'tong si butiki oh" inis na sabi ni Prima at in-angryhan ang picture nito. Malakas nanaman trip niya eh bahala siya.

Nag scroll scroll lamg siya sa peysbuk niya ng makita niya ang picture ng battle of bands kung saan nandoon ang logo ng banda ni Jello.

Naalala niya na kasama siya sa mga magdesign sa logo nila at ang ngiti ni Jello ng malaman na may contribution si Prima sa paggawa ng logo nila.

nagulat na lamang siya ng minessage siya ni Jello na siya'ng ikinatuwa ni Prima...joke lang, dapat ay 'di ikatuwa ni Prima.

Jello: uy punta ka bukas ng gabi.

napabuntong hininga naman si Prima at napaisip. Kagagahan nanaman niya ang umiiral kung pupunta siya. Nagmomove-on na nga siya sa pangyayare eh pagbibigyan niya pa di Jello pero naisip na 'rin niya na kusa ng nag aya si Jello...tatanggi pa ba siya?

pikit mata'ng nireplayan ni Prima si Jello at sinabing.

Prima: sure :)

EmpilightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon