Felix POV.
"Kailangan nating ayusin lahat ng to Felix, Kailangan mahuli kaagad natin yung nasa likod neto baka maulit nanaman to"
"Alam ko yun Xiantal, Kaso paano ko sisimulan?"
"Hindi ko din alam basta pag may nakalap na akong impormasyon sasabihin ko kaagad sayo"
Buti na lang nandito si Xiantal, maasahan siya palagi, tama lang pala yung pagpili ko sa kanya.
Nagkaroon kasi kami ng meeting sa lahat ng SGS about sa Quiz bee at sa nangyari sa kaklase ni Margot.
Umuwi na ang lahat at ako na lang ang natira dito sa Office namin.
Nauna nang umuwi si Xiantal dahil may aasikasuhin pa daw siyang mga projects namin at alam kong pagod din siya kanina sa meeting.
Ililigpit ko na sana yung mga gamit ko ng biglang namatay yung ilaw, 6 na din ng gabi kaya madilim na din sa Guevarra.
Hindi ko na lang pinansin dahil uwing uwi na ako at pagod na din ako.
Matapos ko mailagay lahat ng gamit ko sa bag ko ay nahulog yung papel na binigay sakin ni Margot kanina.
Kinuha ko yung phone ko at binuksan yung flashlight.
Nagsitayuan lahat ng balahibo ko nung nakita ko yung sulat.
Binasa ko ng paulit ulit yung sulat.
"Sino naman kaya yung magsusulat neto?" tanong ko sa sarili ko.
Tinupi ko yung papel at nilagay sa bag.
Biglang may narinig ako na parang tumakbo.
"Sino yan?!"
Hindi na lang ako nagpadala sa takot ko, sanay na ako sa mga ganyan ilang beses na din kasing nagpapakita sa amin si Isabel kaya parang sanay na kami.
Hays, nakakamiss si Isabel, hanggang ngayon kasi di pa nahuhuli kung sino yung pumatay sa kanya.
Aish ano ba yan Felix umuwi ka na nga!
Kinuha ko na yung susi ng kotse ko sa at ni lock yung pinto.
Habang dumadaan ako ay may nakasalubong akong lalaki.
Hmmmmm si ano to ah?
"Homer?"
"Antagal mo naman ata?"
"Ha? Bakit? Hinihintay mo ba ako?"
"Sa tingin mo? May pag uusapan kasi tayo pwede ka ba ngayon?"
"Ano naman ang pag uusapan natin?"
"Basta sumunod ka na lang sakin"
Kahit pagod ako ay sumunod ako sa kanya.
"Ano ang pag-uusapan natin?"
"Paki ingatan si Margot"
"B-Bakit?"
Shit bakit ako nauutal, tangina Felix anong nangyayari sayo?!
"Alam mo naman siguro yung dahilan diba?"
"About ba dun sa pagpatay sa kaklase niya?"
"Exactly, at dun din sa pagb-black mail sa kanya"
BINABASA MO ANG
The Nerd's Secret Identity
Misterio / SuspensoSa isang malaking paaralan ng Guevarra ay may isang lalaking hindi masyado kilala, may isang babaeng bagong lipat lamang at makikilala siya ngunit malalaman niya na may ibang tinatag ang lalaking ito na ikagugulat niya, malalaman niya ba kaagad yun...