"ANO?" Pakiramdam ni Carol ay inilagay ang utak niya sa loob ng washing machine at inilagay sa strong ang cycle niyon. Hilong-talilong siya sa narinig. "Sinong Herodes ka na bigla na lang sumusulpot at idinedeklarang ama ng kung sino?"
"It...it's the truth." Si Luis ang nagsalita.
Marahas na napabaling dito si Carol.
"Isa ka pa. Lahat ba kayo rito ay nawawala sa tamang katinuan?" Konti na lang ay mahahawa na siya.
"Akina na muna si Kenzo, Luis." Inabot ng mommy niya ang batang salamat naman at mahimbing pa rin ang tulog.
Sinundan ng tingin ni Kyle ang bata. Sa mga mata nito ay naaninag ni Carol ang pananabik.
Binalikan niya ng tingin si Luis. Nakamasid din pala ito sa kanya. Pinadaan ng lalaki ang mga daliri sa buhok nito, humugot ito ng malalim na hininga.
"Ang...ang tutoo kasi, naisagawa na ang DNA test kay Kenzo dati pa. The result is...negative. Hindi ako ang ama niya kung hindi si Kyle."
"Ano?" Parang sasabog na ang utak ni Carol na kani-kanina lang ay animo iwinawasiwas sa loob ng makinang panlaba. Sa bilis ng pangyayari ay halos hindi niya masundan iyon. "Kelan? Saan? Bakit hindi ko alam."
"I think we should start from the beginning," sambot ni Kyle. "At mas maganda siguro kung mauupo tayong lahat."
Nananaginip lang ako. At pagkasama-sama. Iyon ang gustong paniwalaan ni Carol habang nakikinig siya sa salaysay ni Kyle. Ayon dito, nakilala nito ang ate niya sa Puerto Galera.
"She was at the beach and I thought I was seeing a goddess. There I was nursing a badly broken heart and this lovely woman looked me in the eye and smiled. I was smitten. Iyon nga lang, may kakatagpuin daw siya roon. Isang lalaki na may beach house doon," salaysay nito.
"Nasabi ko naman na sa iyo na kilala ko si Monette. Kind of," sambot ni Luis. "We met at a party. May shoot siya roon at iyong advertiser ang nagpa-party. Imbitado ako. Monette and I were quite drunk. We flirted with each other. I guess I made some indecent proposal which I sometimes do but don't push through with. She said she'd meet me at my beach house. Common knowledge naman sa mga nandoon na may tinutuluyan ako roon. I didn't commit to anything and later I guess I forgot about it. Nagkayaan kaming mag-poker ng mga kasamahan ko sa cottage ng isa sa mga guests din sa party."
"I was at the beach house," presinta ni Kyle. "Ka-time share ko 'tong si Luis at doon ako nagbabad dahil sa pagka-aburido sa ginawa ng girlfriend ko. It was in the dead of night when there was this knock on the door."
Gustong mahiya ni Carol sa naririnig niyang salaysay. Si Monette daw ang kumatok. And she threw herself at Kyle.
"She kept calling me Luis. And I realized she's not simply drunk. Para ngang...parang may ginamit siyang forbidden substance." Inihilamos ni Kyle ang palad sa mukha nito.
"I swear. Mamatay man ako ngayon din. I had no intention of seducing a woman who is in her state. But she was kissing me. She was all over me. Maybe it was the substance she took that is making her horny and aggressive. Anyway, I...I was weak. Pumatol ako sa tukso. Nag-panic ako pagkagising ko. I didn't know what to do and to clear my mind, I went for a walk. Madilim pa noon. It was a long walk. Pagbalik ko, wala na si Monette."
Kinalimutan na raw ni Kyle ang pangyayari, lalo at marami itong inasikaso sa buhay nito. And then a few months after the incident, he went abroad.
"Wala na akong masyadong balita sa Pinas after that. And then, just a few months back, I met a friend who came from the Philippines," patuloy nito.
BINABASA MO ANG
Lumuhod Ka, Tala by : Kayla Caliente (unedited) completed
RomanceGalit sa paasa si Carol. Lalo naman sa paasa na nga, tumatalikod pa sa responsibilidad. Kaya lagot lang talaga sa kanya si Luis