Chapter 9 Part 2

7.2K 151 0
                                    


"CAT got your tongue?" Ginawang maharot ni Carol ang pagsasalita. Hindi niya balak, sa tutoo lang. Ni hindi nga niya alam na kaya niya. Natukso lang siya dahil mistulang nabato-balani si Luis habang nakatanaw sa kanya. Binudburan tuloy siya ng isang plangganang kiliti sa nakita niyang ekspresyon nito. Idagdag pa nga na matapos nitong sumipol ay mukhang speechless ang mama.

Haba ng hair mo, 'day! Ninamnam niya iyon kahit pa puwedeng feeler lang siya.

Pinagbuti niya ang pagpo-pose na para siyang modelong malandi, paigtad-igtad at patuwad-tuwad habang naglalakad sa buhanginan.

Itinaas ni Luis ang isang kamay. Kunwa ay nagpunas ng tumulong laway.

"Sira!" Sinabuyan ito ng tubig ni Carol. Nakalusong na rin siya noon sa karagatan.

"Talagang nakakasira ng ulo ang alindog mo." Humingal-hingal ito, astang asong ulol.

Tawang-tawa siya. She had never met anyone like this guy. Ironiko na inasahan niya noong una na lalong susulak ang dugo niya rito kapag nakilala pa niya ito ng kaunti pero kabaligtaran ang nangyari. Iyon nga lang, para rin siyang iginigisa ngayon sa sarili niyang mantika. Because the more she gets to know him, the more she is falling for him.

Nang mapalapit siya ay agad bumaling sa kanya si Kenzo. Nagpapakuha. Inilapit pa ito ni Luis para madali niyang maabot ang bata. Nang ibigay nito sa kanya ang pamangkin ay hindi sinasadyang sumayad ang kamay nito sa nakahantad niyang balat. Kulang mapahiyaw siya sa init na dala niyon. Init at kiliti.

Ewan kung naramdaman nito ang pagkayanig ng kanyang mga kalamnan pero napatingin ito sa mukha niya. Ang lapit-lapit lang nila sa isa't isa. Nakaangkla pa ang tig-isang munting braso ni Kenzo sa balikat nila kaya hindi basta makaatras si Carol. Isa pa, ayaw niyang umatras, sa tutoo lang. Isang libo't isang kilig ang nananalaytay sa kalamnan niya at mahirap palang lumayo sa pinagmumulan niyon.

Ang guwapo ni Luis. Nakakahimatay talaga. Pero higit sa kaguwapuhang nakatambad sa kanya ang rason kung bakit para siyang nakasakay sa tsubibong nag-ulol ang makinista at pinabilis nang husto ang ikot. Nalulula siya, naduduling na yata, sa nag-iigtingang damdaming salit-salitan, hindi, sabay-sabay na nga, na dumadagsa sa mga pandama niya.

Ang laki niyang sira. Alam na niyang hindi dapat pero bakit hindi pa siya naghandang mabuti para huwag mahulog ang loob niya rito? O kaya, nang maramdaman niya ang panganib ay nagtatakbo na sana siya palayo. Imbes, nagpakalat-kalat pa siya sa harap nito, pumatol-patol sa panghaharot nito. Hayan tuloy, nabagsakan siya ng bomba.

Kinabig siya ni Kenzo. Nahila pa tuloy siya palapit kay Luis. At ang gahiblang espasyo sa pagitan nila ay naglaho. Dahil halos magkasabay nilang tinawid ni Luis. Eagerly, she waited for his lips. At hindi siya na-disappoint. Hindi lang sintamis ng halik na natikman niya ngayon iyong una nilang pinagsaluhan. Mas matamis pa. Mas nakakakilig, mas...lahat-lahat. Upgraded kiss iyon. To the highest level.

To the highest level din tuloy ang tugon niya. Pati na rin ang damdaming inaantig niyon sa kanya. Pasalamat siya at hindi peak season. May pagka-exclusive rin ang resort kaya hindi matao. Katunayan ay halos solo nila ni Luis ang karagatan.

Which is a very, very good thing. Hindi na nag-isip pa ng malalim si Carol. Tinanggap na lang niya ang grasya na hindi pa niya tinamasa kahit kailan. Ninamnamn, itinimo sa kaibuturan ng kanyang isipan. Babaunin niya ang magandang alaala habang nabubuhay siya.

They were both breathless when they broke apart. Pareho rin silang hindi makapagsalita. Speechless si Carol dahil sa tindi ng emosyong dumadaloy sa kanya. Si Luis, ewan kung bakit di makaimik. Sa itsura nito, na bubuka-sasara ang bibig, ay parang may mga gusto itong sabihin pero hindi masimulan o mawari kung ano ang uunahin.

Lumuhod Ka, Tala by :  Kayla Caliente  (unedited) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon