Depende kung kanino magko-commit. Iyon ang pahayag ng lalaki kanina na pumigil ng kanyang paghinga. Could it be true? At kung tutoo, ano ang paki niya?
May paki siya dahil ang sarap nitong humalik. Dinadala niyon sa makulay na paraiso ang diwa niya. Pati nga yata pangalan niya, makakalimutan na niya. At kapag hindi pa ito tumigil...
Ang palakat ni Kenzo ang nagtaboy sa kung anong sumapi kay Carol...at pati rin yata kay Luis. Tumalsik sila palayo sa isa't isa at parang komedya na halos magbanggaan ulit sila sa pagmamadaling madaluhan ang umiiyak na bata.
Mukhang nanaginip ng masama si Kenzo. Matagal-tagal itong nagligalig, nangungunyapit sa kanya sa tuwing ibababa na niya ito. Napapatingin-tingin lang sa kanila si Luis. Kanina ay nagpresinta ito na hahali sa pagbuhat sa bata pero umatungal si Kenzo nang subukan itong kunin ng lalaki.
Inasahan ni Carol na magpapaalam na ito. Nakakarindi ang iyak ng pamangkin niya kaya hindi na siya magugulat kung magtatakbo na paalis si Luis. Pero nanatili ito sa silid, pinapanood ang pag-alo niya sa bata.
Unti-unti naman ay naalo na rin si Kenzo. Pasigok-sigok na lang ito na kalaunan ay nauwi sa pananahimik. Tulog na ito. Ibinaba na ito ni Carol sa kuna. Tumayo naman na si Luis.
"I should go," anito.
"Wait lang!" Pinigilan niya ito.
Wait lang! Sumigaw din ang puso niya, tangkang pigilan ang sasabihin niya, na nabuo kanina habang pinapayapa niya ang pamangkin.
"Yes?" baling sa kanya ng lalaki.
"About the DNA test. Dapat na nating ipagawa iyon." Hindi nagpapigil si Carol kahit pa tila katumbas ng sinabi niya ang paglundag mula sa mataas na bangin. Napapikit pa nga siya.
"Absolutely not." Sandali lang natahimik si Luis bago ibinulalas ang mga katagang iyon.
"Ha?" Napadilat si Carol nang hindi ang inasahan niya na I think you're right ang narinig. "Teka, akala ko ba gusto mong malaman kung anak mo nga si Kenzo o hindi. Bakit ngayon umaayaw ka?"
"I...I need to process this." Iyon ang tanging paliwanag ng lalaki. Pagkatapos ay binirahan na nito ng alis.
ANG LABO niya. Alam iyon ni Luis. Pasalamat siya at hindi siya hinabol ng kutos ni Carol. Kung siya ang nasa lugar nito ay malamang na ganoon ang ginawa niya. The woman must be so puzzled. Siya nga rin mismo na may katawan ay hindi niya maintindihan ang naging pasya.
But the truth is, he was hoping to postpone the inevitable. Kapag nalaman na kasi niya, once and for all, kung may kuneksiyon ba talaga siya kay Kenzo o wala ay mapipilitan siyang gumawa ng pasya. Parehong hindi niya gusto ang pagpipiliang opsiyon. If the child is his, of course he would support him. But he would need to stay away from Carol. O malamang na si Carol mismo ang umiwas sa kanya. Mapapatunayan kasi nito na hindi lang siya sinungaling, tutoo pang kinalantari niya ang kapatid nito.
Kung hindi niya anak si Kenzo... His heart throbbed at the idea. Nakakagulat na ang bilis na nahulog ang loob niya sa bata. Tutoong may bahagi ng pagkatao niya ang umaasam na sana nga, sana, ay anak niya ito.
You'd be disappointed but you're still free to pursue his aunt.
Ang tanong, gusto nga ba niya itong i-pursue? At kung ipu-pursue niya si Carol, para que? He is not into commitment and Carol is not the type of woman he should play around with.
Habang nakabitin sa ere ang usapin ng paternidad ni Kenzo, habang hindi nila alam pareho kung anak ba niya ito o hindi, ay may napakaganda siyang dahilan para magpakalat-kalat sa buhay ni Carol. At i-enjoy ang presensiya nito nang hindi niya kailangang ma-pressure sagutin kung ano ba talaga ang balak niya rito. Kung dati nangyari iyon, ayos na ayos lang sa kanya ang ganoong kalakaran. But now, he's hot and bothered. Allergic siya sa commitment. And yet...yet!
Naihilamos niya ang palad sa mukha habang nagmamaneho siya. Malapit na siya sa bahay nang mag-ring ang telepono niya. Matapos magpakilala ang tumatawag at sabihin ang pakay nito ay hindi siya nakahuma.
Nag-beep naman ang reminder niya nang makarating siya sa bahay. Matagal napatitig si Luis sa screen ng telepono niya matapos alamin kung ano ang ipinapaalala sa kanya.
Inuna ni Luis ang pakikipagkita sa tumawag sa kanya. Si Kyle iyon. Hindi niya sasabihing close friend niya ito. He's more of a good acquaintance. Nagkakilala sila noong pareho pa silang nasa modelling industry. Pero hindi katulad niya, good boy ito. Mapagmahal, sweet at higit sa lahat, loyal. Nag-iisang kakilala niya ito na naniniwala sa long and lasting love.
Ang baduy! Madiri-diri siya dati sa inaasta ni Kyle.
Napailing siya. Tanda pa niya kung paanong baliw-baliwan ang asta nito nang makipag-break dito ang girlfriend. Alam niya dahil ka-trabaho niya si Kyle sa isang proyekto at gusto na niya itong bugbugin. Kaka-breakdown nito ay ilang beses naantala ang trabaho. Hanggang sa palitan na lang ito.
Matagal na ring tumigil sa pagmo-modelo ang lalaki. Nawalan na rin sila ng komunikasyon matapos niyang ibenta ang rights niya sa vacation house sa Puerto Galera. Ka-time-share niya dati si Kyle doon.
Now, out of the blue, the guy called. Himig desperado at natutuliro. Sa Australia pala ito nag-stay ng lagpas isang taon. Kakauwi lang nito noong isang araw, may nasagap na balita mula sa kakilala sa dating mundong ginagalawan. Tungkol daw doon ang pag-uusapan nila.
Sa condo unit na pag-aari ng kapatid ni Kyle sila nagkita. Pagbukas ng pinto ng lalaki ay napatitig dito si Luis. Daig pa niya ang dinapuan ng left and right hook galing kay Pacman. Hilo siya...at tigagal!
u
BINABASA MO ANG
Lumuhod Ka, Tala by : Kayla Caliente (unedited) completed
RomanceGalit sa paasa si Carol. Lalo naman sa paasa na nga, tumatalikod pa sa responsibilidad. Kaya lagot lang talaga sa kanya si Luis