"Empi," natatawa'ng banggit ni Prima habang hawak hawak ang shotglass na may lamang alak."alam mo ba ang saya ko?" sabi ni Prima na tila ba kausap niya ang shotglass na hawak niya. Natawa na lamang siya sa sarilo niya pero pinagpatuloy niya pa 'din ang kabaliwan niya.
"Si Jello, Hahaha! sabi niya chance daw edi binigyan ko ng chance!!" sabi niya ulit at nilagok ang laman nito'ng alak.
Mag isa lamang ngayong umiinom si Prima sa loob ng kwarto niya habang nagpapatugtog sa speaker niya ng mga kanta ng parokya ni edgar sa spotify. Buti na lamang daw at natago niya ang Empilights na dala nila Gwen at Mae noong pumunta sila sa bahay nito at kung kelan nangyare ang...
"pft-Hahaha! tinanong pa nga ako ni Jello kung tunay ba yung kiss." latawa tawang sambit nuto habang naglalagay ng alak sa shotglass.
"Gago, 'di kasi ako ready 'nun kaya mukhang hindi tunay...pero sana kung nakita niya 'yung ano-Hihihi!" humagikgik sa tawa si Prima at nilagok ulit ang alak na nasa shotglass.
Kung ano ano na ang pumapasok sa utak niya. Kung hindi si Jello ay si Ares naman. Gulong gulo na siya at hindi na alam ang gagawin niya. Sobra na siya'ng binabagabag nung dalawang lalaki na mas pinili na lamang niya magpakalasing.
"Si Ares kaya, alam na niya? hahaha oo nga oala magpinsan sila malamang alam na niya 'yun." pagtawa na may halong lungkot na sabi ni Prima.
biglang nagring ang cellphone niya. Narinig agad niya ang boses ni Jello at ni-loud speaker pa ito. "Hello!!!" natatawang sambit ni Prima.
"Umiinom ka ba?" tanong ni Jello ng marinig nito ang timbre ng boses ni Prima na mukhang hindi normal.
"Ng tubig Hahahahha!" patawa ka Prima?
Napabuntong hininga naman si Jello, "ikaw talaga haha... sige sunduin kita bukas!" sabi nito at mabilisan naman in-end ni Prima ang tawag nito at tinapon ang cellphone sa likuran niya.
Napakamot na lamang si Prima sa ulo niya at naglagay ulit ng alak sa shotglass niya ng bigla niya maisip si Ares.
Si Ares? Gusto mo ba talaga'ng ipa alala ko kung ano meron kayo Prima?
"Haha! Sige ako na mag eexplain putangina." nilagok ni Prima ang alak at muling binagsak ito sa sahig.
"Tinatanong ko din naman sa sarili ko eh? ano bang meron kami ni Ares? hahaha! Naghahalikan kami eh so ano naman?" napapunas si Prima ng luha niya. Tanga, aminin mo na kasi na talagang may feelings ka na.
Feeling mo kasi landian lang pero may feelings ka naman talaga eh.
kaya nga nag alangan ka kay Jello dahil sa kanya diba? Nung time na umaamin sayo si Jello aminin mo na nag aalala ka dahil feeling mo mali, feeling mo mali na bigyan pa ng chance si Jello kasi nga may feelings ka kay Ares na akala mo pag me-may ari ka na niya kaso...
wala nga kayong lebel
Buong tapang na nilagok ni Prima ang bote hanggang sa makarami ito. Humagulgol siya ng malakas dahil hindi na niya kaya mag overthink. Hindi niya matanggap kung ano mga nangyayare sa kanya.
ipit na ipit na siya.
tama na please
"Mukhang masaya ka ata." sabi ni Ares kay jello habang naglalakad sila papunta sa beer place para kitain ang iba pa nila'ng pinsan.
Halatang halata sa mukha ni Jello kung gaano ito kasaya ngayon. Wala na kasi siya masyadong iniisip. Kampante na siya dahil nakapag usap na sila ni Prima.
"Pre,"
"hmm,"
"Si Prima kase, nag usap kami kanina." napatigil naman si Ares sa oaglalakad kaya pati si Jello napatigil din.
"Binigyan niya ko ng chance-"
"Congrats pre! hahaha!" agad na sabi ni Ares kay Jello at hinampas ang balikat nito pero sa totoo niyan gusto na niya'ng sapakin si Jello sa oras na ito.
Nanginiti naman ng alanganin si Jello, "Pero diba..."
"Wala yun pre hahaha wag mo isipin 'yun." deretshang sambit na ngiti sa mukha ni Ares.
"Pano ba 'yan pre mukhang mapapadami ka ata ng inom! Masaya ka eh!" masaya kang makapanakit ng damdamin ng iba. isip isip ni Ares.
"Oo nga eh." pag sang ayon naman ni Jello at natawa na lamang.
nagkunwari si Area na may nagtext sa kanya at tumingin kay Jello, "Kaso pre, ano tawag na ko ni Papa." pagdadahilan nito pero sa totoo lang ay nababadtrip na ito at kung di siya magpipigil ay masasapak niya si Jello.
"Ayy sayang naman!"
"Next time pre! Libre ko na!" Nakangiting pilit na sabi ni Ares habang papalayo ito. "Bye!" sabi niya at tuluyang ng tumalikod.
At doon na nag iba ang kanyang itsura. Seryoso at halatang inis na inis na siya.
BINABASA MO ANG
Empilights
Teen FictionAng istorya ni Prima at ng bestfriend niya'ng si Emperador Lights.