Chapter: XXVI

45 0 0
                                    

Margot's POV.

Nahihilo pa din ako ng magising ako, hindi ko alam kung nasaan ako at medyo lumalabo pa ang paningin ko.

Nang medyo kinusot ko ang mga mata ko ay saka luminaw ang aking paningin.

Nilibot ko ang aking paningin at nalaman ko na lang na ako'y nasa abandonadong silid aralan.

Ugh, medyo nahihilo pa ako pakshet naman!

"Gising ka na pala" sabi ng isang tinig na hindi ko alam kubg saan nangggaling.

Nilibot ko yung paningin ko para hanapin kung sino yung nagsalita dahil bigo ako at medyo malabo labo ang paningin ko.

Bigla kong naramdaman ang lamig sa aking mga balat ng biglang may humangin ng napakalakas.

Gabi na din kasi at mukhang ako na lang ang magisa dito o baka naman may kasama ako.

Naririnig ko na parang may mga yabag na papalapit sakin.

Hinanda ko ang aking sarili dahil baka kung ano nanaman ang mangyari sakin.

"Gising ka na pala Margot"

Ang boses na yun! Parang kilala ko na ang kubg sino ang boses na yun. Pero bat siya?

Biglang may lumapit sa aking nakamaskara na pusa at bigla na lang niya ako sinabunutan.

Aggggggghhhhhhhh!!

"Ano masakit ba Margot? Dapat lang sayo yan kasi pakialamera ka!" sabay sampal sa akin ng napakalakas.

Sumubsob ako sa lupa at mukha yung unang tumama dahil nga sa nakatali ang kamay at paa ko.

Agad naman siyang biglang nainis kaya agad niyang tinangggal ang maskara niya.

Sabi ko na nga ba eh.

"Simula pa lang akala ko mabait ka pero ano tong ginagawa mo sakin?"

Nakita ko siyang nakatingin lang sa akin at walang emosyon ang itsura nito.

"Ano ba ang kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako Xiantal?"

Narinig kong tumawa siya ng napakalakas na parang nababaliw na tek hindi na parang Nababaliw na talaga siya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! EH GAGO KA PALA EH! KUNG HINDI KA NANGIALAM EDI SANA MASAYA NA KAMI NI HOMER!" Sabay sampal ulit sakin ng napakalakas.

"Ano ba kasi talaga ang probema mo?!"

"A-Ano Problema ko ha?" Sabay sampal sakin "IKAW YUNG PROBLEMA KO PUTANGINA KA! DAPAT PINATAY NA KITA KASAMA YUNG PAKIALAMERA MONG KAKLASE!"

"P-parang awa mo na x-xiantal" pagmamakaawa ko sa kanya.

Pero sa kabila ng pagmamaka awa ko sa kanya ay hindi ito nakinig sakin at hinayaan lang akong nakagapos sa may upuan.

Sumisipol sipol lang ito na parang walang nangyari at kinuha niya muna yung maskara niya at binato ito sa akin.

"Napaka bobo mo din talaga eh no? Di mo talaga ako napansin sa lagay na to? Eh yung mga pakialamera nga nauna pang nalaman kesa sayo buti na lang talaga burado na sila HAHAHA"

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo Xiantal pero please lang tama na, itigil mo na to please...."

"HAHAHAHAHAHA Ano ako tanga?! Hindi ako katulad ng kaibigan mong boba! Nandito na tayo tas papatigilin mo ako ano ka ba naman? Nag uumpisa pa lang yung laro natin oh" sabay hampas ng latigo sa aking hita.

"Aaaaaaaaaaaahhhhh" ang natatangi kong sigaw dahil napakasakit talaga.

Mangiyak ngiyak na ako ako dahil alam kong wala na akong kawala dito. Ang tangi ko na lang kayang gawin ay ang magdasal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Nerd's Secret Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon