Guevarra Academy

141 1 0
                                    

Margot's POV

"GISING NAAAAAAAAA!! TUMAYO KA NA DIYAN AT LATE KA NA, ANUNG ORAS NA OH"

Haaaaaays ang sarap sarap pa naman ng tulog ko tapos gigisingin ako ni mama, sabagay papasok nga pala ako sa aking bagong paaralan tapos malalate pa ata ako! Makaligo na nga lang at makapagbihis.

Habang nagbibihis ako napatingin ako sa bago kong uniform.

"Ganda naman ng uniform namin, siguro napakayaman ng school na papasukan ko ngayun, sana madaming gwapings doon hihihihihi" Sabi ko sa sarili ko sa salamin.

Wag nyo akong tawaging baliw ah! Medyo nakaugalian ko lang kase yun at lalo na dahil kinakabahan ako sa papasukan kong paaralan, Hays, Go Margot kaya mo yan!!




Pababa na sana ako ng hagdan at para kumain na din ng almusal nang bigla na lang umepal ang aking magaling na kapatid.

"KOREANOVELA PA KASE HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"Eh anu bang pake mo kuya? K drama is life eh! ikaw nga diyan inom ka ng inom hahahaha" Kala mo ah, inom inom pa, di kase maka move on hahahaha.




"At least ako hindi natutulog ng madaling araw eh ikaw? litaw na litaw na yang eyebags mo oh! kala mo may black eye ka na" Pambabara sa akin ni kuya.

Abay siraulo tong kuya ko ah! sasagutin ko na sana kaso nagulat ako sa malupit na boses ni mommy.


"Hoy kayong dalawa, hindi ba kayo tatahimik diyan? Kevin! kumain ka na nga lang dito at may pasok ka pa mamaya, ikaw naman Margot sa school ka na lang kumain kase late na late ka na anung oras na tingnan mo kaya orasan natin"


Gawa nga ng sinabi ni mama, napasulyap tuloy ako sa orasan.





O____________________O











WHAAAAAAAAAAAAT! 7:20 na?! eh 7:30 magsasara na yung gate namin!! Shoooocks! paano to huhu kinuha ko na lang ang aking baon at allowance na nakalagay sa may tv namin at dali daling dumiretso papuntang school, late na late na talaga ako mygad!! 10 minutes na lang ang natitira go Margot! walking distance lang naman ang bahay namin papunta sa school pero sa ginagawa ko ngayun hindi na walking to, RUNNING NA TO BES! RUNNING!! Nang makarating ako sa aking bagong paaralan ay nakahinga naman ako maluwag kase naka abot naman ako, pero may isang lalaki na hindi naabutan at nasaraduhan na ng gate. Pero kinilabutan ako sa nakita ko, kase nakatingin siya sakin ng sobrang talim! yung akala mo may ginawa kang napakalaking kasalanan sa kanya! Ganun yun bes! huhu sino kaya yun? baka adik yun? nakuu!




Tumakbo na lang ako ng palayo sa gate baka kase anu balakin nun eh, so nandito ako ngayun sa court, haaaays ang boring lalo na pag wala ka pang friends o kausap man lang dito, oo nga pala nakalimutan kong magpakilala,




Ako si MARGOT FORTALEJO, wala akong nickname eh kaya ganda na lang itawag nyo sa akin, CHAROT! HAHAHAHAHAHA so ayun hmmmm 16 na ako at eto maganda pa din hihi, meron akong isang kapatid, si kuya KEVIN FORTALEJO, pangit yan haha de joke lang gwapo yan syempre nasa lahi na namin yan no! Isa akong Kdrama addict at isa din akong Kpop fan! Lahat na nang nasa korea pag aaralan ko na haha! Nagtransfer ako dito sa Guevarra academy dahil lumipat na kami ng bahay kaya dito kami napadpad speaking of Guevarra academy....







Yung section ko nga pala
hahanapin ko muna tong section ko kaya gogora ako sa bulletin board.




Kinalabit ko yung isang lalaki sa harap ko actually nakatalikod siya kaya pagkaharap niya, Nakanaks! Naka Iphone! takte taob ako dun ah naka samsung lang po ako tsaka cute siya ah hihi so ayun na nga tinanong ko yung lalaki.

The Nerd's Secret Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon