Margot's POV.
Anu yung meaning ng nakasulat sa pader? Hindi ko talaga ma gets Arrrrrrrggggg!!
Heto ako ngayun nasa sala at kumakain na ng almusal, medyo lutang yung isip ko dahil sa lintek na napicturan ko kahapon.
"Mama! Si Margot oh! Tulala lang hindi na kinakain yung almusal niya"
Kahit kailan talaga to si Kuya Kevin paepal lagi.
"Margot!! Kainin mo yang luto ni Nanay Sely, Sayang yung pagkain kung di mo kakainin"
Sigaw ni mama sa taas."Opo mama kakainin ko po"
Tiningnan ko ng masama si Kuya Kevin, Dinilaan ba naman ako?
Kainis!!Nang maubos ko na yung luto ni Nanay Sely ay lumabas na ako ng bahay at dumiretso na pupunta sa school.
Naglakad lang ako, ayaw ko gamitin yung kotse namin, Walking distance lang naman yung school kaya bakit pa ako mag kokotse diba?
Nang makarating na ako sa school ay nakasalubong ko si Justine na may kausap na lalaki
Diniretso ko na lang yung lakad ko pero nagulat ako nang tinawag niya ako.
"Margot!!"
Tumingin ako sa kanya, nagpaalam siya sa lalaking kausap niya kanina.
"Sino yun?" tanong ko sa kanya.
"Ah wala kaibigan ko lang yun, Tara sabay na tayo"
Nang makarating na kami sa school ay nagpaalam siya sakin.
"Margot mauna ka na ah? May pupuntahan pa ako eh tsaka ngayon yun report nyo diba?"
Ay oo nga pala, nakalimutan ko hays, kailangan kong mag review ngayon.
"Buti na lang pinaalala mo Justine hahaha salamat, sige mag rereview pa pala ako, kitakits na lang sa Room mamaya"
Nagpaalam na sakin si Justine kaya dumiretso na ako sa room namin.
Nakita kaagad ako ni Abby kaya tinawag niya kaagad ako.
"Margot Magreview ka na mamaya na yung report natin"
Sabi niya kaagad sa akin.Ay oo nga pala hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na English subject pala yung sa report namin.
May math pa, kaya sana walang quiz para makapag review pa ako ng patago.
Habang nag rereview ako ay dumating naman si Justine, kinawayan niya ako at pumunta na sa likuran ko.
After 5 mins na pagdating ni Justine ay biglang may dumating na dalawang epal.
Sino pa ba? Edi si Bryan at Homer.
Pumunta si Homer sa dulong bakante at doon siya natulog, Seriously? Nerd na natutulog lang? Pero bakit lagi siyang perfect or matataas ang score niya sa mga quiz at exam?
Nagrereview ako ng biglang dumating si Ma'am Ramos, Nagturo lang siya habang ako nag babasa sa english notebook ko.
Napansin ko na tahimik kaming lahat sa Room.
Anu meron?
Nakita ko na may kausap si Ma'am Ramos sa labas at may pumasok na mga lalaki, kasama nila si Felix.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Secret Identity
Mystery / ThrillerSa isang malaking paaralan ng Guevarra ay may isang lalaking hindi masyado kilala, may isang babaeng bagong lipat lamang at makikilala siya ngunit malalaman niya na may ibang tinatag ang lalaking ito na ikagugulat niya, malalaman niya ba kaagad yun...