Chapter: XIX

29 1 0
                                    

Margot's POV.






"Kapagod naman tong araw na to! Biruin nyo na todo bigay tayo nun ah, magkakamuscle na ata ako neto!" -Abby


"Sus nagrereklamo ka diyan eh ikaw nga nagdala sa grupo natin eh, bakit? Kasi ang laki laki ng braso mo hahaha!" -Justine


"Ah ganon? Humanda ka sakin Leche ka!" at kinuha niya yung sapatos niya at ipupukpok kay Justine.



Hays ang kukulit naman netong dalawang to, parang mga bata.





Nauna nang umuwi samin si Abby kasi mas malapit lang naman bahay nila kaysa samin, kaya kami na lang ni Justine yung natirang naglalakad ngayon.





Sa tingin ko, sa tagal na naming kilala at kaibigan si Justine ay hindi man lang namin nakita o nasilip yung bahay neto. Hindi niya naman kasi kinekwento at sinasabi samin, malay mo mayaman pala to makakalibre pa kami nina Abby oha hahaha.




"Margot? Ayos ka lang ba?"



"Ah ayos lang ako, may iniisip lang ako kaya ako ganito"



"Sus, wag mo na kasi ako isipin, masyado mo na akong iniisip eh, pahinga ka na muna kasi hahaha"



"Sira! Iba yung iniisip ko no! About dun sa Quiz......"




Ay shit! Naalala ko nanaman yung nangyari sa amin ni Homer kanina dun sa Gubat tas nung pagdating ni........




"Margot!!"




"Oh Nanay Sely, bakit po kayo nandito?"






"Mamimili kasi ako iha tsaka sino yang kasama mo? Boyfriend mo?"












......................................................................................................................................................................... 0_0










B-Boyfriend?!





"Ah hindi po Nanay Sely, kaibigan ko lang po siya hehe"




Tiningnan ko yung reaksiyon ni Justine sa pagkakasabi ni Nanay Sely about sa kanya at tumatawa pa ang loko.



"Ah sige Margot una na ako, sige po alis na po ako"



"Ah sige iho mag-ingat ka"



"Sige Justine, salamat"


Umalis na si Justine at kami na lang ni Nanay Sely yung natira.


"Ah nga pala Iha, nag hihintay sayo yung kuya mo sa bahay"


Shocks! Eto na nga yun eh! Naku po! Bakit ba kasi siya pumunta sa school? Eh di naman ako pinapatawag diba? Tsaka wala lang namang yung ginagawa namin ni Homer eh, Panu ngayon to. Ewan ko ba!!!!!


"Ah sige po Nanay Sely, ako na po bahala"


"Sige na Iha at bibili na din ako"


Pagkaalis ni Nanay Sely ay tumambay muna ako sa labas ng bahay ng 2 minutes lang naman hehe, eh sa natatakot ako eh!


Pasok na nga ako.



Creeeeeeeeeeeeeeek
(tunog ng pintuan pag bumubukas)



"Hi Kuya!"







The Nerd's Secret Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon