Chapter 4 Part 1

7.1K 155 7
                                    


GOING on a vacation alone sucks. Iyon ang masagwang katotohanang natuklasan ni Luis sa unang gabi pa lang ng pag-iisa niya, habang naglalakad siya sa baybayin at pakiramdam niya ay mamamatay na siya sa pagkabagot. Nakakatawa na dati, kapag naguguluhan na siya at nasasakal sa maraming hinihingi ng mga taong nasa paligid niya, i-imagine-in lang niya na mag-isa siya sa isang liblib at payapang lugar ay mapapayapa na ang kalooban niya. Iyon ang regalong ipinangako nita sa sarili, ang insentibo niya para huwag maburyong – ang maglungga sa isang lugar na walang ibang tao.

Hindi siya magsasama ng kahit sino para kahit ano ang gustuhin niyang gawin ay pupuwede. Walang kokontra, walang magrereklamo. Pero ngayon, unang gabi pa lang niya ay napapaisip na siya kung nasa tamang katinuan ba siya sa ginawa niyang pasya.

Man is not meant to live alone. Nakasaad iyon sa bibliya. Salita ng Diyos. Kaya mas malamang kesa hindi, tama iyon. Kaya bakit niya naisip-isip na magiging masaya siya sa pag-iisa?

Kulang ka lang sa practice. All his life he had been surrounded by people. Kaya siguro ngayon ay naninibago siya ng husto.

And technically, hindi ka mag-isa. Napagawi ang tingin niya sa beach house na nasa likod. Iniwan niya roon si Carol. Habang kumakain sila kanina ay naitanong na niya sa wakas ang pangalan nito. Hindi niya inasahan na ikakatuwa niya kahit paano ang presensiya nito. At sa mga sandaling iyon ay wala siyang paki ke tunay na katulong ito o may ulteryor na motibo lang ito sa kanyang puri. Tao ito. Makakausap niya. Iyon lang muna ang mahalaga. Dahil sigurado na niya ngayon, hindi niya gusto ang napag-iisa.

KONTI na lang matatawa na si Luis. Kanina pa niya pinapanood si Carol. Kung tutoong katulong ito ay haharbatin niya ito kay Gen. Pagdilat pa lang kasi niya ay ang masarap ng amoy ng lutuin ang sumalubong sa kanya. Pagdulog niya sa hapag ay nakahanda na ang mesa. May plato, kubyertos, tasa at baso na. Nakahaing pagkain na lang ang kulang, siguro ay hinihintay ni Carol na magising siya. Pati nga kape may umuusok-usok na sa percolator. The woman is very efficient indeed. Kumalam ang sikmura niya. Hinanap na agad niya ang kasama, hindi para magpahain kung hindi para yayain na itong sumabay sa kanya.

Nadatnan niya ito sa likod bahay. Kaharap nito ang batya at ilang planggana. Naalala niya ang bilin niya rito. Kasama sa listahan ng mga utos niya ang paglalaba. Mukhang kinuha na nito sa banyo ang pinagbihisan niya kagabi at ngayon ay nasa kasagsagan na ito ng paglalaba. May kasama pa iyong pagkanta, at iyon ang dahilan kung bakit naudlot ang pagtawag ni Luis ng pansin nito.

"Shine like a diamond. You shine like a diamond..." Kasabay niyon ang paghango nito ng kung anong saplot mula sa mabulang batya.

Underwear ang nahagip nito. Sa kanya.

"Whoo-oo." Iniladlad iyon ni Carol, itinaas sa ere na animo watawat.

Ngalingali si Luis na hablutin iyon. Nakakailang pala na makitang kinikilatis ng kung sino ang brief niya. Parang iyong sa kanya mismo ang sinisilip.

"Gaano kalaki ang itinatago mo ha?" tanong ng babae.

Napailing si Luis. Ngayon lang siya nakakita ng taong nakikipag-usap sa brief. Hindi kaya may tililing ang isang 'to?

Tinignan pa nito ang etiketa. "Large ang size mo pero hindi ibig sabihin, large din iyong..."

"Hindi large," sabad niya. "Extra large."

Ibinalibag na lang at sukat ni Carol ang hawak nito nang malingunan siya.

"Sorry to interrupt your conversation with my underwear. Tatawagin sana kita. Mag-aalmusal na..."

"Ah, oki, sige, maghahain na ako." Nagkumahog ito sa pagtayo.

Si Luis ang unang nakapansin ng nakaambang panganib. Nagkalat ang bula sa paligid kaya siguro hindi napansin ni Carol ang lalagyan ng sabon. Natapakan nito. Nahulaan na niya ang mangyayari kaya maagap siya. Nasalo agad niya ang pabagsak na sanang babae. Shoot ito sa mga braso niya. Ang mukha nito, gahibla lang ang layo sa kanya.

Up close, her skin looked even better. Makinis, maputi, wala yatang pores. At mukhang naligo na ito bago naglaba. Preskong bango ang pumuno sa ilong niya. Nakakatakam singhutin. Nakakatukso na ibaon ang mukha niya sa buhok na pinagmumulan ng masarap na halimuyak. Bakit ba hindi niya gawin? Tutal, hula niya ay iyon naman talaga ang balak ng babae, ang akitin siya. Baka nga sinadya pa nitong magpadupilas, umaasa na sasaluhin niya. And then sparks would fly. May spark nga siyang naramdamang lumipad, sa tutoo lang. The woman in his arms felt so warm and cuddly. Ang bango-bango pa.

Pero bago pa niya mapag-isipan kung tama bang patulan ito ay agad na itong lumayo.

"S-salamat sa...sa pagsalo." Parang hinihingal ito. "S-sige, aayusin ko na ang almusal."

ANO IYON ha? Ano iyooon? Habang mabilis na naglalakad palayo si Carol ay kanda-sita siya sa sarili. Wala siyang hika kaya ni hindi niya maidadahilan na sandali siyang inatake kanina kaya siya biglang nag-hingal kabayo.

Muntik kaya akong madulas, hello! Papasa na sanang paliwanag iyon kung hindi ipinaggiitan ng alaala niyang mahusay magkuwenta na hiningal siya bago pa man siya ma-shoot sa matitigas na mga bisig.

Na may katernong sintigas ding dibdib, tiyan, balikat... Heh! Ano bang pinagsasasabi mo!

She is suddenly so confused. Pagkalitong hatid ng damdaming hindi niya maintindihan. Hindi pa siya nagka-bf kaya hindi niya alam kung normal na kapusin ng hininga kapag napasiksik sa isang lalaki. Pero hindi naman basta lalaki si Luis.

Kalaban nga siya!

Halos kumaripas siya ng takbo nang marinig ang yabag nito. Tawagin na siyang baliw pero nakadama siya ng takot dito. Hindi siya takot na saktan nito, as in sapakin o gahasain. Ang ikinakatakot niya, paano kung siya ang makaisip na manggahasa rito...at pumayag ito.

Sira ulo ka talaga.

"Carol..." Kasabay ng pagtawag sa kanya ang pagdaklot sa braso niya.

"Ayyy, pusang gala!" Napatili siya, lalong umarangkada ang kaba.

"Lumaklak ka ba ng kape? Sobrang tense mo 'ata," puna ni Luis.

Pero salamat at binitawan naman nito ang braso niya. Nakaluwag iyon sa paghinga niya kahit paano.

"H-hindi, sir, uh, ano kasi... ah, wala. Basta lang. A-ano ba kasi iyon?" Pinilit niyang humarap dito.

Napapatawa ito, nakita niya. At katawa-tawa naman siguro talaga ang inaasta niya. Para siyang hinahabol ng halimaw gayong kahit konti ay walang hawig sa halimaw ang lalaki.

Kung lahat ng halimaw ay ganito kasimpatiko... Kinagat ni Carol ang dila niya para mahimasmasan siya. Ano siya, nagbabalak pang sumali sa fans club ni Luis? Pinilit niyang payapain ang kalooban, sikilin ang kalituhang hindi niya alam kung ano ang pinagmumulan.

"Sir?" Gusto ng ipitik ni Carol ang daliri sa harap ng mukha nito. Para kasing nag-hang ito. Nakatingin lang sa kanya, nasa labi pa rin ang munting ngiti.

"O-oh, uhh..." Natauhan din naman ito agad, kaya lang ay mukhang nalito. "S-sige na, tayo ng kumain. Go," udyok pa nito nang hindi pa siya lumakad.

Lumuhod Ka, Tala by :  Kayla Caliente  (unedited) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon