Isaac's POV.
Bwisit!!
Di ako papayag na mauunahan ako ng walanghiyang Homer na yun!
//Flashback
"Stun mo! Stun mo! Sige palagan mo tutulungan kita!"
"Namatay na ako gago!"
"Back ka na lang!"
"Sige sige! Martin push mo na yan!"
"Oo na mababasag na yung base nila!"
"Ayun panalo din!"
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
"Tol bakit parang nagmamadali kang umuwi?"
"Kakausapin ko kasi yung kapatid ko eh"
"Oh bakit naman? Anung ginawa ni Margot?"
"Nakita ko kasi siya na may kasamang lalaki kanina, mukhang magka yakap nga eh, sasapakin ko na nga sana yung lalaki kanina, buti nakapagtimpi ako kaya umalis na ako kaagad"
"Aba banatan na natin pre! Namukaan mo ba? Anung itsura niya?"
"Naka salamin na malaki tas bagsak yung buhok ayun lang"
//End of Flashback
Walang hiyang Homer yun! Alam ko naman na siya lang yung umaaligid kay Margot na nakasalamin eh, tarantado yun ah! Hindi ako makakapagayag na makukuha niya sakin si Margot! Sakin lang siya!
Kailangan makagawa ako kaagad ng paraan para mapalapit kay Margot, hmmmmm.....
° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °
Margot's POV.Asan na ba kasi yung Homer na yun? Nakakaurat naman dito.
Sabi niya kasi bibili lang daw siya ng tubig para mamaya, Quiz bee na kasi namin ngayon kaya eto kinakabahan ako.
Tapos iniwan pa ako dito oh, sobrang laki ba netong Guevarra para mawala siya ng mahigit kalahating oras?
Maha-haggard pa ako neto eh!
"Huy Margot!"
"Levi kamusta ka na? Parang di tayo nagkita nung mga nakaraang araw ah"
"Dami kasi ginagawa eh tsaka alam mo na daming naghahabol sakin kaya ayun todo tago" sabay kindat sakin.
"Wheeeeeesh! Ang hangin naman! haha bakit ka nga pala napadaan dito?"
"Bakit masama ba? De joke lang pinuntahan talaga kita dito para I goodluck ka mamaya sa Quiz bee nyo"
"Salamat haha, medyo kinakabahan nga ako eh"
"Relax ka lang kasi haha, chill ka lang sige ka papangit ka niyan! Smile ka na! Ganda mo kaya!"
"Heh! Bolero!"
Anung bolero ka diyan? Eh totoo naman sinasabi ko eh, sige na nga iwan na kita dito basta pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako!
"Oo na haha! Salamat Levi!"
"No prob" atsaka umalis na siya.
"Hoy anung nginingiti ngiti mo diyan? Baliw ka ba?"
BINABASA MO ANG
The Nerd's Secret Identity
Mystère / ThrillerSa isang malaking paaralan ng Guevarra ay may isang lalaking hindi masyado kilala, may isang babaeng bagong lipat lamang at makikilala siya ngunit malalaman niya na may ibang tinatag ang lalaking ito na ikagugulat niya, malalaman niya ba kaagad yun...