Alexxa's POV.
It's been 1 week since mangyari yun, and I must say,bumalik ang lahat sa dati. Yung dati na tahimik yung buhay namin ni Phire,yung hindi kami kinukulit ni Zane at sana magtuloy tuloy na yung di niya pagkulit samin.
Saturday ngayon at pangalawang clean-up-drive na. Yung una kasi nung nakaraan tapos ngayon yung pangalawa.
Nakaupo ako sa isa sa mga bench na nandito sa may park malapit sa school. Oo dito kami maglilinis,sinabihan na din pala ng school yung head ng mga nagstreet-sweep dito na ibigay nalang samin yung mga kailangan sa paglilinis at kami na ang gagawa. Hays,ang tagal naman nila Vida,sila nalang lagi yung nahuhuli pag ganito,ng nakaraan din. Alam naman nilang maglilinis grabe kung makaporma. Naka high heels sila at nakaporma pa.
Nakita ko si Alexander at Zane sa di kalayuan,naglalakad sila palapit samin,kinuha kasi nila yung mga gamit para sa paglilinis namin,sinamahan nila si Phire actually halos kalahati sa boys.
Tama ba ang nakikita ko? Tinitigan kong mabuti iyon,at boom! Shocks. Anong ginagawa nya dito?
Iniwas ko agad yung tingin ko ng tumingin siya sa direksyon ko,ewan ko ba pero simula ng mangyari yun,ayokong makita siya.
"Oh." Kinuha ko agad yung inabot saking walis tingting ni Phire at agad na tumayo at umalis papunta sa malayo sa kanila.
Huminga ako ng malalim ng makapunta ako sa likod ng isang puno,nakadating na din sila Vida at ang kanyang alipores.
Halos gusto kong puk-pukin ng hawak kong tingting yung nang-gulat sakin.
Hinarap ko ito at...."Charles..."
"Hi! Hahaha,nagulat ba kita?" Gusto kong isigaw sa mukha nya na 'OO! NAGULAT AKO! GUSTO KITANG SABUNUTAN ALAM MO BA YUN!?' Pero nginitian ko na lang siya.
"So how are you?" Tumango nalang ako at umiwas ng tingin. Ewan ko ba,walang nalabas na boses sakin.
"Hey you're deaf now? Talk to me." Tinignan ko sya at ngumiti ulit.
"Hahaha,may iniisip lang." LIAR.
"About sa nangya--." Pinutol ko na yung sasabihin nya,alam ko na yun. Ayoko ng maalala,OA na kung OA.
"Bakit ka andito? Diba may clean up drive din kayo?"
"Tuwing sunday kami. Kaya tutulong nalang ako dito muna." Sagot nito at tinaas pa yung hawak nyang tingting.
"Dapat nagpapahinga ka nalang. Uwi na kayo,wala ka bang ibang ginagawa?" Tanong ko sakanya.
Di naman ako concern,ayoko lang na andito sya. Nakaka-istorbo kasi yung presence nya,at ewan ko kung bakit!
Sasagot na sana ako ng biglang may nagsalita.
"Siya walang gagawin,ikaw meron. Lets go,Alexxa." Sabi neto sabay hatak sakin,aray ah.
"Bitaw nga Alexander," sabi ko at kumawala. Naka-bitaw naman sya. "Bastos ka! Kita mong kausap ko sya diba?" Sabi ko at inayos yung salamin ko.
"I don't care. You should do you're work now,para matapos ng maaga." Tinaasan ko ito ng kilay,ako lang?
"Bakit yung Girlfriend mo? Ayun oh," tinuro ko sila Cloe at Vida na nasa ilalim ng puno,nakain. "Bakit di sila yung sabihan mo,kesa sakin?" Sabi ko at tinarayan sya sabay alis na at sinamahan si Phire dun sa pwesto nyang magwalis.
Nakaka-inis. Ang bastos nya! Kitang may kausap ako eh,tas ganun? Bigla syang sisingit para lang hatakin na ako para magwalis.
W O W."Alexx,itigil mo na nga yan! Lalong nakalat eh." Napatigil ako sa pagwawalis at tinignan si Phire. Tumingin sya sa baba kaya lumingon din ako.
Oww shit.
Lalong kumalat yung mga dahon. "Sorry." Nag-tsk lang si Phire tapos nagwalis na ulit.
CHARLES DAEMON'S POV.
Nagulat ako ng biglang hatakin ni Alexander si Alexxa paalis or palayo sakin. I don't know.
Pinuntahan ko si Drei,Yrel,Zane na nagwawalis na ngayon.
"Yow bro." Sabi ko at nagwalis na din.
"I like this job HAHAHA." Sabi ni Yrel kaya tinignan namin sya. Like the heck? "But of course, joke lang. Eh kasi naman diba? Sinong aayaw? Kung ang kasama mong maglinis mga chiks." Sabi nito ang ngumiti ng nakakaloko.
Tumingin ako sa mga ka-klase ni Zane at Xander. Wala naman eh, hanggang sa umabot yung tingin ko sa babaeng nakatalikod na nagwawalis din......nagbago yung isip ko,may maganda.
YOU ARE READING
Once They Played Our Hearts
Teen FictionDito sa University nila makikilala mo ang NERD COUSINS o bilang isang DISGUISE NERDS at ang CAMPUS KING & PRINCE or HEARTTROBS ng campus pero sa pagkilala nila may magbabago Dahil sa isang iglap sila ay magmamahalan. Pero alam natin na Love ay lag...