Chapter: X

43 0 0
                                    

Margot's POV.







WHAAAAAAAAAAAAAAAAT!?










Magiging partner ko yang kumag na yan? No way! Sa Korea sanay naman ako na walang partner eh dahil individual ang labanan dun pero bakit dito may partner pa at kung minamalas ka nga naman ay si Homer pa yung napili. Haybuhay






Napakamalas ko naman ata ngayun!! >__________<










Ma'am? Pwede po ba iba na lang po yung ibigay nyo sakin na partner? Dali na po please? Pagmamakaawa ko kay Ma'am Ramos.



"Hindi na pwede Margot dahil na ilista ko na kayong dalawa sa Registration kaya wala nang palitan or bawian ng partner"



Mukhang di umiimik itong katabi ko ah.



"Any suggestion? Mr Cruz?" tanong ni Ma'am Ramos.





"No Ma'am, okay na po ako na eto ang partner ko, siya din naman sisisihin kung sakaling matalo kami"






Wow, as in Wow! Kapal ng mukha talaga!!






"Ma'am kase, kaya ko naman po talaga kahit ako lang mag-isa bakit isasama pa yang Homer na yan?"





"Iha, matagal na naming pambato si Homer dito sa Guevarra kaya lang kita pinili dahil nakita ko ang Class records mo nung nasa grade 9 ka pa lang kaya ko kayo pinag partner ni Homer"



Oo nga pala pambati nga pala nila tong kumag na to.




Nakita ko naman na ngumiti sakin na parang nagyayabang si Homer kaya tinatayan ko na lang, edi siya na! siya na magaling!





"Sige na umalis na kayo, sabihin mo Homer sa mga kaklase mo na wag lalabas ng Room kase walang magtuturo sa kanila, nasa meeting lahat ng teachers"
utos ni Ma'am Ramos kay Homer.






"Sige po Ma'am, Makakaasa po kayo"



Kaya naman pala pambato eh kase nagpapasipsip kay Ma'am Ramos.





Umalis na kami ni Homer papunta sa Office ni Ma'am Ramos.



Habang papunta kami ni Homer sa Room ay may nakita ako sa Gilid ng kotse.






Yung lalaking naka maskara...






Nagpatay malisya na lang ako at pinagpatuloy ko na lang yung paglalakad ko.




Nang makarating na kami sa Room ay nakita ko si Abby na nakaupo sa upuan niya






Tinabihan ko siya at nagtanong.






"Abby? Ayos ka na ba? Anung nangyari sayo?"



"Okay na ako best friend, salamat sa pag aalala"



Nang sinabi ni Abby na okay na ay nakahinga ako ng maluwag.



Bigla namang pumunta si Homer sa harap at may sinabi sa mga kaklase namin.



"Guys may Meeting daw lahat ng teachers kaya hindi sila makakapagturo, do whatever you want!"




Wait lang? parang di naman yun yung narinig kong sinabi ni Ma'am Ramos ah!





Nakita ko naman na mag sigawan at tumakbo palabas ang mga kaklase namin na para bang sabik na sabik.



"Siraulong Homer talaga yun! Sabi ni Ma'am bawal silang palabasin tapos pinalabas niya naman"



The Nerd's Secret Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon