Chapter: XVIII

27 0 0
                                    

Margot's POV.



K-KUYA?!


Nakita ko yung mga mga maladragon na mata ni kuya, nakupoooooo!!

"Anung ibig sabihin niyan Margot?!"


Kuya mali ka nang iniisip, hindi hindi namin ginagawa yun, na-nadulas lang talaga ako kuya.

Tiningnan ko naman si Homer at aba? Naglilinis lang ng kuko? Pa chill chill ka pang hinayupak ka eh malilintikan ako neto for sure pag uwi ko sa bahay.

"Magpapaliwanag ka mamaya!" at tiningnan niya ng napakatalim si Homer bago siya umalis.

Wait lang kuya?! Ay wag na pala beast mode siya eh, itatanong ko lang sana kung bakit siya nandito sa school namin?  °_°

"Ano? Tapos ka na ba matulala diyan?"

Tiningnan ko ng napakasama tong bwisit na nerd na to dahil hindi man lang ako pinagtanggol sa kuya ko! Grrrrr!

"Hoy! bakit hindi mo man lang sinabi sa kuya ko na na-aksidente lang yun?!"

"Kaya mo na yan! Kapatid mo yan eh! Tsaka baka magalit ka lalo pag iba yung sinabi ko sa kuya mo" tsaka siya umalis pero lumingon siya sa akin.

"Sa susunod na lang tayo mag review at nga pala..... Ang bango pala ng hininga mo"






O______________________O




dug dug dug dug dug dug.


Bakit parang masyado nang lumalakas yung kalampog ng heartbeat ko? Normal lang naman to guys diba? DIBA?!



Naiwan pa din akong tulala dito sa mapunong to ng di ko alam kung nasaan ba ako, Bwisit naman kasi! Ilang buwan na akong nandito pero di pa ako nakaka tour at di ko pa alam yung nga place dito, ang alam ko lang ay yung building namin tas library,canteen,Office ni Ma'am Ramos and yung sa Secret Garden
Ang laki laki kasi netong School na to eh!!!

Paano ba ako makakalabas dito?

"Margot?"

Lumingon ako para tingnan kung sino yung nagsalita.

"Oh Felix, bakit nandito ka?"

"Ako nga dapat nagtatanong sayo ng ganyan eh, bakit nandito ka? Eh nandito ka na sa bahaging gubat ng Guevarra, at ang alam ko ay bawal ang mga estudyante dito kasi delikado"

"Ay shocks! Bawal pala dito? Sorry! Kasi dito ako dinala ni Homer kanina tapos iniwan pa ako, Sorry talaga!"

"Hayaan mo na yun haha, nga pala may nalaman ka na bang clue sa pagpatay kay Steph?"

Clue? Meron ba? Parang wal- ay oo! Yung papel? Kaso baka hindi naman yun yung killer tsaka baka kasi sayang lang yung oras at effort nila Felix sa paghahanap sa sender ng papel tas di naman pala siya killer, pero paano kung siya nga? Hays ang gulo mo Margot!!



"Huy? Tulala ka diyan? Meron ba? Kasi parang meron eh, sabihin mo na Margot habang maaga pa para wala nang sumunod na biktima"

Sasabihin ko na ba talaga? Bwisit ding Felix to eh! Pine pressure ako!

K-kase......


"Hep! Wag dito!" tapos bigla siyang may binulong sakin. "Baka may makarinig at malakas ang kutob ko na may nakikinig satin ngayon"

0___0


"Seryoso ka?"

"Oo, di mo ba nararamdaman?"

The Nerd's Secret Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon