Chapter 6

7.1K 152 2
                                    


"CAROL! Carol!"

Patakbong tinungo ng babae ang bintana. Pagsilip doon ay natutop nito ang bibig.

"Si mommy!" Parang nataranta ito.

"Hoy, Carol, nandiyan ka ba?" Umalingawngaw ulit ang malakas na tinig.

"Naku, teka, uh, 'wag mong sabihin sa kanya kung sino ka ha?" bilin nito. "Isinusumpa niya iyong nakabuntis kay ate eh. Baka mapatay ka ng wala sa panahon."

"O-okay." Pumayag agad si Luis. Siya pa ba ang tatanggi?

"Carol!" May kasabay ng pagkalampag sa pinto ang pagtawag.

"Sandali 'my, kung makatawag kayo parang laging may kalamidad." Binuksan na ng dalaga ang pinto.

Isang babaeng lagpas kuwarenta siguro ang edad ang bumungad doon. Mukhang haggard na haggard.

"Eh paano ba naman kasi, nagkalat 'tong pamangkin mo. Nangangamoy na at..." Natigil ang pagdakdak nito nang mapatingin sa kanya. "May bisita ka pala hindi mo agad sinabi."

"Para namang makakasingit ako," katwiran ni Carol. "Uh, 'my, si...Luis. Luis, mommy ko."

Hindi agad nakasagot si Luis. Sa batang kalong-kalong ng ginang napako ang paningin niya. Ang cute nito. Matambok ang pisngi, maputi, tsinito at tabachingching. Parang ang sarap gigilin.

Pero nangangamoy nga. Nagusot ng bahagya ang ilong niya sa maasim na halimuyak.

"Ang bantot mo," sabi ni Carol sa bata na agad inilahad ang mga braso rito. Binuhat ito ng dalaga, pinupog ito ng halik. Humagikgik naman ang bata. Aliw na aliw tuloy si Luis sa panonood sa mga ito.

"Na-miss kita, bebe. Pero promise, ang bantot mo. Excuse us ha," pasintabi ni Carol. "'My, ikaw na muna ang bahala diyan. May juice sa ref, may makakain din. You know the drill. Ila-lysol ko lang muna ang isang 'to."

"Heto na kami." Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Carol dala ang batang amoy cologne at baby powder na. "Eh teka, 'my, ba't kayo lang ang lumuwas? Nasaan si Ludy?"

"Nasa kanila. Dumalaw sa mga magulang noong isang araw pero hindi pa nakakabalik. May epidemya ng bulutong sa baryo nila. Sabi ko eh 'wag na munang pumunta sa 'tin at baka mahawa pa si Kenzo. Kaso, kahit doon sa bayan natin nagkakausuhan din ang bulutong. Inutusan ako ng daddy mo na iluwas si Kenzo para di mahawa kaye heto kami. Ayaw mo 'ata eh."

"Ma-drama ka, mader! Kelan ko pa tinanggihang makasama ang biik na 'to?" Muling nilamukos ng halik ni Carol ang biik, este, pamangkin. Tumili naman na animo isa ngang seripikadong biik ang paslit. Kiliting-kiliti sa panggigil dito ng tita.

Aliw na aliw si Luis na masdan ang mag-tita. Halatang mahal na mahal ni Carol ang pamangkin. Mukhang masayahing bata naman si Kenzo. Parati itong humahagikgik at nang mapatingin sa kanya ay nginitian agad siya matapos siyang sandaling titigan. For a split second there he almost wished the child was his. Kung magkaka-anak din lang siya ay isang katulad nito ang o-order-in niya. Pero malay nga ba niya. Baka may himala at nakapagsabog siya ng lahi ng hindi sinasadya.

Nang mahuli ulit niyang nakatingin sa kanya ang bata ay inilahad niya ang mga kamay niya rito. Laking gulat niya nang ipaling ng paslit ang katawan sa kanya. Sasama ito.

He had never held a child in his arms before. Iyong mga anak ng kakilala niya ay hinahagod lang niya ang ulo o kinukurot ang pisngi. Ngayon pa lang siya nagkarga at hindi niya inasahan ang damdaming idudulot niyon sa kanya. Nakakaaliw pala. Bigla ay parang gusto na niyang mag-anak. Para ngang nalagyan ng bikig ang lalamunan niya nang maalala ang akusasyon ni Carol na anak niya itong si tabachingching.

Lumuhod Ka, Tala by :  Kayla Caliente  (unedited) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon