Margot's POV.
Umaga na naman, panibagong araw para sa aming mag aaral.
Actually nakaka tamad pumasok.
Pero kailangan kong tingnan kung maayos ang lagay ni Abby mamaya kase baka gantihan siya nung Perrie na yun.
Pumunta na ako sa kusina at kumain ng paborito kong Almusal.
Fried rice, Anu pa ba aasahan nyo diba?
Kinain ko lang ng kinain yung mga nilagay ni Nanay Sely sa plato ko.
Pumunta na ako kay Mama para kunin ang ibibigay niyang baon.
Pagkatapos kong kunin yung allowance ko ay nagpaalam na ako kay Mama.
"Sige po, Alis na po ako, bye po!" Pagpapaalam ko sa kanya.
Hindi na ako nagpasundo kay kuya kase baka kakailanganin niya yung kotse namin.
Binilisan ko na lang paglalakad ko ng makasalubong ko si Levi.
"Oh, Margot parang nagmamadali ka ata? Ok ka lang ba?" tanong nito sakin.
"Ah oo naman, may gagawin pa kase ako sa school kaya binibilisan ko lakad ko"
"Ah sige, mukhang importante yan eh, sige ingat ka!"
Naglakad na ako palayo kay Levi, Sorry Levi pero kailangan kong puntahan si Abby ngayun eh.
Di kase maganda ang kutob ko ngayun.
Nang makarating na ako sa Gate ay nagmamadali akong pumunta sa Room para i check kung ayos lang ba si Abby.
Nang makarating ako sa Room ay Nalumo agad ako sa aking nakita.
Madaming pasa at galos sa katawan si Abby.
"Best friend! Anung nangyari sayo? Sino may gawa niyan?"
"Ah wala to Haha, ayos lang naman ako, wag mo akong intindihin"
"Wag mo nga akong pinagloloko, yung Perrie ba yung may gawa sayo niyan? Anung ginawa niya sayo?"
Namumuro na sakin yang Perrie na yan ah.
Tumayo ako at pupuntahan sana si Perrie kaso pinigilan ako ni Abby.
"Wag na best friend, Dapat hindi mo na ako pinagtatanggol, hayaan mo na lang ako" pagpigil sakin ni Abby.
"Hindi, Best friend kita kaya ipagtatanggol kita! Anu ba kase ginawa niya sayo?"
"Wala, Nag basagan lang kami ng mukha. Mukhang ganito din ang mukha niya o mas malala pa dun" Pagbibiro ni Abby.
"Nakuha mo pang mag biro ah, Tara na nga at punta muna tayong clinic" pag aya ko sa kanya.
Habang papunta kami ng clinic ay may nakikita kaming nag susuntukan sa may corridor.
"Best friend may nagsusuntukan oh! Tara awatin natin!"
"Hayaan mo sila best friend, ganito dito sa Guevarra, walang pakialamanan"
BINABASA MO ANG
The Nerd's Secret Identity
Mystery / ThrillerSa isang malaking paaralan ng Guevarra ay may isang lalaking hindi masyado kilala, may isang babaeng bagong lipat lamang at makikilala siya ngunit malalaman niya na may ibang tinatag ang lalaking ito na ikagugulat niya, malalaman niya ba kaagad yun...