Hindi lang makapal ang mukha ni Luis. Isa rin itong malaking sinungaling. Todo deny ito na may nabuntis ito na kahit na sinong babae. Handa pa raw itong magbayad ng isang milyon sa sino mang makapagpapatunay na may anak ito.
Pwes, iko-call ni Carol ang paghamon nito. Dahil nasa poder ng pamilya nila ang prueba na may anak nga ang lalaki. Si Kenzo, ang super cute and lovable na baby boy ng ate niyang si Monette.
Bago ang lahat ay kailangan ni Carol ng matibay na ebidensiya. At ano pa ba ang mas titibay sa resultang DNA test. May isa pa siyang problema. Paano siya makakakuha ng DNA sample mula kay Luis?
Napilitan siyang magpanggap na maid, perpektong sitwasyon para makahakot siya ng kahit isang sakong DNA material. Kaso ay nanganak ang mga problema. Dahil natagpuan na lang niya na hindi na DNA material lang mula sa lalaki ang inaasam niya. Ito na mismo. Ang buong pagkatao nito.
But Luis just turned and walked away leaving her with a badly shattered heart.
=
BINABASA MO ANG
Lumuhod Ka, Tala by : Kayla Caliente (unedited) completed
RomanceGalit sa paasa si Carol. Lalo naman sa paasa na nga, tumatalikod pa sa responsibilidad. Kaya lagot lang talaga sa kanya si Luis