Margot's POV.
"Levi Villarico?"
"Oo, siya nga, pinsan nila Isaac at Felix. Nakakagulat nga na pinansin ka nun eh, samantalang hindi daw namamansin yun."
Ah magpipinsan pala sila, Eh anong pake ko?
"Hayaan na nga lang natin yun, tara na at makapag shopping na tayo." aya ko sa kanya, iniba ko lang yung topic kase wala naman talaga akong pake dun sa mga yun.
Pumunta kami sa isang mall para makapag shopping, tiningnan ko orasan and 4:39 pa lang, so hindi ako magrurush at makakapagpili pa ako ng maayos.
Naglibot libot kami ni Abby, may style din pala siya sa fashion kaya medyo maganda at bagay sa kanya yung mga pinamili niya, doon naman ako bumili sa mga korean merchandise. Pili lang ako ng pili ng may nabangga akong isang nakahood.
"Ay sorry" sabi niya sa akin, bat parang medyo malalim lalim boses niya?
Di ko na lang pinansin yung nakahood at pumili pa ako ng merchandise ng mga bias ko.
Niyaya ko na lang si Abby na kumain since gutom na gutom talaga kaming dalawa sa pagpili ng mga damit, actually pumili lang muna kami, pinareserve lang namin sa mga nagbabantay nung store yung napili namin kase babalikan namin yun mamaya.
Habang kumakain kami, nagulat na lang ako dahil nandun din kumakain yung naka hood.
"Abby? Nakikita mo ba yun?"
"Asan?"
"Ayun oh, yung nasa dulo."
Sabay turo ko sa lalaking naka hood."Yung naka hood?"
"Oo, siya din yung nakabangga ko kanina eh."
"Ah baka dito naman talaga siya kakain? hays hayaan mo na lang"
Hindi eh, iba yung kutob ko dito sa lalaking to.
Pagtapos namin kumain ay dumiretso na kami sa pinagpilian namin ng damit.
Binili na namin yung mga damit at merchandise at umuwi na din kami.
Nag taxi kami, at sa hindi ko inaasahan ay nakaharap sakin yung nakahood.
"Hoy! Sino tinitingnan mo diyan?"
Nakakagulat naman tong si abby."Ah wala" sabay balik ng tingin sa naka hood kaso bigla na lang yun nawala.
Pagbaba namin ni Abby sa may taxi ay nagpasalamat ako sa kanya.
"Salamat Bestfriend, nag enjoy talaga ako ng todo haha bye bye! Ingat ka!"
Pagbalik ni Abby sa taxi ay binuksan niya yung bintana.
"Maraming salamat din bestfriend.
Nag enjoy din ako ng todo sige na at isusukat ko pa to sa bahay haha byeee."Pagbalik ko sa bahay ay nakita ko si mama na naghahanda na ng kakainin namin.
"Oh Margot, bakit ngayun ka lang? Tsaka nag shopping ka nanaman ba?"
"Opo haha tsaka may kasama naman po ako eh, sige po dun muna ako sa kwarto ko."
Pagpunta ko sa kwarto ko ay dumiretso na ako sa kama at humiga.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Secret Identity
Mystery / ThrillerSa isang malaking paaralan ng Guevarra ay may isang lalaking hindi masyado kilala, may isang babaeng bagong lipat lamang at makikilala siya ngunit malalaman niya na may ibang tinatag ang lalaking ito na ikagugulat niya, malalaman niya ba kaagad yun...