Pak na pak kung ituring ni Prima ang sarili niya dahil pinaghandaan niya talaga ang itsura niya ngayon mula ulo hanggang paa at mula loob hanggang labas. Naisip niya na magpaka ivy aguas ngayon dahil trip niya lang, para mukha siya'ng naghihiganti ganun.Nag Black and white siya ngayon at may suot pa'ng leather jacket na akala mo ay kasama siya sa battle of the bands ngunit hindi dahil pupuntahan lamang niya si Jello para suportahan ito... sa huling pagkakataon.
Nagpabango na siya at sinuot agad ng maliit niya'ng bag at umali na agad sa bahay nito. Nagpaalam naman siya sa nanay niya at pinayagan naman siya nito. Alam niya kasi'ng nastress anak niya kaya pinagbigyan niya.
Rinig na rinig ang nakakabinging patugtog at hiyawan ng mga tao hudyat na nagsisimula na ang event sa loob ng school nila.
Ngumisi si Prima at sinalubong ang ingay sa loob ng eskwelahan niya. Hindi naman siya wild katulad ng iba. nakatayo lamang siya doon at nakatingin sa stage. Inaabangan si Jello na magperform.
"Oh Prima! Buti naman dumating ka!" bati sa kanya ni Allen, ka band mate ni Jello.
"Syempre!" nakangiting saad ni Prima sa kanya at narinig naman niya ang pagkuha ng mikropono ng host sa kasalukuyang kumakanta sa entablado.
"magpeperform na ata kami. Una na ko Prima!" sabi ni Allen sa kanya at nginitian ito ni Prima.
Magpeperform na nga ang banda nila Jello ata para namang timang si Prima na napangiti ng makitang papa- akyat ng stage si Jello.
Nasiyahan si Prima ng mapagtanto niya'ng magkaparehas sila ni Jello na nakasuot ng Leather Jacket at nakataas ang buhok nito. Ang hot niya talaga...isip isip ni Prima.
Pinatugtog ni Jello ang string ng gitara niya at ngumiti si crowd. Agad naghiyawan ang tao pati na 'rin si Prima ng kumanta na si Jello. Halos mabaliw siya dahil sa ganda ng boses nito. Ngayon lamang niya ito narinig sapagkat ngayon lamang sila nakakanta muli sa entablado ng eskwelahan nila kaya tuwang tuwa si Prima.
Matapos magperform ng banda nila Jello ay umagaw eksena si Lyn at umakyat sa stage para ibigay ang towel at nagulat ang mga tao sa sumunod na gawin nito.
hinila lang naman ni Lyn ang mukha ni Jello para halikan nito.
aray.
naghiyawan ang mga tao sa kilig at iba naman sa inis pero nanatiling natahimik si Prima. Nakaramdam siya ng galit. Naiinis siya dahil naghahalikan sila sa harapan niya. Feeling niya tuloy nanadya 'yung Lyn.
Napabuntong hininga na lamang si Prima at tinalikuram ang mga pangayayare. Nagagaguhan siya dahil matapos ng hindi niya pagsipot sa trabaho niya ngayon sa walmart ay andito siya, sinasaksihan 'yung kagaguhan ni Jello.
Napaupo siya sa tabi at muli nanamang napairap. Walang tao sa kinaroroonan niya kahit pa naririnig niya ang ingay sa event quad ng eskwelahan nila.
Hindi naman siya nakakaramdam ng galit, dissapointment lang. Okay naman na siya sa mga nangyare sa kanilang dalawa ni Jello pero ang makita na ginawa iyon ni Lyn sa harapan niya ang hindi. Tangina kasi bakit pa kasi kelangan ng halikan nasaktan tuloy si Prima.
Naisip na lamang ni Prima na siguro ito na 'yung sign na dapat mag move on na siya. Na kahit ano'ng effort ang gawin niya ay hindi iyon masusuklian ni Jello. Nagsayang lamang siya ng oras.
Nakaramdam siya na may papalapit sakanya at umupo sa tabi nito. Naka amoy 'din siya ng sigarilyo at napatingin sa tabi niya at napagtantong si Ares ito na nakatingin 'din sa kawalan.
"Nakita nanaman kita." sabi ni Prima kay Ares. Napangiti ng pilyo si Ares at humithit sa sigarilyo niya.
"Edi good. Nakakita ka ng pogi." pilyong sabi nito habang ibinubuga ang usok mula sa bibig niya.
Hindi maiwasang maasiwas si Prima sa ginagawa ni Ares. "Kakatikim mo lang niyang kahapon ah!" sabi ni Prima.
"Oo nga, ang saya pala." sabi bi Ares sa kanya kasabay ang pilyong ngiti nito.
Umiling iling na lamang si Prima at sinandal ang ulo sa pader. Nabwisit na nga siya kanina nabwisit pa siya ngayon.
pero ayaw niya pa umuwi. Kaya hahayaan na lang niya si Ares na guluhan siya baka sakaling may magandang masabi si Ares na magpapaganda ng loob nito.
"Ano ba lasa niyan?" wala sa katinuan na tanong ni Prima.
"Gusto mo tikman? wag na di bagay sayo naninigarilyo." sabi ni Ares sa kanya pero inirapan lang siya ni Prima.
"Nevermind." sabi ni Prima. Gusto lamang sana ni Prima na tumikim ng Sigarilyo. nasabi din kasi sa kanya ni Mae na nagpapatanggal ng stress ang sigarilyo at syempre na curious siya.
"Pahits na lang isa tas libre ko na empi mo.."
the fuck Prima?
Hindi na din alam ni Prima ang sasabihin niya. Siguro nasa sistema na din niya na isama sa bawat sentence at alok niya ang alak. Syempre, Bestfriend niya niya 'yun eh.
napatameme na lamang sila parehas sa sinabi ni Prima. Napapikit ng mabilis si Ares ng sabihin iyon ni Prima sa kanya.
"sure ka?" tanong ni Ares at humithit ng sigarilyo.
"a-ahh nevermind pero ano ba kas-"
Natigil sa pagsasalita si Prima ng higitin ni Ares ang magkabilang pisngi nito at ilapat ang labi niya sa labi Prima. Nakaramdam si Prima ng init na pumapasok sa bibig niya hanggang sa lalamunan niya.
Agad na bumitaw si Ares ng maramdaman niya ang paghahampas ni Prima sa balikat niya. Parehas silang agaw hininga lalo na si Prima na buga ng buga ng ubo niya na parang natagalan siya'ng hindi makahinga.
"Gago ka ba? sabi ko hits lang bakit mo naman ako hinalikan?" sabi ni Prima habang ubo pa din ng ubo.
natahimik si Ares at tinignan ang kasama na ubo pa din ng ubo. "Hindi halik 'yun, pinasa ko lang 'yung hits ko sayo kaya para ka na rin nanigarilyo. gets mo?" paliwanag ni Ares at hinagod ang likuran Prima.
"Gago ka papatayin mo ko."
"Kaya nga wag mo ng i-try manigarilyo pa." sabi ni Ares at pinaypo si Prima para makahinga ng maayos.
"so, asan na empi ko?" pilying tanong ni Ares habang nakatingin kay Prima na nakatingin sa kanya.
halikan mo muna ulit ako.
BINABASA MO ANG
Empilights
Roman pour AdolescentsAng istorya ni Prima at ng bestfriend niya'ng si Emperador Lights.