Chapter: XVII

32 0 0
                                    

Felix's POV.





Bwisit naman! Nauulol na ako dito sa pesteng kaso na to, Hindi hindi pa matapos tapos.




"BULAGAAAAAAAAAAAAAA!!!"





P#$&#@&$!!! Sasapakin ko sana yung nang gulat sakin kaso bigla siyang nakailag kaya mukhang  kilala ko na kaagad kung sino tong siraulo na to.



"Walang hiya ka Levi!" sabay bato ko sa kanya nung isang notebook ko yung matigas para mataaman talaga tong isang to.




"Dude, Chill ka lang, ayan napapala mo kakainom mo ng kape, masyado ka na magugulatin HAHAHAHAHAHAHA"


"Eh bugok ka pala eh, alas dos na ng madaling araw tas etong lampshade lang yung may ilaw tapos magisa lang ako rito, sinong di magugulat nun? Tsaka kakainom ko lang ng kape, di pa nga ubos eh, buti na lang nakailag ka dun kundi baka bugbog sarado ka sakin hayup ka!!"



Pero imbes na matakot siya sa mga sinabi ko ay bigla siyang tumawa ng tumawa, pinsan ko ba talaga to?

"Di ako makapaniwala na yung pinsan ko na Presidente ng SGS at pangatlo sa kinakatakutan sa Guevarra ay magugulatin? HAHAHA HAHAHAHA"


"Bwisit" sabay bato ko sa kanya nung unan na nasa tabi ko.


"Ano ba kasi yang pinag gagawa mo diyan? Tara Xbox naman tayo? Niyayaya ko nga si Isaac kaso mukhang tulog na yun"


"Kaya ako naman yung napagdiskitahan mo? Siraulo ka din eh no?"



"Hehehehe dali na! Tinamaan ako ng Insomnia eh, pampalipas lang kung sakaling antukin ako edi dito na lang ako matutulog sa kwarto mo"



"Ano ka chiks? Dun ka matulog sa kwarto mo, tangina bakit ka nga pala nakapasok dito? Dun ka sa bahay mo!"


Ay oo nga pala! May kanya kanya kasi kaming bahay dito sa Village namin at magkakapitbahay kami pero meron kaming main house at yun yung nasa tapat ng mga bahay namin, ang cool no? haha.



"Ayoko dun, ang boring dun eh, kanina pa nga ako nakatambay sa labas sobrang tahimik talaga"



"Paano ka nga nakapasok dito?"


"Bukas pintuan ng main door mo"



Paano naging bukas yun? Eh dalawang beses kong nilock yun?



"Palaro ako ah" at binuksan na niya yung Xbox ko.


Hindi ko na lang siya pinansin kasi pag pinansin ko pa yan eh mas lalo lang akong kukulitin niyan, mas mabuti pang ayusin ko na lang yung kaso ko kay Steph at sa dalawang lalaki na namatay.



Hmmmmmmm. Mahirap hulaan kung sino yung nasa likod ng nga to, napakagaling niya magtago, pati cctv sa school namin ay hindi siya nakita o nahagilap man lang.


"Levi, alam mo ba yung nangyari sa 3 namatay na estudyante?" sinubukan kong tanungin ni Leviste dahil baka makatulong to sakin, pero pupusta pa din ako na walang matutulog tong ungas na to sakin.



"Oo, pero anong paki ko dun?"



Sabi na nga ba wala akong makikitang tulong dito sa ungas na to eh.


"Wag mo na lang muna kasi isipin yan, ang isipin mo ay yung sa darating na Quiz bee sa linggo na kaya yun"


Ay oo nga pala hays, tama nga naman si Levi dapat kong ayusin muna yung darating na Quiz bee dahil baka may mabiktima nanaman na estudyante, Mahirap na eh isa sa mga big event yun sa school namin.



The Nerd's Secret Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon