HE IS having the time of his life. Hindi makapaniwala si Luis na nag-e-enjoy siya ng ganoon. At dahil iyon sa pagdalo niya sa isang children's party. Children's party! Party para sa mga bata. Diyata't batang isip siya.
But he couldn't deny it. Masaya siya. Isang inosenteng uri ng saya na hindi na niya matandaan kung kailan niya huling naranasan. Dahil iyon sa bubwit na nasa mga bisig niya at pinipilit ngayong wasakin ang supot na may laman na action figures. May malaking ambag din sa nadarama niyang saya ang babaeng nasa tabi niya. May mga emosyon siyang naaninag sa mukha ni Carol. Parang nalilito ito na nagtataka na hindi mawari.
He is feeling the same things. Nalilito rin siya na nagtataka na hindi niya maintindihan. Bakit ang isang salo-salo na napaka-ordinaryo naman at hindi pa laan para sa age range niya ay naging kasiya-siya para sa kanya? Kung dahil iyon sa batang kasama niya at sa tita nito, may dapat pa rin siyang ipagtaka. Bakeeet?
He glanced at Carol once more. Sa tuwing titignan niya ito ay nadadagdagan yata ng maraming puntos ang X factor nito. Lalo niyang napatunayan na mas masarap masdan ang simpleng ganda nito kaninang bumandera sa paningin niya si Candice.
Minsan siyang tinangkang akitin ni Candice. Pinag-isipan din niya kung magpapaakit siya. But something came up at the last minute. Biglaang trabaho na nagdala sa kanya sa Palawan at pagbalik niya ay nawalan na ng buwelo ang namumuong harutan nila ni Candice.
Candice lookalikes are the type of women he associates with. Pero ngayon ay walang ka-appeal-appeal sa kanya ang dating nito. Kahit pa kagaya ng dati ay para itong modelong kakababa lang sa catwalk.
Kung ikukumpara ito kay Carol ay pakakainin ng alikabok ni Candice ang dalaga. Bora ito at simpleng bukirin si Carol. Pero kung minsan, nakakasawa na sa Bora at masarap mamasyal sa bukirin.
Lumigid pa ang paningin niya. All around him are adults clutching toddlers and babies in their arms or holding small kids' hands. Kilala niya ang ilan sa mga bisita, mga lalaking kagaya niya dati na nagpapakasaya sa buhay single at nang makapag-asawa ay sumusumpang nais ulit maging single. Pero kung mamasdan sila ngayon habang kalong ang mga anak ay halatang walang balak bumalik sa pamumuhay ng solo ang mga ito.
He found himself intrigued by the idea of sharing his life with someone. Could it be that it's not as bad as he thought it is? Kung ang makakasama niya ay isang katulad ni Carol at may bonus pa na isang batang katulad ni Kenzo...
Okay ka lang? May naghumiyaw sa pagkatao niya, nataranta sa tinatakbo ng isipan niya. Ano ang nasinghot niya at nagkakaganoon siya?
May munting palad na tumapik sa pisngi niya. Napangiti siya nang makitang nakatingin sa kanya si Kenzo at nakangiti rin. Sino ba ang hindi mahuhulog ang loob sa isang batang katulad nito? Binago nito ang pananaw niya, inaamin niya. Dahil dito ay hindi na nakakatakot para sa kanya ang ideyang magkaroon ng anak. At dahil ba kay Carol kaya hindi na rin siya kulang mahimatay sa ideyang kung magkakaroon ng anak ay dapat lang na may asawa?
He could imagine attending more children's parties like that one. Puwedeng siya rin mismo ang magpa-party. Para sa supling niya.
Nag-preno ang utak niya. Bago siya matangay papunta sa mas matindi pang pangangarap ay may kailangan siyang atupagin. Napakahalagang bagay niyon na naisa-isantabi lang dahil naunahan siya ng tuwang dala ng magandang karanasang bitbit ng mag-tita sa buhay niya.
"Going home already?" Pinigilan ang paglulan nila ni Carol sa kotse ng pamilyar na tinig. Si Candice.
"Yeah. Nagliligalig 'tong si Kenzo eh. Pagod na siguro," aniya.
"Talaga namang pa-tatay effect ka ha. I never thought I'd see the day," sabi nito.
"Me, too," ayon ni Luis.
BINABASA MO ANG
Lumuhod Ka, Tala by : Kayla Caliente (unedited) completed
RomanceGalit sa paasa si Carol. Lalo naman sa paasa na nga, tumatalikod pa sa responsibilidad. Kaya lagot lang talaga sa kanya si Luis