Chapter 5 Part 2

6.3K 138 2
                                    

BRING it on ba, ika mo? Ang taray ni Carol. Ang lakas pa ng loob. Pero uuwi rin pala siyang bahag ang buntot. Matapos nilang magtitigan ni Luis, magsukatan ng tapang, ay siya ang bumigay.

It was just a pipe dream anyway. A pipe dream that got out of hand. Kasalanan ni Amber na ang husay manggatong. Pasalamat pa nga siguro siya na hindi na nagligalig pa si Luis. Hindi na rin ito nagmalaki o nag-komento ng kahit ano matapos na isang maliit na tinig ang kumawala mula sa kanya. Tinig na nagsasabing gusto ko na lang umuwi.

Tinawagan nito ang piloto, nagpasundo ora mismo. Hindi niya akalain na sasama na rin ito. At mabuti na rin lang. Nang papalapag na sila sa roofdeck ay muling inatake si Carol ng takot. Sa sobrang tindi, wala siyang paki kahit sinong Poncio Pilato ang kapitan niya.

Idinaan pa siya ni Luis sa bahay niya pero hindi na siya nagpabalat-bungang imbitahan pa itong pumasok, magmeryenda. Hindi siya ipokrita at duda siya kung pauunalakan siya ng lalaki. Duda rin siya kung makikita pa niya kahit anino nito sa tanang buhay niya. Which is fine by her. Bakit pa ba niya naisip-isip ang planong iyon?

Nanibago siya pagdating sa bahay. Napakatahimik. At napakainit.

Ang arte mo. Napatira lang siya sa tabing dagat ng kung ilang araw at may nakasama lang siya sandali ay astang ipina-deport na siya sa disyerto ngayon.

Pangatlong araw na mula nang makauwi siya mula sa isla at naninibago pa rin siya. Missing in action pa naman si Amber. Kahit makulit ang kaibigan niya na iyon ay papasa na ring kausap. Kaso ay umuwi ito ng probinsiya. Dadalaw daw sa burol ng kung sinong kamag-anak.

Pinipilit magpakaabala ni Carol sa naipon niyang trabaho kahit pa-hang-hang ang pagkamalikhain niya. Saktong naipasa niya online ang isang ipinamamadaling trabaho nang makarinig siya ng tunog ng humintong sasakyan. Hindi na sana niya iyon papansinin kung hindi iyon nasundan ng pagtawag.

"Carol..."

Napatayo siya mula sa computer table. Pamilyar ang narinig niyang boses. Wala nga lang siyang maisip na dahilan para marinig muli iyon. At lalong walang matinong dahilan para bumilis agad-agad ang sasal ng dibdib niya dahil lang sa narinig niya.

Hindi siya nagkamali. Si Luis nga ang nadungawan niya. Hindi rin niya maikakaila, talagang pinabilis nito ang pintig ng puso niya, lalo nang matunghayan ulit niya ang mukhang ni hindi niya namalayang hinahanap-hanap ng kanyang mga mata.

SIMPLE lang ang tanong ni Carol. Inasahan na rin naman iyon ni Luis.

Ano ang kailangan mo? A perfectly logical question. Pero wala siyang lohikal na maisagot. Dahil kung tao siyang nasa tamang katinuan, ang dapat niyang gawin ay ang magpalalayo-layo sa bahay na iyon.

Sinuwerte na nga siya't hindi nagpumilit si Carol na ituloy ang pangha-harass sa kanya, pasalamat siya na nasindak yata niya ito. Kaya bakit nandoon siya ngayon?

Because of a plain and simple truth. Binabagabag siya ng konsensiya niya. Halos natitiyak niya na wala siyang nabuong bata sa ilang pagkakataong gumawa siya ng milagro. Halos. And that is the operative word. It is still within the realm of possibility that somewhere down the road his sperm managed to unite with an egg. Ang malaking tanong lang, paano nangyari iyon kung sigurado niya na hindi sila nag-volt in ng babaeng umano ay ina ng anak niya. Iyon ang tanong na nagtulak sa kanya para puntahan ang bahay na isinumpa niyang iba-block sa google map.

May isa pang dahilan pero iyon ay handa siyang itanggi hangga't may hininga siya. Nang una nga niyang maisip iyon ay nahindik siya.

Hindi kaya gusto mong makita ulit si Carol? bulong ng isip niyang wala yatang magawa kaya inaasar siya.

No way! Ang igting ng tanggi niya. No woman had ever made her feel that way before. Wala pa siyang na-miss ni isa sa mga nakaulayaw niya. Out of sight, out of mind nga ang patakaran niya sa mga ito. At si Carol ay hindi man lang niya nakalaro. Inakusahan pa siya nito ng kung ano-ano. Kaya bakit niya ito gugustuhin ulit makita?

"I...I..." Napakamot siya ng ulo. "I need to be sure," hayag niya.

"Sure na ano?"

"Na...hindi ko anak iyong batang sinasabi mo."

Umarko ang isang kilay nito.

"Sabi mo sigurado kang wala kang bastardo. Bakit ngayon eh hahabol-habol ka?"

"Hindi lang ako mapalagay, okay? Palaisipan din sa 'kin kung paanong naisip ng kapatid mo na ako ang ama ng anak niya kung isinusumpa ko, tamaan man ako ng kidlat, na hindi ko siya...uhm...you know. I saw her picture on the net, FB account niya, at parang nagkita na nga kami pero matatandaan ko naman siguro kung may nangyari sa 'min."

"Baka lasing ka," sapantaha ni Carol.

Umiling siya. "I don't drink. Allergic ako. Namamantal. I don't do drugs either kaya siguradong hindi ako lango. I'm puzzled so I'm here."

"I...I don't know how to react," pag-amin nito. "Hindi ko inasahan ito."

"Same here," napatawa siya ng pagak. "By the way, where's the child?" Hindi maintindihan ni Luis kung bakit may nadama siyang pananabik na masilayan ang bata.

"Uh, wala siya rito. Nasa probinsiya, kasama ang parents ko. Pero madalas eh iniluluwas siya rito."

"Ganoon ba?" He felt vaguely disappointed.

"May pictures ako. Gusto mong makita?"

Bago siya makasagot ay may narinig silang pagtawag galing sa labas.

g mukha,hin;"

Lumuhod Ka, Tala by :  Kayla Caliente  (unedited) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon