Chapter: XXV

23 0 0
                                    

Felix POV.

Sobrang busy na talaga ngayon, kahit na malapit na yung christmas.

Malapit na mag christmas pero hindi pa din nakukuha yung Hustisya kila Steph at kay Ruby.

Wag kayong mag alala ako bahala sa inyo, may natanggap din ako galing kay Margot, sinabi na kasi niya sakin yung about dun sa sulat tsaka sa mga text sa kanya. kaya kailangan ko siyang bantayan kasi baka siya na yung isususunod, ayoko naman na may sumunod pa na biktima.

Kaso nga lang hindi ko maayos yung problem dito sa computer tsaka sa cctv, Ngayon ko lang nalaman na may problema  hindi ko maayos eh hindi naman ako marunong. hindi rin naman marunong si Xiantal.

Titingnan ko lang muna tong sulat.

Wait?

Naramdaman kong humangin ng malakas at nagsitayuan yung mga balahibo ko.

Tinawagan ko si James yung isa asa mga pinakamagaling na computer technician dito sa Guevarra, siya din ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko.

Putangina mulang alam ko na kung sino yung nasa likod neto.

Habang wala si James ay Inaayos ay tinitingnan ko muna ng mabuti yung mga papel about dun sa Guevarra hanngang sa may nakita akong usb.....

0________0

Bigka kong naalala na may nilagay nga pala akong Hidden camera na nasa may vase.

Ganun kasi ginagawa ko baka kasi may mga member ng SGS na gumagawa ng kalokohan kaya bumili ako ng Hidden camera.

Kinuha ha ko yun at sakto naman na biglang dumating si James.

"Tol bakit?"

"James tulungan mo ako! pa ayos ng computer dito ngayon ko lang nalaman na sira pala"

"Sige tol ako bahala"

"Tsaka I-connect mo din to sa may computer" habang hawak ko yung Hidden camera.

"Sige tol wait lang"

Habang inaayos niya yun ay nanginginig ang kamay ko, mukhang malapit ko nang malaman kung sino yung nasa likod neto.

Narinig ko naman na bigla na lang umulan ng malakas.

"Tol, baka hanapin ako ni Ma'am dun. mayayari ako neto"

"Pucha! wag kang mag alala tangina akong bahala sa Teacher mo! presidente ako, gawin mo na lang yung gusto ko"

"O-Okay"

Biglang dumilim yung langit kasabay ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pintuan at dumating yung taong taong pinaghihinalaan namin ni Margot.

"Felix pwede ba tayo mag usap?"

"Napalunok ako kasabay ng biglang pag ayos ng computer"

"Sige tol alis na ako"

Naiwan kaming dalawa habang umuulan ng malakas at kasabay ang malakas na kulog.

"T-Tungkol saan?"

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °
Margot's POV.

Sobrang lakas naman ng ulan ngayon, may bagyo ba?

"Abby? may bagyo ba?"

"Di ko alam eh, Hoy kumag may bagyo ba? sabay hampas kay Justine"

"Abay malay ko, di ko alam no! Ako ba si Zeus?"

"Pilosopo ka talaga kahit kelan no!" at pinaghahampas niya ito ng notebook.

Hays sanay na ako sa dalawang yan! ang iingay mas malalakas pa bunganga nila kesa sa buhok ng ulan eh.

Nga pala wala kaming teacher ngayon kaya may kanya kanya kaming ginagawa, wala din naman kaming requirements sa kahit kaninong teacher kasi natapos na kaagad namin haha ganyan kami kalupet!

Yung iba nagmamake up, yung iba naman nagseselfie, yung iba naman nagdradrawing at yung iba naman nagdadaldalan.

Si Homer? ayun tulog, ewan, ko ba diyan sa gunggong na yan, pero kahit saang anggulo ko tingnan hindi ko maitatanggi na gwapo pa din siya.

"Baka naman matunaw siya"

"Ay Kalabaw!"

"Anong kalabaw? ako kalabaw? sa ganda kong to?!"

"Mukha ka naman talagang kalabaw eh!" Biglang singit ni Justine.

"Aba sumasabat ka pa ah!" at pinaghahampas niya ulit si Justine.

Wait lang...

"Guys? nakita niyo ba si Eunice?"
pansin ko din kasi na kanina pa siya wala dito eh.

Di namin alam, tanungin mo si Emelrod.

"Emelrod? nakita mo ba si Eunice?"

"Hindi eh kani kanina umalis siya eh mukhang nagmamadali"

Saan nanaman ba nagpunta yung babaeng yun.

Puntahan ko nga kaso ang lakas ng ulan eh.

Mukhang hindi maganda yung kutob ko.

"Abby peram ako payong mo!"

"Huh? aalis ka pa eh 10 mins na lang mag uuwian na"

"Basta peram ako"

Kinuha ko yung payong ni Abby at pupuntahan si Felix para maghanap kay Eunice.

Habang papunta ako sa Office ng SGS ay may narinig akong tinig sa may tabing room.

"Margot..... "

Tumingin ako sa nagsalita ngunit wala akong nakita kundi isang corridor lang na walang tao at madilim.

"Margot..... "

P-parang boses ni Eunice yun ah? pinasok ko yung corridor na yun baka sakaling nandun si Eunice pero wala akong nakita kundi kadiliman lang.

Babalik na sana ako ng biglang.

Pak!

Ugh! a-ano sakit ng batok ko p-parang hinampas ako ng kahoy.

H-Hindi ako makagalaw at lumalabas ang paningin ko.

Pero may naanigan akong isang tao na may hawak na kahoy at nakatingin pababa sa akin.

Hanggang sa dumilim na ang paningin ko.

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °   Someone's POV.

Sa wakas nahuli din kita, san kaya kita ilalagay? dun sa CR og kaya sa.....

Aha! alam ko na! napaka talino ko talaga! hihihi

Buti na lang malakas ang ulan at medyo maingay sa labas kaya walang nakakita at nakarinig nang pag hampas ko sa kanya.

Sana naman wala nang makikialam sa plano ko.

Paalam Margot.

The Nerd's Secret Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon